Sobrang sakit ng aking ulo paggising ko ng umaga. Napahawak ako sa aking noo. May band aid na ito. Dahan-dahan akong bumangon at pumunta sa banyo para maghilamos. Nakatingin ako sa salamin at nakatitig sa aking sarili. Umalis na siya. Iniwan na niya kami. Sobrang sakit. Si Tia, ang babaeng nakita ko noon sa litrato, at ang hawak-hawak niyang baby ay si Kervy. Panay ang punas ko sa aking mukha. God knows, kung ilang beses ko siya pinapaamin. Kung sinabi niya sana agad, sana naintindihan ko pa at hindi gaano ako nasaktan. Ginawa ko ang lahat para maging ang pagsasama namin. Pero siya ang sumira. "Nanay!" Dali-daling ko pinusan ang mukha ko at lumabas ng banyo. "Hey, baby." mahinang saad ko kay Kai. "Nanay!" agad ito lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kumawala ito at umakyat s

