chapter 14 ang pagbabalik ni Reese sa earth

1653 Words
Reese pov 5 years later..... “Bumaba na sa lupa ang magandang scientist na galing sa planet Mars. Kumusta ang pulang planeta, nahanap mo ba ang pulang pag-ibig na nagpapapula sa iyong makinis na mukha. Nakita mo ba sa pulang planeta ang pag-ibig na bumubuhay sa iyong malamig na dugo? Welcome to the greenery planet Earth again doctora Mojor. Congratulations for the successful mission. And meet your six piglets na super makulit. Nasobrahan yata sila sa vitamins kaya hindi nauubusan ng lakas.”si Afsheen. You read it right, it's a six piglets. Isang patunay na nagmamay-ari ng mahabang tetz ang ama ng aking sextuplets. Hindi na lumangoy ang mga semilya dahil direkta na silang ideniposito ng kanilang ama sa aking ovary. Limang taon na ang lumipas mula ng umalis ako sa Pilipinas. oooOooo Flashback... “Hindi kana pweding umattend sa birthday ng kambal ko ate Reese dahil malalaman nila na tayo ang huling magkasama. Tatawagan ko ang aking piloto para ihatid ka niya sa destination mo. Take it use my card para sa mga pangangailangan mo. Huwag kang mailang na gamitin ang laman niyan. Isipin mo nalang na umutang ka lang at babayaran mo ng doble sa future. Sa ibang address kita papupuntahin para walang makakaalam. Hindi ka pwedi sa bahay ni Marcus Della Torres dahil mga maretes ang mga kasambahay doon at baka madulas ang bunganga ng mga yon. Mahirap na baka isuplong ka pa nila. You will stay in Montreal, Quebec City at hintayin mo ako within 3 or 4 days. Rent the best hotel and be comfortable with your stay there. Dadalhan na rin kita ng kasambahay na galing sa probinsya. Yung kasambahay na inosente para ikaw ay maging kampante. Mauna na akong uuwi huh, mag-taxi ka nalang papuntang airport.”sabi ni Afsheen. Thank you so much Sheen, salamat dahil nariyan ka. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kanina. Angel in disguise ang pagdating mo para makaligtas kami sa kapahamakan. Hindi ko alam ang mangyayari sa aking kinabukasan pero sa ngayon tanging kaligtasan lang namin ang iniisip ko. Kung ayaw ng pamilya ni Justine na ako ang maging asawa ng anak nila. Sigurado ako na hindi din nila kayang tanggapin ang magiging anak namin. Di bali na maging bastardo kung lalaki o bastarada kung babae man ang anak basta masiguro ko lang na ligtas ito. Dalawamput anim na taon na ako Sheen at malapit na sa expiration year ang matres ko kaya despirada na akong iligtas ang anak ko. “Y*WA ka ate Reese! Grabeh ka naman sa expiration year. Si doctora Becky Belo nga around sixty na nang mabuo nila ni Haiden Ko si Scarlett. Sige na mag-alsa balutan kana ate para makaalis kana. Tangeneng Araneta pagtataguan na ng lahi hahaha exciting etech. Nga pala ate Reese, here's some cash take this money baka may gusto kang bilhin sa airport. Bumili ka ng babaunin mo para may makain ka sa Ace Jet mahaba pa naman ang byahe. Bilhan mo na rin ng pagkain ang piloto mo, huwag mong landiin yon huh dahil baka sa ibang dimension ng earth pa kayo mag-landing.”pang-aasar pa ni Afsheen. Umalis na si Afsheen at di nagtagal nang matapos ko nang impakihin ang aking mga gamit umalis na rin ako dala ang aking luggage. “Here we go baby aalis na tayo, goodbye Pilipinas.”saad ni Reese. Sa di inaasahang pagkakataon, sa daan patungong airport I encountered armed mens na naka maskara. Sa kasamang palad kinidnap nila ako. Nagmamakaawa ako na pakawalan dahil natatakot ako na baka may mangyaring masama sa aking anak. Tinanggap ko ang cheque na ibinigay ng magulang ni Justine pero ibinigay ko rin naman ito kay Afsheen. Hinanap ito ng mga armadong lalaki. Ipinag-utos daw sa kanila ni Mr. Jonathan Araneta na kuhanin ang cheque. Pagsasawaan daw muna nila ako bago patayin. Labis na kaba na ang aking nadarama lalo na at mahigpit nila akong hinawakan. Naisip ko na katapusan ko na sa araw na iyon. Mabuti nalang at nasundan kaagad ako ni Afsheen. Yon nga lang may masamang balita dahil sa accident na yon nakaligtas nga ako pero nawalan naman ng memorya. Ngunit may mabuti din na nangyari, dahil sa pagkawala ng aking memorya nabuksan naman ang aking genius nervous system. Naging bihasa sa larangan ng science at bawat nababasa ko ay tela pumasok sa memory card ng aking utak. Naimbinto ko ang Ai Robot na pweding lumusob sa gyera. Nagbibiro pa nga si Clea na naging Ai na daw ako mula ng mawalan ng memorya. Hindi ko na nga rin naalala ang aking mga kapatid at si mama. Few months din akong nakaratay at naka-life support. Unconscious habang patuloy na lumalaki ang aking mga anak sa loob ng aking tiyan. Para na nga rin akong Ai Machine na nabubuhay ang bata sa aking tiyan ng hindi ko alam. Nang magising ako agad nilang isinagawa ang cesarean delivery. Ang Humpress Hospital na ang aking tahanan sa loob ng ilang buwan. Amazing right? Nakakamangha dahil anim kaagad na bata ang naideposito ni Justine Araneta sa aking sinapupunan. Habang nagpapagaling ako panay ang pang-aasar nina Clea, Gracey, Afsheen at Lessery. Kahit hindi ko sila naalala palagi nilang kinukwento ang tungkol kay Justine Araneta. Dahil sa pangyayari naging taliwas ang unang plano ni Afsheen na walang makakaalam. Marami ang nakakaalam but steak to the plan sila na hindi ipapaalam sa mga Araneta ang aking sekreto. Matagal na rin akong nagtatrabaho sa Canadian Space Agency. I am a part of Canadian Space Agency (CSA), located at the John H. Chapman Space Centre here in Longueuil, Quebec. After kong manganak ay inumpisahan ni Afsheen ang proyekto sa limang palapag ng “Mojor Vitality Care Hospital.” By the following year with a complete facility at mga magagaling na doctor mula sa iba't ibang bansa. Natakot pa ako sa kahihinatnan ng proyekto. Lalo na at wala naman akong ganun kalaking halaga para mag-invest. But my brother Grey, invest all his savings lalo na at doctor rin ang kanyang asawa na si Sofia. At ng maipadala ako sa ibang planeta tsaka lang bumalik ang aking ala-ala. Naalala ko na ang lahat ng nangyari from day 1 to present. Ang galaxy lang pala ang makapagpabalik ng aking nawawalang memorya. But I have my plan na hindi ko rin muna ipapaalam sa kanila na bumalik na ang aking memory. This is my second life, this is my second chance to live to the fullest. End of flashback..... “Babies mommy missed you, ang laki nyo na mga anak ko.”masayang saad ni Reese. My sextuplets grown up quickly. Limang lalaki at ang bunso at nag-iisang anak kong babae na si Justenia Terrence Jewel. And my Panganay: Justine Rence Eashan Pangalawa: Justine Rence Eryx Pangatlo: Justine Rence Ezie Pang-apat: Justine Rence Eziah Panglima: Justine Rence Enzo Pagkatapos kong manganak si Afsheen na mismo ang nagbigay ng pangalan ng aking anim na anak. Ayon nga sa kasabihan paladesisyon na kaibigan. Well, hindi naman maitatago na paladesisyon nga ang isang Reyna. Bago ang aking due date naka-leave na si Afsheen sa kanyang mga trabaho at mission. I remember back then that she said “Mama peppa ako ang magbibigay ng pangalan ng iyong mga biik. Tangene walang mentis na semilya ni Araneta at talagang lahat ay pasok sa banga. Ito namang itlog ni Reese sa matres maraming butas kaya nasalo mo ang lahat."gagi talaga. “Natatandaan mo pa ba ang mga pangalan ng mga anak mo? Ang gwapo nila ano? Sobrang mga gwapita, gwapito. Pero alam ko magagalit ka dahil lahat sila kamukha ng daddy nila. Ibig lang sabihin nun mas mahal mo si justine.”pang-aasar na naman ni Afsheen. “Tumigil ka Sheen kabababa ko lang galing sa universe. Pagpahingahin mo muna ako mahal na Reyna bago mo ako tadtarin ng pang-aasar.”natawa kong sabi. “Mommy we miss you, we are good boys and we protect our little princess,”si Eashan. “Mommy, mommy we do our home work very well,"si Eryx. “Very good kiddo's! Sheen thank you so much for everything.”pasasalamat ni Reese. 10,302,025 times na ate Reese kaya pwedi ba na tigilan mo na ako sa kaka-thank you mo. Alam mo ba na marami ang nangyayari habang wala ka. Tara uwi na tayo sa mansion mo. I'm sure excited na si Tita Lorina at Rexine na makita ka. Alam mo bang marunong nang gumapang ang anak ni Grey at Sofia. Ayehhhh tiyak masusundan na yon dahil gagapang na rin si Abo.”natatawang saad ni Afsheen habang nagmamaneho ng sasakyan. oooOooo “Tita Lorina where are you? Nandito na ang taga ibang planeta mong anak. Rexine, Grey, Sofie nandito na ang alien.”sigaw ni Afsheen. Madalas na binibisita ni Afsheen ang at aking mga anak. Kahit pa kasama ng mga ito ang lola, tito at tita fully monitored parin si Afsheen. I'm thankful to have her in our life. Ma mano po! Kumusta ka po ma? Pinapasakit ba ng mga apo mo ang ulo mo ma? “Salamat sa diyos at nakabalik ka nang ligtas anak ko. Na miss kita ng sobra anak,”umiiyak na saad ni mama. “Ma, hindi mo ba ako na miss? Kuya Grey bili mo nga ako ng ticket papuntang Pluto. Naiinggit ako kay ate Reese na palaging nami-miss ni mama e.”sigaw ni Rexine na nasa kusina. “Kumusta ate, welcome home!”grey hug me. “Ate Reese kumusta kana? Welcome home!”si Sofia. I'm okay Sofie at salamat sa diyos successful na nakalapag ulit sa earth. Gagi ka, di mo man lang ba ako na miss? Wala ba akong yakap dyan Rexine Jade Mojor? “Hehe I miss you ate Reese, sorry po busy kasi ako cooking your favourite food. I'm proud of you ate, I love you,”si Rexine at yumakap sa akin. Finally I'm home! Thank you Lord.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD