Kyle
Napilitan akong bumangon nang tumunog ang alarm clock ko.
"First day. Tsk" Kinusot ko ang mga mata ko atsaka ako tumayo at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako agad sa cafeteria para kumain. Umorder ako ng pink milk at pagkain, mahilig ako sa matatamis na pagkain kaya may baon akong chocolate palagi.
"So, dito ka rin pala kumakain?" Tumingin ako sa nagtanong at nakita ko sa Luke na may abot tenga na ngiti.
"Can I sit here?" Tanong niya kaya tumango lang ako. Magkaharap kami ngayon habang kumakain.
"Mahilig ka rin pala sa pink milk." Tumango lang ako at tinignan ko ang binili niyang pagkain, he likes to drink iced tea too.
"It's very rare to see a man drinking pink milk. Like, dalawang lalaki pa lang sa campus na 'to ang nakita kong umiinom ng ganyan." Tinuro niya pa ang pink milk ko.
"Bakit ba? May gender requirement ba kapag bibili ka ng pink milk?" He's getting into my nerves. Parang napakaaga ko atang na badtrip ngayon, I shouldn't let him sit near me.
"Wala naman. Pero kasi...basta! Hahaha may class ka mamaya?" Tanong niya.
"Teka, sino ba yung lalaki na nakita mo na umiinom din ng pink milk?"
"Oh? Bakit naging interested ka sa sinabi ko?" Inaasar niya ba ako? Tsk.
"I'm just asking. Well if you don't want to answer then I won't force you." Sabi ko at kumain nalang ako ulit.
"Haha 'wag kang magalit, I thought about telling you pero mukhang hindi mo magugustuhan so hindi ko nalang sasabihin." Hindi na ulit ako umimik. Sa halip, inenjoy ko nalang ang sweetness ng pink milk na binili ko.
Ewan ko ba pero kapag umiinom ako nito nawawala ang problema ko. Parang gumagaan ang pakiramdam ko. Bata pa lang ako umiinom na ako ng ganito kaya kinahiligan ko na rin hanggang sa lumaki ako.
"May pasok ka mamaya?" Tanong niya kaya tumango ako. Bakit kaya madaldal si Luke? Saan kaya siya ipinaglihi ng nanay niya? Tsk.
"Class 201" Sabi ko.
"Talaga? Parehas pala tayo! Sabay nalang tayo! Wala pa kasi akong ibang kakilala bukod sako atsaka mahiyain ako." Idagdag mo pa 'yang kadalalan mo.
"Sure." Sabi ko.
"Kumakain kaba ng meatballs?" Tanong niya.
"Bakit napakamadaldal mo?" Tanong ko.
"Meatballs." Tinuro niya yung meatballs sa plate ko.
"Tsk. Oh tumahimik kana ha." Binigay ko sakanya ang meatballs tapos nagpasalamat siya saakin at ngumiti. He's weird.
"Bakit doon mo nagustuhang kumain?" Tanong niya. Naglalakad kami ngayon pabalik ng dorm.
"Kasi malapit sa dorm." Sagot ko.
"Bakit hindi ka nalang kumain sa labas? Narinig ko na masarap daw yung noodles dun sa restaurant sa likod ng campus." Sabi niya. Hindi ako sumagot.
"Dadaan ako rito mamaya ha?" Tanong niya kaya tumango nalang ako. Ayos na rin yung kasama ko si Luke para may kasama ako papunta sa class mamaya. Pumasok ako sa loob ng dorm ko at nagbihis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Chloe.
"Yes Kyle?" Husky pa yung boses niya halata na kakagising pa lang.
"May class ako." Sabi ko.
"Oh? Talaga? Mamayang hapon pa 'yung class ko. Matutulog ako ulit."
"Huh? Nagpuyat ka ba kagabi?" Inaayos ko ngayon ang necktie ko.
"Haha parang ganon na nga. May kinausap lang ako."
"Wow kinausap? Boyfriend mo? Landi mo talaga. Haha." Sabi ko.
"Che! Hindi lang ikaw yung pwede lumandi no. Anyway, sinong kasama mo papuntang med building?"
"Si Luke."
"Wow ha! Ako raw yung malandi? Eh ikaw nga 'tong may kasamang lalaki. Jusko Kyle ha, maghinay-hinay ka sa Luke na yan."
"Baliw. He's just a friend. Wala rin siyang kasama kaya sabi niya sabay na lang daw kami."
"Friend daw, ewan ko sayo!" Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.
"Haha ewan ko rin sayo. Teka ibaba ko na baka malate ako."
"Bye! Take care! Bilisan mo baka hinihintay ka na ni Luke sa labas. Ipagpapatuloy ko ang beauty rest ko. Mwa!" Pinatay ko yung call. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng dorm.
"Kanina ka pa ba naghihintay diyan?" Nagulat ako nang makita ko si Luke na nakatayo sa harap ng pinto.
"Hindi naman. Tara?" Tumango lang ako at sinundan siya palabas.
"May club ka na?" Tanong niya.
"Wala pa." Pagdating namin sa classroom ay pumwesto agad kami sa likuran at syempre dahil kami lang ang magkakilala kaya ayun kami rin yung magkatabi. Kanya-kanyang grupo ang mga tao sa loob kung kaya maingay ang classroom.
"Wala pa ba yung prof?" Bulong ko.
"Wala pa eh." Nagulat ako nang magsalita si Luke.
"Huh? Narinig mo yung sinabi ko?"
"Aba syempre. Hindi ako bingi 'no." Umiling lang ako at kinuha ko ang libro sa bag ko at binasa 'to. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang biglang tumahik at nagsiupuan ang mga kaklase ko kaya inilapag ko ang libro ko at binaling ang atensyon sa harapan.
"Nandiyan na ata yung prof." Sabi ko. Nagulat ako nang makita ko na hindi yung prof namin ang pumasok kung hindi mga students rin pero halatang mas matanda saamin. Limang tao ang pumasok sa room at mukhang may hinihintay pa sila na papasok kaya tumingin ako sa pintuan kasabay ng pagkunot ng noo ko ay ang pagpasok ng kahuli-hulihang tao sa loob ng classroom.
"Tsk."
"Good morning freshmen." Naramdaman ko ang tensyon nang tumayo siya sa harapan at tinignan isa-isa ang mga nakaupo.
"Dahil alam niyo na ang rules and regulations ng school na 'to gusto ko lang linawin na mahigpit ang pagpapatupad ng mga 'yon especially sa medical faculty na kung saan kayo kabilang. Paalala lang sainyong lahat, gumalang kayo sa mga prof at mas nakakatanda sainyo lalong-lalo na sa mga seniors kung ayaw ninyong mahirapan kayo sa faculty na 'to." Nakita kong tumingin siya saakin. Halatang hindi niya pa rin nakakalimutan ang nagawa ko.
"And for those students who don't know me yet, my name is Jake. And team captain ng basketball club."
"I'm giving you this week para makasali sa isang club. Kailangan niyong sumali sa isang club at kung hindi kayo makakasali you'll know the consequence soon."
"Tsk. Ayokong sumali sa kahit na anong club." Bulong ko kay Luke kaya siniko niya ako.
"May sinasabi ka?" Nagulat ako dahil nakaharap saakin si Jake.
"Wala." Sagot ko. s**t kinakabahan ako, don't tell me na narinig niya yung binulong ko? Tsk.
"Kung nagsasalita ang senior ninyo dito sa harapan kailangan ninyong makinig. That's a sign of respect." Tsk. Nakatingin pa rin siya saakin.
"I think that's all. Have a good day and good luck sa class niyo." Sabi niya atsaka lumabas. Sumunod naman yung ibang seniors palabas.
"That was intense!" Sabi ni Luke halatang kinabahan din siya sa ginawa ni Jake.
"Bakit napakabossy ng seniors pagdating saatin?" Tanong ko.
"Ewan ko." Sagot ni Luke.
"Nakakainis sila! Porket seniors sila pwede na nilang gawin ang gusto nila sa mga freshmen. It's very unfair! Talo pa nila yung mga prof. Tsk."
"'Wag ka na ngang ma badtrip diyan. Ganyan talaga sa faculty na 'to. Kung ako sayo mag-isip ka na ng club na sasalihan mo."
"Club? Ayokong sumali sa mga ganon!" Sabi ko.
"Wala ka ng choice Kyle. Pumili kana." Tss.
"Eh ikaw? May napili ka na ba?" Tanong ko sakanya.
"Meron na. Swimming club." Ayan na naman ang ngiti niyang abot langit at ipinakita niya pa saakin ang mga swim strokes na alam niya. Medyo awkward nga lang kung tignan.
"Tsk."
Na shock kaming lahat nang dumating ang prof namin at nagbigay ng pre-exam. Ayun bangag kaming lahat pagkatapos pero syempre mas bangag ako dahil pinuproblema ko pa kung saang club ako sasali.
"'Wag mo masyadong istress ang sarili mo about sa club na 'yan. Don't worry sasamahan kita mamaya. Maghahanap tayo ng club na babagay sayo."
"Thanks." Sabi ko. Kahit papaano ay gumaan yung pakiramdam ko. Akalain mo may good side rin pala 'tong taong ito.