[26] Twice the Coldness Nakatitig lamang ako sa anak ko na himbing na himbing sa pagtulog. Ang kulay berde na ilaw na nagmumula sa maliit niyang table lamp na nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid. Gayun din ang mga glow in the dark stars and moons na idinikit ni Terrence sa kisame. I was smiling on the outside while looking at her, but I was hurting on the inside. Pakiramdam ko ay ilang milyong maliliit na karayom ang nakatusok sa puso ko. It stops me from breathing and it pains me to see her slowly drifting away from me. "Go away...I h-hate you..." I sighed. Kahit sa panaginip niya ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya sa 'kin. I know that Gerry's a stubborn little girl pero hindi naman siya magdadamdam ng ganito kung hindi talaga siya nasaktan ng sobra. It's been a week since na

