|CHAPTER SIX|
PABALIK-BALIK ang tingin ko sa pintuan ng office ni sir.
Nag-aabang sa paglabas ng babaeng nagngangalang Natalie.
Isang oras na kasi ang lumipas at hindi pa rin ito lumalabas.
Ewan ko lang kung kung may milagro kaya silang ginagawa.
Napabuntong-hininga nalang ako at binalingan ang mga papers na iri-review muna bago ipasa kay sir.
Ngunit sa ilang minuto kong pagtingin sa mga papel na 'yon ay ang isipan ko naman ay nasa babaeng 'yon at kay sir.
Hindi pumapasok sa utak ko ang mga binabasa.
Ngunit sa isang saglit lang ay bumukas ang pintoan ng opisina ni Sir at lumabas doon si Sir Alexander at Natalie.
Ang mukha naman ni sir ay blangko lang habang si Natalie ay napakasaya.
Nagtaka tuloy ako kung bakit hindi man lang nagulo ang buhok at ang damit nito.
Habang abala ako sa pagtitig sa kanila at pagsuri ay ganun naman ang paglakad nila patungo sa direksyon ko, dahilan para makaramdam ako ng pagkaasiwa.
"You can go now, Miss Hernandez. Uuwi na rin ako." Sambit ni Sir nang makalapit saakin at nilagpasan na ako.
Napakunot nalang ang aking noo at sinundan sila ng tingin.
Sino kaya si Natalie sa buhay ni Sir Alexander?
Ibang-iba naman kasi si Natalie sa mga dinadala ni sir Alexander sa opisina niya.
Hindi kaya girlfriend niya 'yon?
Napatanong nalang ako sa sarili.
Kung may girlfriend si sir. Bakit nagdadala siya ng mga babae dito?
'Di kaya nagtataksil siya kay Natalie?
Napailing nalang ako sa mga tanong ng isip ko at niligpit nalang ang mga papers.
Uuwi nalang ako. Parang 'di naman ako makaka- concentrate sa trabaho kung palagi kong iisipin si sir at 'yong kasama niya.
At 'yon nga ang ginawa ko.
Nagligpit ako ng mga gamit ko at sumakay na nang elevator. Pagkababa ko ay laking pasasalamat ko nang agad akong nakasakay.
Nang tuluyan akong makasakay ay naghintay muna ako ng ilang minuto hanggang sa makarating na nga ako sa lugar na tinitirhan ko.
Nagbayad ako sa driver at nagsimula nang maglakad patungo sa aking bahay.
Habang naglalakad ako ay natatanaw ko na ang aking bahay.
Nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni France na nakaparada sa tapat.
Napangiti nalang ako at naglakad na papasok doon.
Nang makapasok ako ay ang mga boses agad ng mga kaibigan ko ang aking narinig.
May susi kasi sila sa bahay ko.
Ganun din naman ako.
May susi ako sa mga bahay nila.
"Maddy!" sabay-sabay nilang sigaw mula sa aking sala.
Nakaupo lang sila habang nanonood ng T.V.
Ang ayos nina France at Chelsy ay parang handa sa gimik ngayong gabi.
Habang si Denisse naman ay naka jeans lang at T-shirt.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
Ngumisi naman si Chelsy. "Magbihis ka na Maddy! Punta tayong bar!" Masayang turan nito saakin.
Napatingin naman ako kay Denisse na ngayo'y nakatingin din saakin na ang ekpresyon sa mukha ay nag-aalinlangan.
Nagdadalawang isip din naman ako kung anong isasagot sa paanyaya niya ngayong buntis ako at bawal ang alak saakin.
"A-ahh--"
"C'mon Maddy! Huwag mong sabihin saakin na ayaw mo rin? Ayaw na nga ni Denisse, pati ba naman ikaw?" Reklamo nito habang si France naman na nasa tabi niya at tumatango lang.
"Guys. Hindi pwede si Maddy." Biglang sambit ni Denisse sa dalawa pa naming kaibigan.
Kumunot naman ang noo ni Chelsy. "At bakit naman?" Sabay baling nito saakin.
Bigla akong kinabahan. Baka dito na talaga ako mabubuking.
"Basta! Hindi nga pwede si Maddy." Ulit parin ni Denisse.
Napapikit nalang ako napahinga ng malalim.
"Bakit nga? Hindi siya pwede kasi ano? What's the reaso--"
"Buntis ako." Biglaan kong sabi matapos mapadilat ang mga mata.
"A-ano?" Biglang napatanong si Chelsy habang nauutal.
Si France naman ay gulat na gulat ang ekspresyon. 'Di yata makapaniwala sa sinabi ko.
"Maddy is pregnant. Hindi siya pwedeng uminom ng alak." Kalmanteng sambit ni Denisse sa gilid.
"P-paano?" Naguguluhan ulit na tanong ni Chelsy.
Huminga muli ako ng malalim at umupo sa tabi nila.
Doon ko sinimulang magkwento.
Mula sa birthday ko.
Sa lalakeng nakasayaw ko.
Sa nangyari saamin at sa nangyari kinabukasan at ang naging bunga ng katangahan kong 'yon.
Yumakap naman bigla saakin si Chelsy pagkatapos kong magkuwento. "S-sana pala hindi nalang tayo pumunta sa bar na 'yon!" Halos maiyak na si Chelsy nang sabihin 'yon.
Hinagod ko nalang ang likod nito at niyakap pabalik.
"O-okay lang.." Ani ko.
"Gago ang lalakeng 'yon! Pagkatapos niyang gawin sayo 'yon, tatakas siya! Iniwan ka lang talaga!" Galit naman na ani ni France sa gilid.
Ngumiti nalang ako ng mapait.
"W-wala na tayong magagawa. Nangyari na eh." Turan ko nalang.
"Don't worry Maddy. We're here for you. Hindi man natin alam ang tatay ng baby mo. Kakayanin naman natin na buhayin siya." Sambit ni Chelsy.
"That's true Maddy. We will help you. We love you Maddy." Sambit naman ni Denisse at lumapit saakin para yakapin ako.
Ganon din si France.
Nagyakapan kaming magkakaibigan kagaya ng ginagawa namin kapag may problema ang isa saamin.
At sobrang saya ko dahil nakilala ko ang mga kaibigan ko.
Nagpapasalamat ako na dumating sila sa buhay ko.
__________________
This chapter is dedicated sa mga bestfriends niyo na palaging nasa tabi niyo kapag may problema kayo.