Kyle
Parang huminto ang oras nang makita ko siya at masilayan ang mapupungay niyang mga mata at ang ngiti niyang nagbibigay aliwalas sa madilim at malungkot kong buhay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga puntong 'to. Nais kong tumalon, sumigaw sa galak at sumayaw ng kahit ano upang maipalabas ko ang nararamdaman ko.
Biglang huminto ang oras at tumigil sa paglalakad ang mga tao maliban sakanya na papunta sa direksyon ko at direktang nakatingin sa mga mata ko.
Napako na ang tingin ko sakanya, kasabay ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Parang may karera ng mga kabayo na nangyayari sa aking puso. Naitanong ko sa sarili ko, 'normal lang ba ang nararamdaman ko sa kapwa lalaki ko?'
Habang papalapit nang papalapit siya saakin ay ganoon din ang biglang pagbilis ng pintig ng aking puso. Napaatras ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko at—
"Wala ka ba talagang planong tumigil diyan?"
"Listen to me Kyle!" I sighed. Pinindot ko ang save button para masave as draft ang ginawa ko at binalingan ng masungit na tingin ang babaeng nasa harapan ko.
"What do you want?"
"What I want? Oh my god Kyle! You've been here for 5 hours already since you moved here, at halatang kanina ka pa nakaharap sa laptop mo." Napailing ako sa sinabi niya at inabot ang cellphone ko sa side table ng kama.
"So?" I asked.
"So you need to get out from your dorm and socialize to other freshmen out there. Napaka nega mo talaga! Paano ka magkakaroon ng kaibigan sa style mo na 'yan?"
"Look Chloe, I don't need to talk to other people. Kaya ko ang sarili ko, sanay na akong mag-isa." I said.
"Oh really? Kaya mo pala mag-isa? Like duh sinong pinagloloko mo Kyle? Nagpasama ka kaya saakin na magenroll dito sa school na 'to. Ano bang nakain mo?" She sat at the edge of the bed.
"Ayaw ko munang lumabas. Wala ako sa mood."
"Wala ka sa mood? Tsk. As always, nasa mood ka lang kapag kaharap mo ang laptop mo habang nagta-type ng bagong story."
"And so?" Nakakairita na siya.
"You're being unfair. Sige na Kyle, you need to go out and talk to other freshmen. It's for your sake." I know that she's worried about me.
"Hindi naman talaga ako mag-iisa ngayon kung parehas tayo ng kurso na kinuha." Now I'm getting sad, annoyed and what's that term again? Nevermind.
"Tsk. 'Wag ka ng magdrama diyan. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa kurso na kinuha mo diba? You know me better than anyone else. Kaya I don't want to argue with you about this." Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan.
"And one more thing, may meeting ang mga freshmen with the seniors this afternoon. Maghihintay ako sayo sa gymnasium kaya please pumunta ka. At isa pa, lumabas kana sa bat cave mo, 'wag kang nega." She said and finally went out from my room.
Kyle Arvinson Castro, 5"8, kasalukuyang nasa Faculty of Medicine ng isa sa pinakasikat na university sa lugar namin. And that girl a while ago is my bestfriend, Chloe. She took Business Administration at 'yan ang dahilan kung bakit nagtatampo ako sakanya. Kabaliktaran si Chloe sa kung ano ako. She's friendly, kind and very approachable unlike me. Kakalipat ko lang sa dorm ko kaya I'm still adjusting. New environment, new set of classmates.
Naisip ko na rin ang lumabas at makipagusap sa ibang freshmen pero baka walang makapansin saakin at walang makipagusap saakin kaya minabuti ko nalang na tumambay sa loob ng dorm ko at mag type. Isa sa hobby ko kapag nabobored ako ay ang pagsusulat. Isa akong author sa isang storytelling community at minsan naiisip ko na mas komportable pa ako sa fictional world na ginagawa kesa sa totoong mundo. Ilang taon ko na ring ginagawa 'to at halos ginawa ko ng diary ang website na 'to. Ayos lang, wala namang nakakakilala saakin doon kaya malaya akong nakakapagsulat.
Tumayo ako sa kama nang may marinig akong kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Yes?" Ani ko pagkabukas ng pinto.
"Ah bro, may meeting daw ang mga freshmen kasama ang mga seniors mamayang hapon." Sabi ng isang lalaki. Blonde hair, fair skin at matangkad din.
"Ganon ba? Pwede bang hindi pumunta? Masama kasi ang pakiramdam ko." I lied. Ayoko lang talaga sa mga meeting na 'yan. Mabobored lang ako sa mga ganyan.
"Mukhang kailangan talaga nating pumunta kasi first meeting 'to at sasabihin din nila ang house rules."
"Talaga? Hindi ba 'yon mababasa sa handbook?"
"Hindi ako sigurado kung nasa handbook ba ang mga sasabihin nila. Pero panigurado dadagdagan 'yon ng mga seniors kaya pumunta kana." May punto rin naman siya, pero nakakatamad lang kasi.
"Ah sige na nga." Sabi ko.
"Ah by the way I'm Luke, and you are?"
"Kyle." Sabi ko atsaka ko sinarado ang pinto. Hindi naman siya interesado na makipag-usap saakin, obvious na inutusan siya ng mga seniors na pilitin kami na sumali sa meeting.
-
"Oh?" Nagising ako nang magring ang cellphone ko.
"Nasaan ka na ba? Malapit na magsimula ang meeting. Faster! Huwag mo akong inisin Kyle ha, pumunta ka rito kung hindi kakaladkarin talaga kita mula diyan sa dorm mo." Sabi niya atsaka pinatay ang tawag.
"Tsk. That girl is so annoying." Bulong ko atsaka nagbihis.
Whether I like it or not kailangan kong umattend ng meeting na 'yon. Kakaladkarin daw ako ni Chloe pag hindi ako sumipot sa meeting. And she meant it. Lumabas na ako pagkatapos kong magbihis.
"Oh Kyle nandiyan ka pa pala." I turned around and I was surprised to see Luke.
"Ikaw din. Bakit hindi ka pa pumunta sa meeting?" Tanong ko.
"Wala may inayos lang ako saglit sa dorm. Sabay na tayo?" Tumango lang ako at bumaba ng building kasama si Kyle.
"Hello?" I answered the call.
"Kyle! Nasaan ka na ba?"
"Paparating na kami." Sagot ko.
"Kami? Sino'ng kasama mo?"
"Si Luke." Sabi ko. Actually nakakahiya kasi tumingin pa saakin si Luke pagkatapos kong bigkasin ang pangalan niya kaya sinabi ko na kausap ko ang bestfriend ko.
"Hey Kyle, ang aga-aga pa ha pero may nilalandi kana."
"The heck Chloe? Tsk. Ibaba mo na, we are almost there." Sabi ko. Kung ano-ano ang pinagsasabi ng babaeng 'yon, maya-maya may makarinig sakanya.
"Hahaha bestfriend mo ba 'yon?" Tanong ni Luke.
"Oo. Ang kulit nga eh." Sabi ko, nakakahiya sana hindi niya narinig ang sinabi ni Chloe. Nakaloud speaker pa naman ang phone ko tsk.
"Nandito na tayo." Sabi ni Luke at pumasok na kami sa loob.
Crowded yung gymnasium kasi maraming freshmen mula sa iba't-ibang faculty.
"There is a lot of new faces." Narinig kong sabi ng isang babae. She's beautiful, tall and her skin is white, is she a relative of Snow White?
"That's Jane. Yung nanalo sa pageant last year. Ang ganda niya bro." Sabi ni Luke. Ano ngayon kung nanalo siya? Yayaman na ba tayo? Ikauunlad ba 'yon ng bansa natin? Tsk.
"Am I asking for her name?" Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nainis. Mood swing? Maybe.
"Now let's meet our basketball club and its members." Late na ata kami dahil kasalukuyan nang pinapakilala ang iba't-ibang club.
"Let's meet their captain." Busy ako sa paghahanap kay Chloe nang biglang nagtilian ang mga babaeng freshman pati na ang mga seniors kaya napatingin ako sa stage.
"Let's meet the basketball club's famous leader." Bigla nalang nagsitayuan ang mga tao sa harapan ko kaya napaatras ako.
"Ganyan ba siya ka famous?" Bulong ko.
"The one and only captain of the basketball club." At napuno na ng hiyawan ang buong gym, now that's what you call fans. Tsk.
"The one only famous--" Everyone is excited to see him.
"Jake Ferrer."