Justine pov
Huwag mo akong sigawan hayop ka, kulogo de mayor, dugyot depunggal. Isang punla mo lang anim na kaagad ang tumubo. Hayop na similya iyang nasa dalawa mong lato-lato na dumadaloy sa matulis mong tubo.
Aba ginalingan mo naman Araneta ang iyong pag-ubo. Ang dating itinapon mo lang sa lababo, at binanlawan gamit ang tabo. Ngayon masiglang namuhay at mga bibong-bibo. Minalas nga lang ang nag-iisa mong prinsesa dahil may sakit sa puso.
Sila ang mga anghel na pinuprotektahan namin laban sa gahaman at salbahi mong ama Araneta. Masisisi mo ba kami kung bakit nagawa naming itago sayo ang mag-ina mo? May amnesia ang ina nila dahil sa kagagawan ng ama mo. Oh by the way nakalimutan kung ibigay sayo ito, here take it. Iyan ang cheque na ibinayad ng ama mo kay ate Reese. Ibinigay sa akin ni ate Reese yan dahil hindi daw niya yan kailangan. At nang dahil sa cheque na yan nagawa nilang kidnapin si ate Reese para makuha ulit. Ang galing din ng tatay mo eh, binayaran niya tapos kukunin ulit. Kung di ba naman one/eight na tanga iyang tatay mo dapat pinatalbog nalang niya ang cheque kaysa mag-arkila pa ng mga dugyot para makuha ang cheque na ibinayad niya kay ate Reese. Kaso iba ang pakay niya eh, gusto niya na baboyin muna ng mga tauhan niya si ate Reese tsaka patayin. Alam mo yung lapastanganan muna nila bago kitilin. Ganun kawalanghiya ang ama mo, na pati girlfriend ng sariling anak kayang ipababoy. Kung di lang nakabuntot ang nanay mo baka siya mismo ang bumaboy.”pag-ulit ni Afsheen sa detalye.
Enough Queen! Tama na hindi ko na kayang marinig ulit.
“Tama na? Masakit malaman ang katotohanan di ba? Lalo na't ang gumagawa ay sariling kadugo. Minsan naisip ko nga na baka anak ka sa ibang tao kasi sarili mong ama walang pakialam sayo. Siguro ligaw na t***d kang hinayupak ka.”saad ni Afsheen.
Kaya mong gawin ang lahat, kaya mong ipakulong ang walanghiya kong ama bakit hindi ninyo siya pinarusahan. Ikaw ang batas ng grupo queen pero bakit para Sa akin hindi mo nagawan ng paraan.
“Paano ko nga gawaan ng paraan kung comatose ng pitong buwan si ate Reese? Gumising lang yan para ipanganak ang mga supling mo. Nang magising naman tangay ng ibang mundo ang kanyang nakaraan. Si tita Lorina mismo ang pumigil na huwag ng maghigante sa ama mo. Sapat na ng binigyan ng diyos ang panganay niya ng pangalawang buhay. Sapat na para sa kanila na payapang mamuhay kasama ang anim na mga anghel. Ayaw na ni Tita Lorina na ipaalam sayo dahil baka malaman ng ama mo at kung anu-ano na naman ang gawin niyang hakbang sa mga walang muwang na mga bata. Ngayon mo sabihin Araneta kung mali ba ang ginawa naming paglihim sayo. Ngayon mo sabihin kung valid ba ang galit mo para sa mga kaibigan mo.
Sino ang gagamot sa prinsesa ko? Gusto ko silang makita, humanap kayo ng magaling na doctor para sa anak ko please. Kahit maubos pa ang mga ari-arian ko wala akong pakialam basta mailigtas lang ang anak ko Queen. Papatayin ko ang ama ko kapag may nangyaring masama sa anak ko.
“Trabaho ng ina nila ang sakit na meron si Jewel. Alam mo naman ang profession ni ate Reese. She is a cardiothoracic surgeon. She a medical doctor who specializes in performing surgery on organs and tissues inside the chest, including the heart, lungs, esophagus, and major blood vessels. A surgeon like her can treat a variety of conditions, from heart disease and lung cancer to congenital heart defects, through complex procedures. She is skilled in treating such conditions. But we have a problem dahil hindi pa bumalik memory niya. We don't know kung pumapasok pa ba sa utak niya ang mga pinag-aralan niya noon. Kaya nga tinawagan ko kaagad si Sanjela di ba dahil experto siya sa problema sa puso. She is the great surgeon at alam ko na makakatulong siya kay Jewel.
“Sheen, iuwi mo na ako sa Canada, gusto kong makita si Jewel as soon as possible.”histerikal na saad ni Reese.
“Ate Reese relax ka muna please, hindi ka pa okay kaya huminahon ka.”si Clea.
“No, no hindi ako pweding magtagal dito sa Pilipinas. F*ck that mission sila na ang tumapos. Kailangan ako ng anak ko Sheen, my princess needs me. Diyos ko bakit ang anak ko pa, bakit si jewel pa. Pwedi naman na ako nalang ang parusahan ninyo Lord. Kung galit kayo sa akin ako nalang ang parusahan ninyo huwag ang anak ko. Ang liit pa ng prinsesa ko, ang payat nun masasaktan yon. Kung may kapangyarihan ka ngayon din sa akin mo ibigay ang sakit niya. Tatanggapin ko ang kamatayan ko basta iligtas mo lang ang prinsesa ko Lord.”umiiyak at nagsisigaw na saad ni Reese.
Kaya agad ko itong niyakap ng mahigpit para patahanin. Hindi ito oras para mag-breakdown siya. Kailangan naming tatagan ang aming mga sarili sa sakunang ito.
“I-i'm s-sorry J-justine kung itinago namin sila sayo. I'm sorry kung hindi pinahintulutan ng pamilya ko na makilala mo sila. Kung p-pinarusahan man ako ng diyos dahil sa paglihim ko sayo h-hinihingi ko ang kapatawaran mo. I'm sorry! I'm really---shhhh wala kang kasalanan, wala kang dapat ihingi ng tawad. Nakatadhana na ito para sa atin kaya kailangan natin itong malagpasan. Kaya natin ito at walang mangyayaring masama sa prinsesa natin. I know that she is brave like you. Tahan na aalis tayo kaagad para samahan ang prinsesa natin to fight her battle.
Di nagtagal dumating na rin ang mga doctor at scientist na mga kasamahan ni Reese. Nag-panic kaagad si Doctora Francey Cameron kung bakit iyak ng iyak si Reese habang niyakap ko ito. Si Afsheen na ang nag-explain sa kanilang lahat. Nang makita ni Reese ang kanyang best friend kumawala ito sa aking bisig at humagulhol na yumakap sa kanyang best friend. Sinamantala ko naman ang pagkakataon dahil sumisikip ng sobra ang aking dibdib. Gusto kong sumigaw ng malakas para makahinga ako. Si mama, yes I need to call her. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang hawak ang cellphone. Nakailang ring lang sinagot na kaagad ni mama Dina ang aking tawag.
“Hello Justine anak good morning, kumusta kana,”tanong ni mama.
Ma, hindi ako okay, ma itatanong ko lang masamang anak po ba ako? Ma nanlamang po ba ako ng kapwa?
“Ano ba yang pinagsasabi mo? Sabihin mo ng maayos para maintindihan ko. Hindi ako manghuhula para hulaan ang gusto mong sabihin.”saad ni mama Dina.
Ma, may mga apo na kayo ni papa Marjon may anak na ako. May anak na kami ni Reese, dininig na ng diyos ang hiling ninyo ni papa na magkaroon ng mga apo.
“Talaga? Ilan ba ang apo namin at bakit mga ang sabi mo?”masayang tanong ni mama.
Anim po sila ma limang lalaki at nag-iisang prinsesa.
“Talaga? Wow naman congratulation anak ko tatay ka na pala. Dalhin mo kaagad dito sa bahay natin ang girlfriend at mga anak mo.”masayang saad ni mama.
Kaya hindi ko na napigilan ang aking mga luha hanggang sa humihikbi na ako.
“Anak ko, anong nangyari sayo? Umiiyak ka ba Justine? Diyos ko napaano ka ba dyan?”ang excitement ni mama ay napalitan ng pag-alala.
“M-ma may s-sakit po sa puso ang prinsesa natin. At kailangan daw ng agarang surgery sa puso. Ma, n-nasasaktan po ako sa balitang natatanggap ko. Ma, bakit ang anak ko pa? Wala namang kasalanan ang anak ko eh. Di ba dapat si Jonathan Araneta ang may sakit. Masama siyang tao, walang kwentang ama kaya dapit siya na ang maunang pumanaw.
“Justine! Huwag mong kwestyonin ang kapangyarihan ng diyos. Pagsubok lang ito para sa ating lahat. Para tumibay ang ating pananampalataya sa kanya. Siguro hindi na ganun kahigpit ang pagdarasal natin sa kanya kaya sinubok tayo. Huwag kang panghinaan ng loob anak ko, kaya mong lagpasan iyang pagsubok mo. Matapang at matibay ang prinsesa mo, siguradong nagmamana yon sayo.”pinapalakas ni mama ang aking loob.
Kaya nagpaalam na rin ako sa kanya dahil nakita kong paparating na ang aking mga kaibigan. Pinunasan ko ang aking mga luha bago pa man nila ako malapitan.
“Nag-SOS si pareng Axel, na dito daw tayo magkikita. Umiiyak ka ba pre? Anong nangyari sayo?”si Ryan.
“Reese doesn't accept your apology right?”si Froilan.
“Wala na ba ako sa 'yong puso
Hindi na ba ako ang mahal mo
Bakit ba kailangan na mangyari to
Damdamin ay tuluyan nanlamig
Nagwawakas na ba ang pag-ibig
Wala na ba o wala na talaga
… Sana'y makayanan ko (makayanan ko)
Tanggapin na tayong dalawa'y magkakalayo (magkakalayo)
Magkakalayo,”kanta ni Afzal.
“Tumigil nga kayo dyan, imbis na damayan ninyo si Araneta kung anu-ano pa ang pambu-bully ang mga pinagsasabi ninyo. May sakit sa puso si Jewel at kailangan niya ng heart transplant as soon as possible.”si Axel.
“What???”in unison.
“Sorry pare...”sabi pa nila.
Hindi ko pa nahahawakan ang anak ko, wala pa akong memory with her tapos ganito na ang mangyayari sa kanya. Napaka-unfair naman ng tadhana para iparanas sa akin ang scenario na ito. Bahala na kung parang bata na ako sa paningin nila. Kung hindi ako iiyak mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko.
“Pre, pagsubok lang yan, kaya mo at kakayanin mo. Nandito lang kami kasama mong manalangin sa diyos. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito, lalaban tayo para kay Jewel,”si Jeremy. At niyakap nila ako ng sabay.
“Kaya nating lampasan at maipanalo ang laban na ito.”sigaw nila.