"Kyle calm down! Baka mabulunan ka." Saway ni Chloe.
"Nagugutom lang talaga ako." Sabi ko.
"'Wag na 'wag kang magsinungaling saakin Kyle, I know you."
"Bakit ba? Hindi ba pwedeng nagugutom lang ako kaya marami ang kinakain ko?"
"Tsk. So tell me, what made you feel upset today?" Tsk. Si Chloe talaga, isa sa mga pinakahindi ko gusto niya ay ang attitude niyang 'yan. She'll get whatever she wants no matter what. Pipilitin ka niya hanggang sa sumagot ka.
"Fine." Sabi ko.
"Fine? Anong fine?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"I saw Jake." Sabi ko.
"Jake? Sinong Jake?" Hindi ba pwede kung wala nalang follow up questions? Bakit kailangan talagang may follow up question? Tss.
"Si Jake. Yung mayabang na lalaki kanina, akala mo naman kung sino porket pinagtitilian ng mga babae. Nakakainis!"
"Huy? Okay ka lang? Sino ba 'yang tintukoy mo?" Kinuha niya ang pink milk niya at ininom ito.
"Basta si Jake. Yung lalaki sa basketball club kanina." Sagot ko.
"Ah si Jake Ferrer?! Omg napaka gwapo niya Kyle! At hot pa. And take note, may fan club siya dito sa campus. Haha!" Fan club? Ew.
"I hate him." Bulong ko. Halatang hindi niya narinig kasi wala akong natanggap na feedback mula sakanya.
"Bakit type mo ba? Omg Kyle! Type mo si Jake?" Tinapik ko siya agad nang lumakas ang boses niya, tsk baka marinig kami ng ibang tao.
"Type? Asa siya! Ayaw ko sa taong mayabang! Hindi rin naman siya gwapo." Sabi ko. Nakakainis na tsk.
"Tsk sige pa, deny mo pa na wala kang feelings. Halata ka naman eh." Pangiinis niya.
"Ewan ko sayo. Kumain ka na nga lang diyan."
"But anyways, may girlfriend na kasi si Jake. And hindi basta basta ang girlfriend niya." Wow bilib din kasi ako sa babaeng 'to, napakabilis makasagap ng balita. Balita ba? Mukha kasing chismis.
"Bakit? Artista ba ang girlfriend niya?"
"Hindi. Pero sa ngayon mukhang artista, napakasikat niya kasi."
"Sino ba 'yang sinasabi mo?"
"Eh bakit ka ba naiirita diyan? Akala ko ba hindi mo crush si Jake?"
"Tsk. Diretsuhin mo nga kasi ako, ayaw ko sa maraming paligoy-ligoy. Just go straight to the point." Sabi ko. Tsk.
"Okay! Chill ka lang. Si Jane ang tinutukoy ko. Yung nanalong miss sophomore last year."
"Tsk." Tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Oh? Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos oh." Tawag saakin ni Chloe.
"Wala na akong gana. May gagawin lang ako sa library."
"Okay. Take care Kyle!"
"I hate him." Bulong ko.
-
"Oh nandito ka pala, ano 'yang binabasa mo?" Tumingala ako at nakita ko si Luke na may dala-dalang maraming libro.
"Story."
"Mahilig ka pala sa mga ganyan? Teka can I sit here? Wala na kasing ibang bakanteng upuan, kung okay lang naman sayo." Halatang nahihirapan na siya sa daming libro na dala-dala niya.
"Sure." Tumayo ako at tinulungan ko siyang ilapag ang mga libro sa table.
"Oh? Ayaw mong umupo?" Tanong ko. Nakatulala kasi siya parang ang lalim ng iniisip.
"Ah sorry. Marami kasi akong dapat tapusin." Sagot niya.
"Okay. Teka kukuha muna ako ng libro, tapos ko na kasing basahin 'to." Sabi ko.
"Wait." Sabi niya kaya napahinto ako.
"What?"
"Pakisauli nalang nito please. Di ko kasi ata 'yan magagamit." May inabot siyang libro saakin kaya kinuha ko ito at dinala.
"May mga interesting books kaya sila dito?" Bulong ko. Inuna ko munang isauli ang libro ni Luke, medyo may kalayuan nga lang yung kinunan niya ng librong 'to. Nakakainis naman oh.
"Ito na ata 'yon." Sabi ko nang makita ko ang bookshelf. Tsk. Nasa ibabaw pa yung kinalalagyan ng mga libro, nakakahiya naman kung ilalagay ko dito sa ilalim eh halata namang hindi ito para dito. Nakakatamad kasi eh, pero bahala na.
"s**t ang taas." Sabi ko habang pilit kong inaabot yung libro na nakita ko.
"Ayan! Tsk." Sabi ko nang maabot ko na ito pero sa kasamaang palad ay nataman ko ang ibang libro sa shelf dahilan upang malaglag ito.
"Tsk."
"Here, let me help you." Sabi ng isang lalaki habang kinukuha ko ang mga nalaglag na libro. Syempre nakatuon yung atensyon ko sa libro baka kasi mapunit. Umiling lang ako.
"Tulungan na kita." Sabi ng lalaki.
"Sinabi nang huwag na nga---Jake?" Nagulat ako nang makita ko sa harapan ko si Jake. Nakaupo kasi ako sa sahig at siya nakaharap saakin habang pinupulot yung mga libro. Magkalapit yung mukha namin, at sa kasamaang palad ay nararamdaman kong umiinit ang mukha ko.
"You don't have to be rude. Gusto ko lang tumulong." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsalita siya kaya napaatras ako.
"And by the way, do I know you?" Lumapit siya saakin kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya. Wow universe! Just wow! Your ways are too much for me, I shouldn't have come here in the first place. Tsk.
"Napipe ka na ba? Bakit hindi ka sumasagot?"
"Tsk. Ang yabang mo." Bulong ko.
"Anong sabi mo?!" s**t narinig niya ang sinabi ko!
"Luke! Yung libro mo nakita ko na!" Para akong nakuryente at mabilis na tumayo at dinala yung libro na nalaglag ko papalapit kay Luke.
"Huh? Anong lib--"
"Ito oh." Sinenyasan ko siya at binigyan ko siya ng just-go-with-the-flow look at sa awa ni Lord parang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.
"Ah oo nga pala. Let's go." Sabi pa niya at bahagya ko siyang tinulak paalis.
"Wait!" Napahinto kami ni Luke. Halatang nagulat din siya sa sinabi ni Jake.
"Bakit po?" Tanong ni Luke.
"Next time turuan mo yang kaibigan mong gumalang sa nakakatanda sa kaniya. Kahit sumagot man lang kapag tinatanong."
"H..huh?" Bulong ni Luke. He looks confused.
"And you, your hella weird of a freshman at wala ka pang galang sa mga seniors mo. Change that attitude." Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya paalis.
"Tsk. Nakakabadtrip." Sabi ko at padabog na bumalik sa table namin.
"Ano bang ginawa mo sa senior na yun? Mukhang na badtrip ah?" Tanong niya pagkaupo niya. Inusog ko yung mga libro ko at isunubsub ko ang mukha sa table.
"Ano? Hindi ka ba sasagot?"
"Nakakainis kasi siya at napabossy pa." Sagot ko.
"Buti nga at 'yon lang ang ginawa niya. Narinig ko na matindi daw yun si Jake magbigay ng parusa sa mga freshmen na hindi rumerespeto sa mga seniors at teachers."
"Pakialam ko sakanila? For me, they're nothing compared to the teachers. Mas igagalang ko pa yung mga prof natin kesa sakanila."
"Tsk. You know what Kyle? Ikapapahamak mo yan kapag hindi ka gumalang sa mga seniors. Baka pag-initan ka nila." Sabi ni Luke.
"Don't worry. Hindi ako natatakot sakanila." Sabi ko. Umiling lang si Luke sa sinabi ko.
Jake Ferrer? Tsk.