chapter 31 Justine meet his sixth kids

1632 Words
Third person pov Mas lalong humina ang katawan ni Reese dahil sa labis na pag-alala para sa kanyang anak na si Jewel. Si Justine naman ay nakaalalay kay Reese. Kahit nasasaktan siya sa balita pinilit niyang maging matatag. Hindi pwedi na bumigay silang dalawa. This is their battle and they need to win it. Nakasakay sila sa private jet ni Afsheen at walang kaibigan na nagpaiwan sa Pilipinas. “Doc Sanjela sobrang init ni Reese pwedi pakitingnan,”tawag ni Justine kay Sanjela na nakaupo sa may likuran. Agad namang lumapit so Bhella at Sanjela para tingnan si Reese. “Pare, ihiga mo si Reese sa kama para makapagpahinga siya ng maayos.”jeremy suggested. “Acetaminophen injection is good for her to relieve mild to moderate pain and reduce her fever,”sabi ni Sanjela. “Nurse Jessie may acetaminophen injection ka ba dyan sa medical kit mo?”tanong ni Bhella sa private nurse ng mga Della Torres. “Meron po!”sagot naman nito. “Good! You're so lucky ate Reese,"si Bhella. Agad nilang injectionan ng gamot si Reese tsaka dinala ni Justine sa bed. He used hot compress sa noo nito para humupa ang lagnat. Sinamahan na rin niya ng taimtim na dasal na sanay bigyan sila ng lakas ng panginoon. Ang bawat problema sa buhay ay di maiiwasan, bigla na lamang darating ng hindi inaasahan. Susubok sa ating sariling katatagan, sa ating mga pananampalataya at kabanalan. Malalim na sugat ang siyang iiwan, upang ang kusang paghihilom nito ay ating matutunan. Sabi nga nila ang problema ay hindi natin kaaway. Bagkus sila ay kaagapay sa ating buhay. Ito ay pahintulot at ipinagkaloob ng panginoon upang ating kapulutan ng leksyon. Leksyon na ating magiging pundasyon upang tayo'y lubos na magyabong. Mayroong problema na parang ambon, ito ay yung problema na nahahanapan natin kaagad ng solusyon. Mayroon namang problema na nagmistulang bagyo. Na talaga namang ang dala ay delubyo. Matinding problema talaga ang susubok sa atin. Hanggang sa tawagin na natin ang lahat ng santo. Minsan kinikimkim lang natin at itinatago. Piniling maging masaya sa harap ng ibang tao, ngunit kapag nag-iisa na ramdam na ang bigat nang pighating dala. Kaya sana ay ating tandaan na kahit anong problema pa man yan. May pamilya't kaibigan tayo na palaging nariyan. Laging kaagapay natin sa karera ng ating buhay. Sila'y ating kakampi sa bawat hamon, sila'y ating kasangga sa bawat pakikipag sapalaran. Kaya sila'y ating dapat na ipagpasalamat sa ating panginoong dakila sa lahat. oooOooo Montreal International Airport, Canada..... Hindi na kailangan ng wheelchair dahil si Justine na mismo ang bumuhat kay Reese pababa ng eroplano. Nakaalalay naman ang kanyang mga kaibigan. Dumeritso na sila sa Hospital Saint Sacrement kung saan naroon si Jewel. Nang makababa ng sasakyan kumuha ng wheelchair sina Zhykher para isakay si Reese. Sa VIP room sa fifth floor naka admit si Jewel. Naroon si Grey at Rexine sa may upuan sa hallway nag-uusap. Nang makita ang mga bisita ay agad na tumayo ang dalawa. “Grey nasaan si Jewel?”tanong kaagad ni Reese sa kanyang kapatid na lalaki. “Nasa loob sila ate kasama si mama dahil ayaw umuwi sa bahay ang limang unggoy. Ayaw nilang iwanan si Jewel eh.”sagot ni Grey. Agad namang tumulo ang luha ni Reese dahil alam niyang nasasaktan ang mga ito sa sinapit ng kanilang little princess. Pumasok si Rexine sa loob ng silid ni Jewel at tinawag niya ang limang bata. “Mommy, mommy, mommy our princess is sick.”sabay nilang sumbong. “She is looking for daddy. She said she doesn't want to die too early because she want to meet daddy.”si Enzo ang bunso. Si Eashan at Eryx ay nakatitig ng husto kay Justine and he smiled. “Welcone to Quebec City, Montereal dad. I am Justine Rence Eashan Mojor Araneta the eldest. If you can't recognise me just remember my black heart tattoo because this is my code as an eldest.”the serious guy. “Justine Rence Eryx Mojor Araneta here's my blue code,”the nonchalant observer. “Daddy is here, daddy is here yeheyyy!”nagtatalon at nagsisigaw ang tatlo. “Ssshhhhh keep quiet bro's this is hospital and kids are not allowed to scream. Act like a good guy and introduce yourself first. “Sorry kuya Eashan!”si Eziah. “I'm Justine Rence Ezie Mojor Araneta tattooed with red colour,”sabay pakita ng kanyang tattoo sa kamay. “I'm Justine Rence Eziah Mojor Araneta the purple one,”nahihiya niyang saad. “I'm Justine Rence Enzo Mojor Araneta, they tattooed me with brown colour. I am number five, I am handsome, cute and Ai kid like my mom,”pagmamalaki niyang sabi. Si Reese ay naka-ngangang nakatingin sa kanila. Hindi masyadong pumasok sa utak niya ang mga sinabi nila. “H-how they know that they--- We are Araneta's? And our father's name is Justine Albania Araneta, the only son of businessman Jonathan Araneta and Clarissa Albania? He is the member of Global Builders Limited and miner. C'mon mommy, tita Afsheen told us already years ago.”si Eashan. “F*ck you Araneta you're dead. Ang dami mong kalaban at kung hindi mo kabisado ang kulay malilinlang ka.”bulong ni Froilan. “Hayop ka pre minero ka nga, dami mong diamante naipunla,”si Ryan. “Humabol ka talaga demonyo! Akala ko si pareng Zhykher na panalo dahil sa quadruplet niyang panganay.”si Jonin Ashi. Ang lima namang salarin ay patawa-tawa lang sa kanilang nasaksihan. “Grabeh ang cute nila, kaso napaka-unfair naman ni Lord bakit silang lahat kamukha ni kuya Justine. Isang patunay na hindi ka mahal ni kuya Justine ate Reese,"si Yette. “Doctora Smith!”kontra ni Justine. “Kiddos can you please hug daddy?”naka-squat na saad ni Justine at idinipa pa niya ang kanyang mga braso para sabay na yakapin ang limang anak na lalaki. Hindi na rin niya napigilan ang mga luha at ito'y tuloyan ng dumaloy sa kanyang pisngi. Ang bawat patak ng luha ay may istorya. May luha ng kalungkutan at may luha ng kaligayahan. Katulad ng narararamdaman ni Justine habang kayakap ang kanyang mga supling. Dumating minsan sa punto na sobrang saya. Ngunit kalaunan ay puno ng kalungkutan. Ganyan ang kalakaran sa mundo minsan ay iiyak tayo hindi dahil tayo ay nasasaktan. Kundi dahil meron tayong mapagtagumpayan o meron tayong natanggap na magandang bagay mula sa diyos o mula sa mga taong mahal natin. Minsan tumatawa tayo hindi dahil masaya tayo kundi dahil nais lang natin na ipakita sa kaharap natin na nasa maayos tayong kalagayan. Si Reese na nakatingin sa kanyang mag-ama ay humihikbi. Nasasaktan siya na ipinagkait niya sa mga anak na makilala kaagad at makasama ang ama ng mga ito. Nangyari na ang dapat mangyari, hindi na kailangan na isisi sa kaninuman dahil hindi na ito pweding balikan. “Jade gusto kong pumasok sa loob para makita si Jewel ko,”pakiusap ni Reese sa kanyang kapatid. Kaya agad naman na itinulak ni Jade ang wheelchair papasok sa silid ni Jewel. Nagmano si Reese sa kanyang ina at tinanong pa nito si Reese kung napaano ba ang braso nito. Sinagot naman ni Reese na mild injury lang. Nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ni Reese. Na tila pinagsakluban siya ng langit at lupa ng makita ang kalagayan ng anak. “Panginoon ko, sa dinami-dami ng mga masamang tao sa mundo bakit ang nag-iisa at mabait kong prinsesa ang iyong sinubok? Ayaw sana kitang kwestyonin, kaso...paano nga ba lalaban ang munting kong anghel? Paano ba niya kakayanin ang sakit kapag kailangan na siyang operahan? Diyos ko po bakit si Jewel ko pa?”mahinang saad ni Reese. “M-mom? Mommy you're here? Mommy, I don't want to die yet, I just want to be with daddy and I want to tell him that I am brave girl. And I will get well soon so that we can play together.”jewel said. Hindi na napigilan ni Reese ang kanyang pag-iyak. Pumulahaw na ito na parang bata. Hindi kaagad nakita ni jewel si Justine dahil nasa likod ito ng mama ni Reese. Narinig niya ang sinabi ng kanyang prinsesa kaya naapaluha na rin siya. Pinahid niya ang kanyang mga luha at lumapit sa higaan ni Jewel. “Hi princess, daddy is here!”hilaw na ngiting saad ni Justine. Nanlaki naman ang mga mata ni Jewel nang makita niya ang kanyang ama. Kaya lumapit si Justine at yumuko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ni Jewel. Hinalikan pa ni Justine ang labi ng anak. Hinamplos pa ni Jewel ang mukha ng kanyang ama. “Daddy you're real?”di makapaniwala niyang tanong. “Yes baby I'm real, does your tiny hand could not feel it? Are you sick?”tanong ni Justine sa kanyang anak. “No, I'm not sick because my daddy is already here. Dad, Justenia Terrence Jewel is very strong. Daddy, can you promise that you won't leave us again?”justenia asked her father to promise. “Yes baby, I swear to God and I promise you that I won't stay far from you again.”justine said. “Yeheyyy, yeheyyy our daddy won't leave us anymore,”masayang saad ni Jewel. Ngunit bigla itong nag- convulsions at nahihirapan na huminga. Kaya nag-panic si Justine at Reese. “Jewel!”si Justine. “Hey sweetheart!”si Justine. Agad naman na pinindot ni Justine ang emergency alarm na nasa silid ni Jewel. Di nagtagal pumasok ang doctor para tingnan ang kalagayan ni Jewel. Tinanong sila kung ano ang nangyari kaya isinasalaysay nila ang lahat na kaganapan. The doctor suggested urgent surgery hanggat malakas pa ang katawan ni Jewel. “Let's move her to Humpress Medical Hospital.”sanjela suggested.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD