"Under na agad ako." mahinang saad ko rito. "K-Kier." Ngumiti ako sa kan'ya. "I love you." Napaawang ang kan'yang bibig at panay ang kisap ng kan'yang mga mata. "M-mahal mo na ako?" "Ayaw mo ba?" nakangiting tanong ko. "Ha. K-Kier, iyong tandang patay na!" natatarantang saad ni Sheena. Putang-ina! Panay naman ang tawanan ng mga kaibigan ko. Mga gago! "Putang-ina!" aniya ni Kier na dali-daling kinuha ang mga tandang. Napanguso naman si Sheena sa akin. "Kulit mo baby Sheena." nakangising saad ni Gold. "Gold nadapa ka?" Tanong ni Sheena. Ang dumi ng damit kasi at may sugat ang siko ni Gold. "Oo, putang-ina! Kasalanan mo talaga ito, baby Sheena." "Bakit kasi tumakbo kayo? Ako lang naman hinahabol." Napapailing na lang ako. Tinanggal ko ang mga manok nakatali at nilipat

