[3] Surprise
I took a deep breath as I looked at the old mansion. Ang dating kulay puting pintura ay napalitan na ng itim. Ang mga halaman sa labas ay malapit nang malanta, mukhang hindi na naaalagaan.
Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa bahagyang nakabukas na gate. Doon nakita ko ang dalawang katulong na hindi pamilyar sa akin ang nagwawalis ng mga tuyong dahon. Nagulat pa sila nang makita ako pero mukhang alam nila na pupunta ako kaya't hindi sila nag-iiskandalo na para bang may magnanakaw na nakapasok.
Nang nasa loob na ako ay namangha ako dahil wala pa ring pinagbago ang mansiyon. Kung ano ang itsura nito noong umalis ako ay ganoon pa rin ang itsura sa pagbabalik ko.
May mga nadagdag nga lang na mga vase na mukhang mamahalin ang nakalagay sa ilalim ng portrait namin. I felt glad dahil hindi pa rin pinapalitan iyon ng ibang portrait ni Lolo.
"What are you doing here?!" Isang malakas na tinig ang bumalot sa buong mansiyon. Ang mga katulong na nagpupunas ng mga antigo ay nagsipagpasukan sa kusina. "Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?!" Ulit niya habang mabibigat ang ginagawang paghakbang papalapit sa 'kin.
Kung dati ay nanginginig ako sa takot kapag papalapit na siya ay iba na ngayon. She faced me with that familiar disgust in her face, she's in wrath and I don't even care.
I smirked.
"It's nice to see you again too, Donya Esperanza." I said with a tease in my voice. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig iyon, akala siguro ay matatakot ako sa paninindak niya. Akala niya ay magmamakaawa ako sa kaniya. Ibinukas niya ang napakalaki niyang pamaypay at pinaypayan ang sarili.
"Kakasuhan kita ng trespassing kapag hindi ka umalis sa pamamahay ko. You're not married to my grandson anymore!" She roared, just like a lion.
Tinaasan ko siya ng kilay. The same old woman whom I used to be afraid to.
I patted her shoulders.
"You can't do that you know? I am invited, FYI."
"Huh, invited? Sino namang iimbita sa isang katulad mo!"
"She did,"
I pointed at the woman upstairs looking at me. Napalingon na rin si Lola Esperanza at lalong lumaki ang butas ng ilong sa galit nang malaman na isa sa mga apo niya ang nagpapasok sa 'kin sa kaniyang humble abode.
She gritted her teeth as she eyed on Divina coming down the stairs just like a princess. Her black dress with a matching stiletto and her hair is neatly tied in a bun. Her make-up compliments her mysterious aura. No wonder Luke fell in love with her charm.
"Divina!" The old woman hissed at her granddaughter, "What are you doing?!" She asked. Si Divina naman ay wala pa ring ekspresyon at nilampasan lamang ang kaniyang Lola.
She silently held my hand and led me upstairs. I even smirked at Lola Esperanza when we passed her way.
"Thank you Yara for doing this,"
"Ako dapat ang nagsasabi niyan, thank you dahil pinapunta mo ako rito. I always wanted to visit but I don't know how."
Tumigil kami sa tapat ng isang kuwarto kung saan naroroon si Lolo Ruben. She smiled at me and then gently squeezed my hand. Pakiramdam ko ay bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko at bahagyang natuyo ang aking lalamunan. I held the cold doorknob that sends shiver down to my spine.
Marahan kong tinulak paloob ang pinto. Light came rushing inside the dark room as the sound of the machine that keeps him alive filled the inside with its uncountable beeps.
I saw how his eyes sparkled the moment it landed mine.
"L-Lolo," I choked.
I can't bare to see him like that. May mga kung anu-anong aparato ang nakakabit sa kaniyang katawan. Hindi na siya makalakad pa at may oxygen na nakalagay sa kaniya para tulungan siyang makahinga.
Lumapit ako sa tabi niya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata. He smiled at me longing for my embrace and my comforting words.
"R-Rasiel apo, b-bumalik ka." I held his hands and lifted it to my face. He smiled of contentment. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan nang napaiyak. He tried to brush my tears away but he is too weak to move.
Naroon lamang si Divina sa tabi, watching us while shedding tears for her beloved Lolo.
"Rasiel, kelan mo sasabihin sa'kin ang t-totoo?"
I was taken aback when he said those words. I looked at him with awe and he mysteriously smiled at me. Those smile that says he knows something that no one else knows.
"I know all about it,"
Mabilis ang naging pagkabog ng dibdib ko dahil doon. "Soon Lolo, kapag ayos na po ang lahat." I plastered a smile "Sa ngayon, pahinga ka muna okay?" Tumango siya at dahan-dahan na pinikit ang mga mata as he drifted to sleep.
I leaned forward then kissed his delicate forehead.
Lumapit sa 'kin si Divina at tinapik ako sa balikat. I stood up and fixed myself. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Telling her that I am okay and I am not in need of any sympathy.
She nods and she walked me through the hallway. Naabutan pa namin si Lola Esperanza na sinisigawan ang isang katulong dahil sa nabasag nito ang isa sa mga mamahaling koleksiyones niya.
"Bye Yara, text me when you want to visit again."
"I will, goodbye Divina."
Sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso sa subdivision. Aby already texted me na naroroon na sa bahay si Terrence kasama si Gerry. And now I am eager to come home.
Just when I was about to turn ay bigla na lamang umusok ang makina ng sasakyan ko at bigla na lamang hindi umandar. Napahampas tuloy ako sa manibela dahil sa sobrang inis.
I stepped out of the car at dumiretso sa unahan. Itinaas ko ang hood ng sasakyan at tinignan kung ano ang problema niyon. I don't even know cars. Hindi ko alam kung anong gagawin once na masiraan. Si Terrence kasi ang nag-aayos ng sasakyan ko.
I was about to contact Aby nang biglang sumulpot ang pamilyar na sasakyan sa unahan ko. My heart started to palpitate when I figured who was driving.
Damien.
Wearing a white V-neck tee shirt and his hair was messy. Isama pa ang manly stubble niya. He really looked like a god. He stepped out of his car at lumakad papalapit sa 'kin. His cold eyes staring right pass through my souls like he could see what's inside of me. Na parang naririnig niya ang kakaunting kaluluwa na natitira sa 'kin na nagkakagulo dahil sa presensiya niya. It's the look that I knew long ago.
Hindi ko alam ang gagawin ko. My thoughts were harshly blocked by my loud heartbeats. Parang ume-echo sa paligid ang nakakabinging tunog niyon.
Habang lumalakad siya ay humangin ng malakas at nakita ko kung paano tumaas ng kaunti ang kaniyang damit. I cursed to myself as I remembered how hard his muscles were. Damn those abs!
"Good view?" I was taken aback nang mapansin na nasa harapan ko na pala siya. He smirked at me at inirapan ko lang siya. But at the back of my head I wanted to hide dahil panigurado na nagblush ako dahil sa kahihiyan.
"What?!" I hissed.
"Hey hold on, gusto lang kitang tulungan."
"Okay, do it now."
"Alright babe."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. He even winked at me that made my body shivered. Kahit na mga buto ko sa katawan ay nanggigigil sa ginawa niya.
Damn that guy!
He took some water out of his car at nilagyan ang makina ng sasakyan ko. Nakahalukipkip lamang ako sa tabi ng sasakyan habang hinihintay siyang matapos.
"Okay na," he said at tumingin sa 'kin. Hindi ako sumagot at hinayaan siya na ibaba ang hood ng sasakyan ko. Pumasok na ulit ako sa loob at sinubukan na i-start ang makina. Nang mag-start ito ay walang lingon likod na pinaandar ko iyon palayo sa kaniya.
I was driving so fast na hindi ko na alam kung ilang tao na ang nagreklamo at sinigawan ako dahil sa pago-over take ko sa kanila. I slowed down nang maramdaman ko ang paghina at pagbagal ng t***k ng puso ko.
I even managed to breathe in and out just to control myself.
After all those years na hindi kami nagkita. I should have prepared for it. Knowing na doon siya nakatira. Hindi na dapat ako nagulat na makikita ko siya doon.
Nang makarating na ako sa subdivision ay nakita ko kaagad ang sasakyan ni Aby na nakapark sa harap ng bahay na nabili ko. I quicly parked mine too.
Nagmamadali akong pumasok sa loob at naabutan ang isang lalaki na nakasuot ng polo shirt na kulay itim. His smile got wider nang makita ako. I smiled at him too.
Lumapit siya sa 'kin at hinapit ako sa bewang and hugged me.
"I miss you hon,"
"I miss you too Terrence."
Nakilala ko si Terrence when I arrived in California para sa bakasyon ko. Pareho kaming Pinoy and we have common grounds kaya mabilis kaming nagkasundo. He's been a good friend to me. Like a bestfriend even, and he's been helping me with things.
Humiwalay ako sa kaniya at tumingin sa likod niya na para bang may hinahanap.
"Where's Gerry?" I asked. Lumabas naman si Aby at Alex mula sa kusina na may dalang mga wine glass at isang bote ng wine. Winagayway pa niya ang bote habang nakadikit sa mukha niya ang sobrang lapad na ngisi.
"She's upstairs with Alexa, hinahanap ka sa bawat kuwarto." Answered Alex as they put down the things on the table. Mayamaya pa ay may nagtatakbo pababa ng hagdanan.
It was Gerry wearing a baby blue miniskirt and a cute white top that says Daddy's girl. May mga kung ano-ano ang nakasabit sa kaniyang leeg at may porselas na iba't iba ang kulay na nakalagay sa kaniyang kamay.
Her straight hair was fixed with a headband that Aby gave as a Christmas present.
"Mommy! Mommy!" She shouted as she hurriedly went downstairs. Nang makarating siya sa 'kin ay binuhat ko siya at pinupog ng halik. She giggled and laughed. How I missed her laughter that always echoes in my heart.
I put her down and looked at her. My daughter, the one I love the most. The one whom I will die for.
"Gertrude Keith, what are you wearing young lady?"
She giggled, "Daddy bought it for me, he said that this clothes are bagay to me." Though Terrence and I were teaching her some tagalog lately ay hindi niya pa rin ma-straight ang pagsasalita. Conyo pa rin ang tagalog niya.
I looked at Terrence na biglang ngumiti ng alanganin. And then I glanced at my daughter again. "Hay nako, halika na." I said as I carried her to the living room.
~*~
I swayed back and forth habang pinipilit na patulugin ang anak ko. She said that she's not yet tired pero kanina pang hikab nang hikab at papikit-pikit na ang mga mata. Gusto niya pang makipaglaro sa Ate Alexa niya kaso hindi puwede dahil may pasok kinabukasan.
"Gertrude you have to sleep na, it's two in the morning already." I pleaded. She whined at kinalaunan ay humikab na rin. Pinatong niya ang ulo sa balikat ko samantalang ang mga paa naman nito ay pinulupot sa bewang ko.
I hummed as I swayed her again.
Gertrude Keith, my five year old daughter.
Inihiga ko na siya sa kama niya at kinumutan. I kissed her forehead then I heard a soft knock on the door. I looked at Terrence leaning. Wearing only his shorts.
"Yara, about my proposal..."
I sighed. "Terrence please, you know my answer. Ayokong gamitin ka, you've done enough."
"But Gertrude is my daughter also!" He said almost yelling. Napapikit na lamang ako ng mariin. "Yara think about it," he said. Umiling ako ng sunod-sunod.
"Just please..." I pleaded.
*****
Vote and Comment! :)