[4] Gertrude Keith
"Miyang pakibantayan muna si Gerry ha? Pupunta lang ako sa site tapos diretso na ako sa mall. Doon niyo na lang ako intayin," utos ko sa kinuha ko para magbantay at mag-alaga kay Gerry pansamantala.
"Okay po Ma'am, ite-text ko na lang po kayo."
Tumango lang ako sa kaniya. Of course hindi naman namin kayang alagaan si Gerry dahil may trabaho ako. Gayun din si Terrence na kailangan pang pumunta sa probinsiya para sa isang medical mission.
Kailangan kasing gawin iyon ni Terrence dahil siya ang representative ng ospital nila. After all, siya ang mamamahala ng ospital na tinayo ng mga magulang niya. Hindi niya naman pupuwedeng isama si Gerry dahil baka kung ano pa ang mangyari. Lalo na't katatapos lamang ng bagyo noong isang buwan at matindi ang pinsala sa probinsiyang iyon. Almost everyone is sick.
"Mommy I wanna come!" Maktol ni Gerry na humabol sa 'kin hanggang sa labas ng bahay. Nakasuot pa ito ng pajama na may mga strawberry print at ang kulay violet niyang flip flops. Nakalugay ang itim at mahaba nitong buhok.
I lowered down para pantayan siya. "Anak hindi puwede, bawal ang kids sa work ni Mommy. Later na lang ha? We'll go shopping." I said and then kissed her forehead. Huminga naman siya ng malalim at nanlulumo na bumalik sa bahay kasunod ang yaya niya.
Sumakay na ako sa kotse and started the engine.
The engine, the car.
Damn! What the hell am I thinking. I clenched the stirring wheel so hard and stepped on the gas. Mabilis lamang akong nakarating sa site. Nandoon na si Jake at si Architect Reyson. May mga naggagawa na rin at chineck ko kung kumpleto sila sa safety gears.
"Okay lang ba na i-tabi na tin ang lobby malapit sa dining area? Or kung gusto mo naman malapit sa reception desk kaso sisikip. What do you think?"
"Mas maganda siguro na ilagay natin siya sa may padulo, since maraming tao kapag peak season."
"Okay, you can check out the materials na gagamitin natin. Just to make sure."
"Sure, but I won't be here this afternoon. Dadating naman mamaya si Aine, she's my assistant." Tumango lang ang kaharap ko. He led me to the materials na ginagamit nila. Maigi kong sinuri ang mga iyon dahil our clients deserve the best of the best. They are need to be pampered like kings and queens. Of course, lahat ng iyon ay nagsisimula sa pundasyon ng lahat.
Nasa loob kami ng maliit nilang opisina nang mapansin ko na para bang balisa si Jake. Kanina pang malayo ang iniisip niya at para bang may inaalala.
Lumapit ako sa kaniya and patted him on the back na ikinagulat niya, "Hey are you okay? Napapansin ko lately na parang malalim ang iniisip mo. Mind sharing it to me?"
He sighed at napasabunot ng buhok.
"I don't really know what's gotten into me. I 'm not this way before to her, pero ewan ko ba. Something's changed,
"Sino ba?"
"Carla Suarez." He answered simply.
I frowned at pilit inaalala kung sino ba ang tinutukoy niya. I know Jake, he dated a lot of girls before at walang kahit isa sa kanila ang nagawang baliwin si Jake. Just like what's this Carla Suarez is doing to him right now.
"Who's Carla Suarez. Is she your girlfriend?" I asked out of the blue. Trying to catch him. Of course, knowing him ay hindi talaga siya aamin. He's the kind of guy that would keep everything a secret. Unless he can't keep it to himself anymore.
He looked up and covered his face with his palm in frustration.
"Carla Grace Suarez, our geek classmate. Ang babaeng sa sobrang paghanga sa 'kin ay halos mapagkamalan nang stalker." Sandali siyang huminto at pagak na tumawa. "Would you believe it, after all those years. And damn! Naghahabol pa rin siya!" Muli siyang napasabunot sa buhok niya at hinayaan ko lang siyang magwala doon sa isang sulok.
Natatawa akong bumalik sa kinaroroonan ng mga gamit ko. Si Architect Reyson naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga nagdedeliver ng mga gagamitin nila. I waved at him and mouthed that I'll go ahead. Tumango lang ito at ngumiti.
I got into my car at bago ako umalis ay tinext ko muna si Miyang, ang yaya ni Gerry. Wala pang isang minuto ay nag-reply ito na sinasabing nandoon na raw sila ng alaga sa mall at kanina pa raw nayayamot si Gerry dahil sa sobrang tagal ko.
I started the engine and drove off.
~*~
"Mommy why are you so tagal!" Kaagad na reklamo ng anak ko nang makita niya ako sa mall. Mamula-mula ang chubby nitong pisngi na kay sarap pisilin.
"Work baby,"
I kissed her knotted forehead at kinarga ito. Si Miyang naman ay abala sa pag-order ng pagkain niya. I gave her some money para maglibot-libot muna sa mall. Since ako na naman ang kasama ni Gerry.
"Well, what do you want to do?" I asked her. Siya naman ay umakto na nag-iisip at nilagay pa ang kamay sa ilalim ng kaniyang baba.
"Let's go buy that thing we saw on TV!" She exclaimed.
"The thing where you can make ice cream?"
"Yes! Please Mommy?"
I chuckled, she looks so cute when she says please.
"Alright," I said.
Tuwang-tuwa naman siya at nang maibaba ko na ay nagsasasayaw sa gitna ng daan. She was jumping up and down na talaga namang nakakaagaw ng atensiyon ng mga tao. They were halting for a few seconds to take a look at my daughter.
True, she looks like a barbie doll.
Her natural rosy cheeks at ang mapupula nitong labi. She wore a red dress with a polkadot design at sinamahan niya ng kulay itim na doll shoes. Sabi ni Miyang ay si Gerry raw mismo ang namili ng susuotin at siya rin daw ang nagpuyod sa sarili niya. And as a Mom, it makes me proud that my daughter could do amazing things at a very young age.
"Come on now darling," I said. We walked hand in hand papunta sa department store. I got a big cart since alam ko na marami na namang bibilhing toys si Gerry.
I remember the last time Terrence took her out for shopping ay halos mapuno na ang kuwarto niya ng mga laruan dahil kung anu-ano ang pinabili niya. She's a kind of girl who knows what she wants and she knows how to get them.
Lagay lang siya ng lagay ng mga laruan habang ako naman ay tahimik lang na nagmamasid at panaka-nakang nagkokomento sa mga pinipili niya. She even got a little CD for her ate Alexa and a little bear for Alexis.
When she was already tired ay dumiretso na kami sa bahay. We already ordered some foods para ipa-deliver na lang since both of us were so tired. Nasa bahay na si Miyang nang makarating kami.
Gerry hurriedly went to her room to bring all her toys, with the help of her nanny.
"Miyang, ako na ang bahala dito." I said at hinayaan si Miyang na bumaba na at magliwaliw. Si Gerry ay busy sa pagtatanggal ng wrappings sa kaniyang bagong barbie doll.
I sat down beside her at tinulungan siya. I was worried when she stopped what she was doing.
"Thank you Mommy," she said out of the blue.
I embraced her tight.
"Anything for my little girl,"
"Even though I'm not your real daughter?"
Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang mga sandaling iyon. There were sadness in her eyes, I can tell. Everytime that she opens up that topic ay bakas ang lungkot sa mga mata niya. And it hurst me everytime.
Gertrude Keith, is not my real daughter. I adopted her, of course with the help of Terrence. Nang umuwi ako sa California matapos mag-stay ng ilang araw sa New York ay nakilala ko si Terrence and after a week ay may nakita akong isang basket na may lamang sanggol sa loob. It wasn't directed to me, there was only a little note inside it.
I made plans para ampunin ang bata at hindi naman puwede na mag-isa lang ako, so I faked the adoption papers saying that Terrence is my husband. Everything was going well. I adopted Gerry and we were living a wonderful life, until one day when my daughter found out the truth.
Nakita niya ang adoption papers na tinatago ko. Gerry is a bright kid, she already know things that an adult doesn't know yet. She asked a lot of questions and siyempre, sinagot namin iyon ng totoo. Even the part where I lost my real daughter because of my ex-husband.
And it hurts me more everytime that she thinks that she's nothing but an adopted copycat.
I embraced her tight and kissed the top of her head.
"For me, you are my real daughter. Hindi ka man galing sa 'kin ay hindi ibig sabihin noon ay hindi na kita anak. You're my daughter, always remember that okay?" I caressed her cheeks and wiped away her tears.
She nodded.
"I love you so much,"
"I love you too Mom."
We embraced and cried like idiots. Mayamaya lang ay biglang pumasok si Miyang sa loob ng kuwarto at parang natataranta at hindi malaman ang gagawin.
"Ma'am may naghahanap po sa inyo,"
"Sino raw?"
She hesitated at first at kinalaunan ay sinabi rin.
"Kapatid niyo po,"
Tumango ako sa kaniya at tiningnan si Gerry na nagtataka. "I'll be back anak, okay?" paalam ko at dumiretso na sa baba kung saan nag-iintay ang kung sino mang kapatid ko.
*****
Vote and Comment! :)