Gaya ng dati, marami pa ring trabaho ang naghihintay sa amin. Kahit na nakalabas na ng bansa ang bagyo ay manaka-naka pa rin ang pag-ulan. Pero hindi na ito kasing-lakas nang ulan noong mga nakaraang araw. What we’re doing now was dealing with the aftereffects of the typhoon. Lunch time namin ngayon at kasama ko si Mariel sa cafeteria. Kanina pa ako kinukulit nito, nagtatanong kung ano daw ba ang nangyari samin ni Leo pagkaalis nilang dalawa ni Paul. "Ano na?!" I rolled my eyes. "May nangyari ba sainyo?" Nangingislap ang mata nito habang nakatingin sa akin. Dahil abala ito sa pag-uusisa, hanggang ngayon ay hindi pa nito nagagalaw ang tray ng pagkain sa harap nito. "Wala." Sagot ko rito. Pinandilatan ako nito. "Wala?! Susme nagpapapakan na nga kayo sa may pintuan no’n, tapos wala pa

