#1 Silong ng Pagnanasa
#2 Himig ng Laman
····
Huminto sa tapat ng malaking pintuan ng simbahan ng Santa Monica si Lyanna. Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Humigpit ang kapit niya sa pumpon ng puting pionyas na hawak. Ang nanunuot na kaba sa dibdib ay unti-unting umusbong. Pakiramdam niya isa siyang kumukulong tubig--mainit, umuusok, at umaalingasaw ang tensyon na nagmumula sa mga buto't bawat himaymay ng kanyang laman.
Hindi niya inaasahang magpapakasal siya sa edad na bente-uno. Ang plano niya noon pa man ay ang magtapos sana ng Political Science bilang pre-law course upang sundan ang yapak ng ama sa pagiging senador. Ni wala sa bokabularyo niya ang magkaroon ng nobyo--lalo na ang lumagay sa tahimik. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng asawa at mga anak ay isang rehas na magkukulong at puputol sa kanyang kalayaan. Matatali siya sa panghabang-buhay na responsibilidad, at sa pagiging ina't asawa na lang iikot ang mundo niya.
Ngunit, mapaglaro ang tadhana. Nang makilala niya si Renault, isang doktor na anak ng retiradong pulis na si Markus Rodriguez, nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Natutunan niya kung paano magmahal, kung paano magtiwala, at kung paano hayaang may taong makakita sa kanyang kahinaan. At sa piling ni Renault, unti-unti niyang nalamang hindi sukatan ng lakas ang pagiging mag-iisa, na may tapang sa pag-amin na kailangan mo rin ng makakasama.
"Ready na po tayo, ma'am," wika ng coordinator.
Kabadong ngumiti si Lyanna at humigpit ang kapit sa braso ng ama.
"I'm nervous, dad," bulong niya ngunit sapat upang marinig siya ni Philip.
"I'm here. I'll walk with you." Tinapik ni Phillip ang kamay ng anak sabay ngumiti ng matamis. "You look very pretty, anak."
"Thank you, dad."
Nakangiti lang si Phillip habang pinagmamasdan ang anak.
"Ma'am," tawag ng coordinator. "Kapag tumugtog na po ang bridal march, hintayin niyo lang po na bumukas nang tuluyan ang pinto, then puwede na po kayong maglakad. Slow steps lang po para makuhanan kayo ng photographers."
Tumango si Lyanna, pilit na pinapakalma ang mabilis na pag-alon ng kanyang dibdib. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay sa sobrang kaba at saya.
"Okay... I can do this," mahina niyang bulong sa sarili.
"You've always been brave, Lyanna. Today is no different." Ngumiti si Philip at niyakap ang anak sa huling pagkakataon.
Tumugtog ang bridal march. Marahan nang bumukas ang malalaking pintuan ng simbahan. Yumakap sa balat ni Lyanna ang malamig na hangin, kasabay ng mabining samyo ng mga bulaklak na nakapaligid sa aisle. Natigilan siya at sandaling pumikit habang pinipigilan ang mga luha sa pagpatak. Pagdilat niya, kitang-kita niya ang mahabang aisle kung saan sa dulo ay nakatayo si Renault. May malapad na ngiti sa labi ng doktor, at wari'y hindi makahinga nang masilayan ang babaeng kanyang pinakamamahal.
Huminga ng malalim si Lyanna at marahang tumango kay Renault.
"Let's go, dad," aniya.
Ngumiti si Phillip.
Sabay nilang sinimulan ang bawat hakbang. Mabagal ngunit puno ng katiyakan, habang ang mundo Lyanna'y unti-unting umiikot patungo sa bagong simula. Hanggang sa hindi na niya namalayan kung paano lumipas ang misa, ang palitan nila ng mga pangako, at ang pagkumpas ng pari habang binabasbasan ang kanilang mga singsing. Ang naririnig na lang niya ay ang pintig ng kanyang puso, ang tinig ni Renault habang binibigkas ng doktor ang bawat salita ng kanilang sumpaan, at ang mga luha niyang pilit pinipigilan.
Hanggang sa marinig niya ang boses ng pari na puno ng kasiyahan at basbas: "You may now kiss the bride."
Ngumiti si Renault.
Marahan niyang hinawi ang laylayan ng belo ni Lyanna. Tumagos sa kanya ang titig ng ngayon ay asawa na niya. Puno ito ng init at pangakong hindi na siya muling iiwan.
"Hi," mahinang bulong ni Lyanna habang nakatingala sa asawa. Saglit niyang pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang mata, at mahigpit na kumapit sa kamay ng kanyang asawa.
Ngumiti si Renault, bahagyang natawa. "Hi," sagot niya, bago niya hinaplos ng marahan ang pisngi nito at punasan ang luhang walang tigil sa pagpatak.
At sa harap ng lahat ng kanilang mahal sa buhay, sa harap ng Diyos na saksi sa kanilang sumpaan, inilapit ni Renault ang kanyang mga labi sa mapululang labi ni Lyanna, at siniil ng isang mainit na halik na puno ng lambing, pananabik, at pag-ibig na matagal nilang hinintay.
Narinig ng dalawa ang palakpakan at hiyawan sa paligid, ngunit ang tanging mundo nila sa sandaling iyon ay ang isa't-isa.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa sila nakangiti at kapwa humihikbi sa tuwa.
"I love you," bulong ni Renault habang nakayakap pa rin sa kanya.
"I love you, too," sagot ni Lyanna, sabay pikit, dinadama ang pintig ng puso nitong dumadagundong sa kanyang dibdib--isang tunog na alam niyang makakasabay niya hanggang sa huling t***k ng kanyang buhay.
Pagkatapos ng kasal, dumiretso sila sa reception kung saan puno ng tawanan, kwentuhan, at pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya.
Habang abala sila sa pagsasalo, sa may pintuan ng reception area, bahagyang nakatayo sa lilim ng arko ang isang lalaking bihis na bihis sa itim na barong. May suot itong gintong singsing at mamahaling relos. Hindi siya bahagi ng mga bisitang nakaupo, ngunit kapansin-pansin ang tindig niyang matikas at ang mga matang tila hindi nawawala kay Lyanna. Tahimik lamang siyang nagmamasid, tila sinusukat ang bawat kilos ni Lyanna habang nakikisalamuha sa mga panauhin.
Minsan ay sumusulyap siya kay Philip Ronquillo na abala sa pakikihalubulo sa ilang bisita, saka muling ibinalik ang tingin kay Lyanna--tila may alam siya na hindi alam ng lahat. Saglit na naglaro ang ngiti sa kanyang labi, malamlam at mapanganib, bago siya umurong sa dilim ng labas ng reception hall.
Walang nakapansin sa kanyang pag-alis, ngunit iniwan niya ang presensya ng isang anino--isang alaala ng mga matang nakamasid, at naghihintay ng tamang oras upang muling lumitaw.
Lumipas ang gabi. Pag-uwi nina Renault at Lyanna sa mansyon ng mga Rodriguez, bitbit pa rin ni Lyanna ang saya at kilig, at umaasang itutuloy nila ang planado nilang honeymoon.
Ngunit pagpasok pa lang sa kwarto ng kanyang asawa, hinagod na ni Renault ang batok niya at bakas ang pagod sa mukha ng doktor.
"Love, I'm sorry," mahinang wika ni Renault. "May emergency surgery ako bukas. Let's just sleep tonight, okay? We can reschedule the honeymoon."
Mapaklang ngumiti si Lyanna at tumango, pilit na tinatago ang kirot at bigong nararamdaman sa dibdib. "It's okay," sagot niya. "I understand."
Ngunit, nang tumalikod si Renault upang magbihis, hindi niya napigilang yumuko at damhin ang kirot sa kanyang dibdib. Nagbadya ang luhang gustong kumawala mula sa kanyang itim na mga mata, ngunit sinikap niyang huwag maging emosyonal at intindihin na kailangan ang asawa niya sa ospital.
Pagkatapos nilang magbihis, humiga na si Renault sa kama at agad na nakatulog dahil sa pagod. Nakatagilid si Lyanna, nakatitig sa kisame at sa bintanang nasisinagan ng ilaw mula sa poste sa labas, habang pinipilit muling pigilan ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulala roon. Ramdam na rin niya ang bigat sa kanyang dibdib.
Nang hindi na makayanan ang lungkot, marahan siyang bumangon at lumabas ng kwarto. Wala siyang alam na ibang paraan upang ibsan ang lungkot na nadarama kundi lamanan ang nangangasim sa gutom niyang sikmura. Bumaba siya sa first floor. Tahimik ang malaking bahay. Maingat siyang nagtungo sa kusina at binuksan ang refrigerator. Nilabas niya ang pitsel at kumuha ng baso sa estante. Nagbuhos siya ng malamig na tubig doon.
Ngunit, bago pa niya mailapit sa labi ang baso, pumatak na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Pinilit niyang huwag humikbi, ngunit kusang kumawala ang mga ito. Ibinaba niya ang baso sa lamesa at itinakip ang mga kamay sa mukha--ngunit hindi mapigilan ang pag-ugong ng kanyang paghikbi.
"Lyanna?" Nagulantang siya, napalingon sa kanyang likuran at mabilis na pinunasan ang pisngi nang makita ang ama ng kanyang asawa.
Sa madilim na bahagi ng kusina, lumitaw si Markus. Nakasuot lang siya ng puting sando at plaid na pajama, kitang-kita ang matitipunong braso at balikat na hindi nawawala sa paningin ni Lyanna.
Bahagyang nakakunot ang kilay ng retiradong pulis habang tinitignan ang kanyang manugang.
"Sorry po... naistorbo ko po yata kayo," mahinang wika ni Lyanna, nanginginig ang boses habang pinipilit bumalik sa ayos.
Hindi sumagot si Markus. Tumitig lang siya sa asawa ng kanyang anak--mula ulo hanggang paa. Matagal. Mabigat. May kakaibang titig na agad naramdaman ni Lyanna sa ilalim ng kanyang balat. Hindi niya maipaliwanag, ngunit kinikilabutan siya sa paraan ng pagtitig ni Markus sa kanya--na parang may sinusuri, parang may inaangkin sa bawat iglap ng mga mata nito.
"Umiiyak ka," basag ang katahimikan ng boses ni Markus, mababa at malamig. "Bakit?"
Hindi nakasagot si Lyanna. Nakatayo lang siya sa may kusina, nanginginig habang unti-unting lumalapit si Markus sa kanya. Sa bawat hakbang ng kanyang biyenan, lalong bumibigat ang hangin sa paligid nila, at mas lalo niyang naramdaman ang nagkukubling pagnanasa sa likod ng malamlam nitong mga mata.
Patuloy na naglakad ang retiradong pulis. Hanggang sa maramdaman ni Lyanna ang init ng katawan nito, kahit na magkalayo pa sila ng isang hakbang.
Napakabigat ng titig ni Markus, parang hinuhubaran siya sa mismong kinatatayuan niya.
"Bakit ka umiiyak?" ulit nito, mababa ang boses, at halos pabulong na.
Pinilit ni Lyanna na huminga nang maayos. "Wala po... na-stress lang po siguro. Pasensya na po, Tito--"
"Daddy--call me daddy. You're my daughter-in-law now." Ngumiti si Markus, ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan, inabot niya ang mukha ni Lyanna, at hinawi ang luha sa ilalim ng magagandang mata nito gamit ang kanyang hinlalaki. Naipikit ni Lyanna ang mga mata gawi ng lamig ng balat ni Markus, at sa pagdampi ng matigas nitong daliri, naramdaman niya ang kilabot na gumapang sa kanyang batok.
Pagdilat niya, nakatitig pa rin ito sa kanya, at malapit na malapit na ito ngayon. Halos magdikit ang kanilang mga hininga. Naamoy niya pa ang halo ng sigarilyo at cologne nito--amoy na tila biglang may sinilaban sa kanyang katawan.
"Ang ganda-ganda mo," bulong ni Markus, mabagal at mabigat ang bawat salita. "Swerte ng anak ko."
Hindi makagalaw si Lyanna. Nakatitig lang siya sa malamlam at madilim na mga mga mata ng kanyang biyenan. Ramdam niya ang bawat pintig ng sariling puso na parang sasabog na sa kanyang dibdib.
Saglit na lumapat ang hinlalaki ni Markus sa gilid ng kanyang mapulang labi, bago ito umatras ng mabagal at maingat, na parang walang nangyari.
"Matulog ka na. Baka magkasakit ka pa," bulong ng retiradong pulis, ngunit sapat na upang marinig ng kanyang manugang.
Mabilis na kumilos at tumalikod si Lyanna. Naglakad siya pabalik sa hallway, at iniwang nakatayo sa gitna ng kusina ang kanyang biyenan. Nanginginig ang mga kamay niyang inihawak ang mga ito sa kanyang dibdib, habang unti-unti siyang nauupos sa hiya at sa kakaibang init na ngayon lang niya naranasan.
"Bakit?" tanong niya sa sarili, nalilito sa sariling damdamin.
Sa kabilang banda, nang mawala na sa paningin ni Markus ang asawa ng kanyang anak, tahimik siyang naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Marahan ang bawat hakbang niya na para bang iniisip ang nangyari sa kusina. Sa labas ng kanilang bahay, malamig ang simoy ng gabi, ngunit sa dibdib niya, may apoy na matagal nang nakatago at ngayo'y muling nagbabantang sumiklab.
Hindi siya makangiti, ngunit may kakaibang kasiyahan at init sa bigat ng kanyang dibdib. Wala naman siyang ginawa. Wala siyang tinawid na hangganan. Ngunit sapat na ang makita ang takot at pagkagulat sa mga mata ni Lyanna--sapat na ang maramdaman niyang siya ang may kontrol sa sitwasyon.
"Napakaganda niya," aniya habang marahang sinasara ang pintuan ng kanyang kwarto. "Napakalinis. Napakalambot tignan. Napakaganda ng murang katawan."
Sayang.
Hindi niya alam kung anong sayang ang tinutukoy niya--ang kabataang hindi na kanya, o ang purong pagtingin at pagnanasa na hindi niya kailanman matatamasa. Ngunit, hindi na niya masyadong pinag-isipan pa. Nahiga na siya sa kanyang kama at ipinikit ang mga mata, saka hinayaan ang init ng eksenang nangyari sa kusina na manatili sa kanyang isipan.
"Mapapasa'kin ka rin, Lyanna... matitikman din kita--magiging puta rin kita," wika pa niya sa kanyang isip, hanggang sa dalawin siya ng antok.
⟶ Don't forget to vote, comment, and follow!