I sat on the bench, trying to stabilize my breathing. Binuksan ko ang bote ng gatorade at tuloy-tuloy na nilagok hanggang sa makalahati ko na iyon. Hah... Refreshing. Nang sandaling iyon ay may naramdaman akong tumabi sa akin. "Here." Ani Jeffrey sabay abot ng malinis na towel sa akin. "Grabe, sandali lang ako nawala pero parang ang bigat na naman ng katawan kong magexercise." Daing ko rito. Jeffrey laughed. "Hindi mo ba ginawa yung exercise na sinabi ni Steven kapag nasa bahay ka?" "Nawala na sa isip ko, tsaka isa pa ‘yong nangyari nitong nakaraang araw. Ni magcharge nga di ko na naharap, mag exercise pa ba? ‘Yon na baleng trabaho ang exercise ko." Pinunasan ko ang pawis ko sa mukha at leeg bago lumagok ulit ng inumin ko. "Ikaw? Balita ko hindi ka rin naman nagwork out noong wala

