KIER POV "Kier, galit ka pa ba?" aniya sa akin ni Sheena. Tamad ko itong tiningnan. "Hindi." saad ko rito. "Galit ka talaga!" nakasimangot na saad niya. Napabuntong hininga na lang ako. "Look. Sino hindi magagalit sa ginawa mo? Muntik na namatay ang dalawang tandang." "Sorry na nga," aniya na niyakap ako. "Uuwi na tayo bukas. Ihatid kita sa inyo at uuwi muna ako sa US." saad ko rito. "N-next week, birthday ko na. Sana makapunta ka. Hindi makauwi sila Mommy at Daddy." mahinang saad ni Sheena sa akin. "Okay. Pipilitin ko makauwi. If ever hindi ako makauwi, bawi na lang ako pagbalik ko." Humarap ako rito. Hinaplos ko ang kan'yang namumulang mukha. Fuck! Bakit ang bilis ng heartbeat ko? Kay Sheena ko lang ito naramdaman. "Puwede ba, bawasan mo na ang sobrang kakulitan? You're not a

