"Ash, huwag mo palabasin si Kai. Dito na lang siya maglaro sa loob." "Opo, Ma'am Faye." Maghapon ang klase ko ngayong araw. Sobrang abala na rin ako next month. And dating Yaya naman ni Kai, half Filipino-American ito. Umalis na rin ito at umuwi na sa Italy. Kahit nandito kami sa US panay ang tawag ni Ate Kelly sa amin. Alam na nila ang sitwasyon namin ni Kier. Kahit ang mga magulang ni Kier, nakiusap sa akin na baka maiayos pa ang pagsasama namin. Halos isang linggo na kami sa US, pero never tumawag si Kier or kinamusta kami. Minsan patago akong umiiyak kapag nagtatanong si Kai sa Tatay niya. Kailangan ko magsinungaling. Sana kahit sa kaarawan ni Kai pupunta siya. Kahit para lang sa anak namin. Kahit maghapon pagod ako, binibigyan ko pa rin ng oras ang anak ko. "Ma'am Faye, parang

