[25] Jealous Ibinalot kong maigi ang may kaliitang kumot sa sarili ko habang tinitiis ang lamig sa labas ng bahay dulot ng malakas na hangin. Kanina pang palinga-linga at hindi mapakali dahil sa paghahanap sa anak ko. Ilang oras na ba ang lumipas. Dalawa, tatlo o lima? Hindi ko na mabilang. Nang mapadaan ako kanina sa malapit na 24/7 grocery store ay nakita ko na mag-a-alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin namin nakikita si Gerry. Hindi naman namin puwedeng i-report sa mga pulis dahil wala pang biente-kuwatro oras siyang nawawala. Labis-labis na rin ang pag-aalala ko dahil baka kung anong mangyari sa kaniya. I know that she's a tough girl pero iba na ang panahon ngayon. Marami nang tao ang nagkalat sa daan na halang ang mga kaluluwa. I'm afraid for my little girl. "Ma! Ano nak

