Justine pov
Engineer's GC
Me: SOS mga pre!
Afzal: Ang y*WA nakalabas pa mula sa ilalim ng lupa.
Jeremy: Akala ko na patay na yan. Sino yong pinaglamayan natin sa Saint Paul Funeral Homes?
Me: Damn it! I'm serious here.
Ryan: Do you still have a signal underground?
Me: Shut up Oppa!
Gian: Karaniwan sa mga nag-SOS na stranded sa Isla. Saang isla ka ba nariyan pre? Sa snake island ba?
Me: Seryoso nga ako bakit puro kayo biro?
Zhykher: Gaano ka serious? Ang paibigin ang isang babae pero hindi kayang ipaglaban? Ang paibigin ang isang babae tapos biglang iiwan na kahit ni ho, ni ha wala man lang?
Froilan: Ningungo ngana ngre, ngayan ngo ngyan nguang nga ngyan.
Unison: what a f*ck Afam namunge ngana hahaha. Puro haha emojis ang tropa.
Me: Can you help me or not? Kung hindi ninyo kayang magseryoso ako nalang ang gagawa ng paraan para hanapin si Reese.
Axel: Hey yo what's up palz? Hmmm Reese is the matter.
Froilan: According to the unknown source engaged na si Reese sa isang Romanian na nakilala niya when she was in Rome Italy.
Me: Huwag kang gumawa ng kwento Smith. Pumunta kayo sa aking Bar para makapag-usap tayo ng matino.
Froilan: I'm in the mission.
Jeremy: I'm in Canada.
Afzal: Ako din.
Zhykher: I'm in Singapore.
Gian: Okay pupuntahan kita mamaya.
Axel: Hinahabol ko pa ang aking tadhana pre kaya labas muna ako sa SOS mo.
Afzal: Tigilan mo ang pinsan ko g*go ka. Isa ka pang og*g ang laki ng kasalanan mo.
Axel: Gusto ko nang manindigan at ayusin ang lahat. Hindi ako susuko kahit patayin mo pa ako.
Afzal: Binigyan mo pa talaga ako ng idea para magkasala sa diyos. Ikaw nalang kaya ang kusang magpakamatay kaysa patayin pa kita ul*l.
Gian: Tumigil nga kayong dalawa dyan, dumagdag pa kayo sa problema ni pareng Justine.
Ryan: Nasa Korea ako, sorry pre.
Jeremy: Bakit ayaw mong sabihin dito ang problema mo?
Afzal: Confidential yata bayaw, iniisip niya mga paretes tayo ili-leak natin ang problema niya.
Zhykher: Ang g*go na yan may gana pa tayong pagdudahan.
Me: Ano bang pinagsasabi ninyo? I want your help about Reese. Pareng Zhykher nasa Singapore ba siya?
Zhykher: Wala. Nasa ibang bansa na siya. I'm busy with my family kaya hindi ko na namonitor si Reese.
Jeremy: It's difficult to let go of the person you care about the most. But when you find someone better than you valued before, you can't think to hold the memory of a person who doesn't care about you in the way you hopped. In the dance of life, being careless is an art of a jerk people. Embracing a careless attitude can be a source of resentment in a relationship. How many months have you not tried to contact her? What will she expect from you? Your parents don't like her as your girlfriend. How your parents accept her as your wife? How can you be sure that your parents had nothing to do with her departure? She left you with a reason g*go.
Me: May alam ka pre?
Afzal: Human instinct pre, remember kapatid ko psychiatrist doctor din at kung investigation ang pag-uusapan magkasabwat ang mga yan.
Froilan voice: Dropped the topic, humanap ka ng pangit at ibigin mo nang tunay. Pumayag kana sa gusto ng iyong nanay. Si Reese may responsibility bilang panganay, hindi niya kailangan ang pag-ibig mong maraming anay.
Unison: hahaha emojis.....
Gian: Magaling pala sa rap ang Afam?
Ryan: Multi-talented yan baog nga lang.
Froilan: F*ck you Park, saan mo nakuha ang information na yan.
Zhykher: Hayaan mo na ang tadhana na trumabaho para sayo pre. Kung nakalaan man si Reese sayo babalik at babalik siya sa buhay mo. Pero kung mahanap mo na ang babaeng meant to be mo tanggapin mo na at kalimutan nalang ang pinsan ko.
Axel: Tama, mahirap kalabanin ang mga magulang lalo na kapag nais ka nilang talian sa leeg. Good luck sayo pre, focus ka nalang muna sa negosyo mo. Nakapagpunla ka ba? Kung nakapagpunla ka bago lumipad patungong Cagayan Valley eh di may hihintayin kang lahi. Pero kung baog ka wala kang hihintayin kaya mag-asawa kana.
Me: P*tangina hindi ako baog, I'm healthy.
Unison: hahaha emojis.
oooOooo
After naming mag-usap wala akong napapala mula sa aking mga kaibigan. I doubt na may kinalaman si Zhykher dahil magpinsan sila ni Reese. Hahanapin kita Reese saan ka man magtago. Kailangan kong malaman kung ano ang iyong dahilan para ako'y iwanan. Kung kailangan na mag-hire ako ng secret agent gagawin ko.
Hindi na ako umuuwi sa bahay namin. Sa aking condo na ako namamalagi. Kahit mga tawag ng aking mga magulang hindi ko na sinagot. I blocked them pa nga para hindi na nila ako guguluhin. Wala na akong pakialam kung mabaon man sa utang ang aking mga magulang. Pera nila ang winaldas nila, negosyo nila ang pinalugi nila, kayamanan nila ang pinakawalan nila sa hangin. Anak nila ako oo pero kung ungkatin mula umpisa mas naging anak pa ako ng aking yaya. Since birth si Mama Dina na ang aking tagabantay at taga-subaybay. Hanggang ngayon kahit na may asawa na si Mama at mga anak na hindi parin niya nakalimutan na kamustahin ako araw-araw kapag nasa malayo ako. Walang mentis yon sa pag-monitor sa akin. Kahit tulog pa ako para siyang alarm clock na time to time tinatanong kong kumain na ba ako.
Pinatayuan ko sila ng sariling bahay sa tabi mismo ng aking bahay. May kalakihan din para ma-feel naman nila na may sariling bahay sila. Bukod sa bahay ko sa EPI may sarili akong bahay sa Tuguegarao City kung saan naroon ang aking pinakaunang project sa pagmimina. At tagaroon din si Mama Dina, siya mismo ang nag-suggest sa akin na bilhin ang 20 hectares na lupain ng mga Aguilar dahil gagamitin daw nito ang pera sa negosyo na itatayo nila sa Manila.
Half of my property ay ang pinakamalaking Resort sa Tuguegarao City ang “DREAMESCAPE MAJESTIC RESORT.” Ito ay sekreto kahit sa mga kaibigan ko. Dahil sabi ni mama Medina na kapag ipinaalam ko ito sa aking mga magulang tiyak na aangkinin ng mga ito ang aking mga pinaghirapan. Mabuti pa ang hindi ko kadugo may tunay pang malasakit sa akin. Maswerti din si Mama Dina dahil nakapag-asawa siya ng mabait na asawa. May sariling lupain din ito sa ibang lugar na medyo malayo sa syudad ng Tuguegarao. I request them to stay in my place para mamonitor ang aking Resort. Sila ang tagapamahala doon dahil alam ko na hindi pababayaan ni mama ang aking ari-arian. Kung may higit man akong rerespitohin si mama Medina ang bibigyan ko ng buong respito. I was 12 nang mag-asawa siya at nagpakasal sila ni Papa Marjon. They never left me at naging personal driver ko pa si papa Mar. Kapatid na rin ang turing ko sa dalawa nilang mga anak na sina Javier at Jumier Penida. I always support them and I trained them to manage some of my business kahit high school pa lang sila. At sa buwan na ito magtatapos na sa high school ang dalawa. Hindi sila kambal pero pareho sila ng grade dahil naging advanced learner si Jumier.
Kapag nasa kolehiyo na ang mga ito kahit saan nila gustong mag-aral kahit sa ibang bansa pa ako na ang bahala sa kanilang pag-aaral.
Janvier calling.....
“Hello kuya nakabuntis ako na-corner ako sa ka-f*ck kong kaklase. Mag-aasawa na ako kuya dapat dumalo ka sa kasal ko. Hindi ka pweding mawala kuyz dahil hindi magiging kompleto ang araw na yon.”si Janvier.
F*ck you Janvier Penida gusto mo bang tanggalan kita ng bayag. Hayop ka umayos kang demonyo ka. Ang laki na ng problema ko dumagdag ka pang bwesit ka. Damn you moron, ngayon din pumunta ka ng impyerno idiot.
Ang peste humalakhak lang sa kabilang linya. Pati mga kasamahan niya humahalakhak rin. Pinagkaisahan pa talaga nila ako mga bwesit.
“Kuya kakausapin ka ni Mama D for Diabetes hahaha,”si Janvier.
“Hello nak, kumusta kana? Nahanap mo na ba si Reese? May balita ka na ba?”si Mama.
Hello ma, magandang gabi po. Hindi ko parin po nahanap eh kaya hindi ako okay. Hindi ako susuko ma, hahanapin ko siya kahit saan pa man siya naroon.
“Mag-iingat ka palagi nak huh huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Magdadasal tayo sa panginoon na mahanap mo kaagad si Reese. Kailan ka ba uuwi dito? Graduation na ng mga kapatid mo this week.”tanong ni mama.
Uuwi ako bukas ma, si papa Marjon kumusta po? Anong gusto nilang regalo ma?
“Ayos naman ang papa mo nak. Naku hindi na kailangan ng regalo ang mga iyan dahil sobra-sobra na ang ibinigay mo sa kanila.”sabi ni mama Dina.
“Kuya, student visa po at entrance sa Clarkson University of London,”sigaw ni Jumier.
Hindi niya alam na nakahanda na ang para sa kanya. Ang University ni mareng Lessery ang napili niya para doon mag-aral.
“Kuya ang sa akin okay na ako sa Della Torres Medical College,”si Janvier. High standard ang Della Torres Medical College dahil competitive at pang international na ito ngayon. Janvier know his responsibility katulad ni mama kaya gusto niya na manatili dito sa Pilipinas.
Okay done! I will be there soon guys. Ma, anong gusto mong pasalubong? Pa, anong gusto mong pasalubong?
“Come home safe nakkk marami tayong pagkain dito sa bahay.”si Papa Mar.
Alright thanks, see you soon guys. Goodnight sa inyong lahat. I love you all...
“We love you too,”si Janvier.