CHAPTER 6

1573 Words
NICHOLO PAGKATAPOS maligo at makapagbihis ay bumaba ako saglit para kumuha ng beer. Gusto kong uminom ngayon para makatulog ako agad. Lately kasi hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Madalas tuloy ay puyat ako. Paakyat na uli ako sa kuwarto ko ng makasalubong ko sa sala si Drake. May sarili itong bahay pero nitong nakaraan ay madalas ay pumupunta ito dito. Kesyo naboboring daw at walang makabonding doon kaya dumadalaw-dalaw dito at natutulog na din kapag tinatamad umuwi. "Akala ko ba may lakad ka?" kunot-noong tanong nito ng makita ako. "Tinamad ako, e," sagot ko. Napatango-tango ito. 'Yong lakad na sinasabi nito ay date 'yon. May nakilala akong sexy model noong isang araw at inaya kong magdate kami ngayon. Pero kanina'y nagbago ang isip ko dahil bigla'y parang tinatamad na akong lumabas. Tinawagan ko na lang kanina na bukas ng gabi na lang kami magkita. Noong una ay halos ayaw pa niyang pumayag. Medyo nainis nga ako dahil magde-date pa lang kami ay clingy na agad. Akala mo naman seseryosohin ko. Kung hindi siya pumayag kanina ay wala na din sana akong balak na makipagkita pa sa kanya. Hindi ganoong babae ang pagtitiyagaan ko. Ang dami kayang babaeng nahuhumaling at nababaliw sa akin. Ano lang ba siya? She's nothing. Pagkatapos ko siyang ikama bukas ay goodbye na din. "You're planning to drink?" tanong nito ng mapansin ang dalawang bote ng beer na hawak ko. "Yeah. Wanna join me?" alok ko sa kanya. Umiling ito. "No. Pass muna. Wala ako sa mood. Next time na lang." "Okay," kibit-balikat kong sabi bago nilampasan ito at umakyat na ng kuwarto ko. Binuksan ko ang sliding door at dumiretso sa terrace na kadugtong ng kuwarto ko. Dito ako madalas tumambay kapag umiinom akong mag-isa o kung gusto kong magpahangin. Ibinaba ko ang isang bote ng beer sa mesa habang ang isa nama'y binuksan ko. Agad akong tumungga roon. Lumapit ako sa railings at tumayo roon. Tahimik na pinagmasdan ko ang paligid. Tanging ang mayayabong na puno na nakapalibot sa bahay ang nakikita ko sa kadiliman. Wala akong maaninag na liwanag dahil sa mga punong 'yon. Malaki ang bahay naming ito pero ang dalawang kapatid kong kambal lang ang kasama ko dito at mga katulong. Ang ibang mga kapatid ko'y piniling humiwalay na at magsolo sa buhay. Kami na lang tatlo ang nakatira dito ngayon. May bahay na din naman akong sarili. Minsan natutulog din naman ako doon. Pero ewan ko ba kung bakit mas gusto ko pa ring tumira dito. Palibhasa nasanay na kasi ako dito. Mula kasi ng manirahan ako dito sa siyudad ay dito na ako naglagi. Pero nagbabalak na din ang kambal na lumipat at magsolo na din. Ako na lang mag-isa ang maiiwan dito kapag nagkataon. Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin kapag umalis na sila? Wala na akong makausap nun at tiyak magiging malungkot na rin dito. Marahan akong napabuntong-hininga sa isiping 'yon. Muli akong tumungga sa bote ng beer. Napapikit ako ng maramdaman ko sa lalamunan ko ang mapait at matapang na lasa niyon. Habang nakapinid ang mga mata ko'y may unti-unting nabubuong imahe ng babae sa isip ko. Napamura ako saka muling nagmulat. Nitong mga nakaraang araw ay lagi na lang laman ng isip ko si Arra. May mga gabing hindi na rin ako nakakatulog ng maayos dahil sa kanya. Tuwing pipikit kasi ako ay ang mukha niya ang nakikita ko. Pakiramdam ko tuloy para na akong nababaliw. Kailanman hindi pa ito nangyayari sa akin kaya hindi ko ito kayang ipaliwanag. Kaya talagang naiinis ako. Wala talagang magandang hatid ang babaeng 'yon. Ngayon pati isip ko ginugulo niya. Kung bakit kasi nagpakita pa uli sa akin. Kulang pa ba ang sampung milyon na ibinigay ko sa kanya noon? Kaya ba nagpaparamdam na naman? Haays! Bilib din ako sa kakapalan ng mukha niya! Kaya tama lang ang desisyon kong hiwalayan ko na siya. Para wala na siyang dahilan pa para maglalapit pa sa akin. At kung iniisip niyang may makakakuha pa siya sa akin ng pera ay nagkakamali siya. Kahit singkong duling wala akong ibibigay sa kanya. Mapakla akong tumawa. Sino nga bang mag-aakalang muli ko pang makikita ang pagmumukha niya? Oo aaminin ko sobrang laki ng ipinagbago niya. Ni hindi ko nga siya nakilala. Pero ano na man? Nagbago man siya hindi pa rin niyon matatakpan ang pagiging mukhang pera niya. Naiinis pa naman ako sa ganoong klase ng babae. Kung hindi lang minanipula ng aking ama ang buhay ko noon, hindi sana ako mauugnay sa babaeng 'yon. Kaya kahit matagal ng wala ang aking ama ay may lihim pa rin akong galit sa kanya. Noong namatay sila ni Mama ay ako lang sa aming magkakapatid ang hindi umuwi ng Santo Paulo. Hindi ako nakilibing at nakiburol. Hanggang sa huli'y nangibabaw ang galit ko sa aking ama sa pakikialam niya sa buhay ko. Ganoon katigas ang puso ko ng mga panahong 'yon. 'Yon din ang dahilan kaya ilang buwan din akong hindi pinapansin ng mga kapatid ko. Sa bandang huli'y ako lang din ang nagpakumbaba at lumapit sa kanila. Lugmok kasi ako noon dahil katatapos lang naming maghiwalay ni Felise. Wala akong ibang malapitan kundi mga kapatid ko lang din. Pinatawad din naman nila ako kahit papaano. Biglang sumikip ang dibdib ko ng maalala ang babaeng 'yon. Kahit ilang taon na ang lumipas ay sariwa pa din sa utak ko ang mga panloloko niya sa akin. Nakilala ko si Felise noon sa isang birthday party ng isang kakilala. Unang kita ko palang noon sa kanya ay nagkagusto na ako sa kanya. In-approach ko siya agad. So ayon, nagpalitan kami ng contacts. Madalas kaming mag-usap at magtawagan. Minsan lumalabas din kami. Unti-unti nagkamabutihan kami. At ilang buwan lang nakalipas ay naging kami na. First love ko siya kaya todo ang pagmamahal ko sa kanya noon. Kahit galing siya sa mahirap na pamilya ay hindi 'yon problema sa akin. Kaya kong i-provide lahat ng pangangailan niya. Para sa akin noon, siya na ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Kaya noong ng malaman kong ipinagkasundo ako kay Arra ay sobrang nagalit ako. Hindi ko kailanman magugustuhan ang kagaya niya. At hindi ko maaatim ang pakasalan siya. Pero dahil wala akong pagpipilian ng mga panahong 'yon ay wala akong nagawa kundi pakasalan din lang siya na tulad ng gustong mangyari ng aking ama. Noong araw din na inabandona ko si Arra ay napagdesiyonan naming magsama na din ni Felise. Sa ilang buwang nagsama kami ay masaya naman kami. Lahat ng luho ibinigay ko sa kanya. Pera, alahas, sasakyan at mamahaling gamit. Kaya lang hindi pa pala siya nakontento. Habang busy akong nagtatrabaho ay iba din pala ang ginagawa niya. Kalaunan ay nalaman ko lahat ng panloloko niya. Naging kabit siya ng isang mayamang pulitiko. Bukod doon ay marami pa siyang lalaking kinakatagpo at nakarelasyon ng hindi ko nalalaman. Kami pa noon at kasalukuyang nagsasama pero wala akong ideya na ganoon na pala ang ginagawa niya. Pinagsabay-sabay niya kaming lahat. Pare-parehong pinagloloko at pineperahan. Sobrang nasaktan ako noong malaman ko ang mga pinaggagawa niya. Kahit mahirap, nakipaghiwalay ako sa kanya. Sa totoo lang nahirapan akong magmove on. Minahal ko kasi ng sobra. Pero hindi ko akalaing manloloko lang pala ito mukhang pera. Malaki ang naging impact sa buhay ko ng karanasan kong 'yon. Nag-iba ang pananaw ko sa mga lahi ni Eba. Para sa akin hindi nila deserve ang irespeto. Si Felise, si Arra...lahat sila pare-pareho lang. Mga manlokoko at mga mukhang pera. Kaya hindi ko sineseryoso lahat ng mga babaeng nakikilala ko. I learned my lesson. Kaya ginagawa ko na lang silang pampalipas oras. Pagkatapos maikama ay iniiwan ko na at naghahanap na ng iba. Naging literal akong playboy dahil din sa kanila. Kaya hindi mo ako masisisi kung ganito ako ngayon. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko. Singpait niyon ang nakaraan na patuloy kong ibinabaon sa limot. Okay naman na ako ngayon. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan kapag naaalala ang nakaraan. Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Muli akong tumungga sa bote ng alak habang nakatingin sa kawalan. This time sinaid ko na ang laman ng bote. Mayamaya'y tumingin ako sa kalangitan. Makulumlim 'yon at wala kang makikitang bituin. Tila anumang oras ay may nagbabadyang ulan. Ibinaba ko sa mesa ang bote ng beer na wala ng laman. Muli kong binuksan ang natitirang isa pang bote at agad lumagok roon. Hinila ko ang isang upuan saka naupo. Kapagkuwan ay kinuha ko ang cellphone ko sa cotton shorts na suot ko at mabilis na idinayal ang number ng assistant kong si Aidan. Agad naman nitong sinagot 'yon. "Yong ipinapagawa sayo nagawa mo na?" tanong ko sa kanya. "Okay na, Sir. Iniwan ko na lang sa table niyo kanina. Check niyo na lang bukas," anito sa kabilang linya. "Sige. Salamat," sabi ko bago pinatay ang tawag. May pinaimbestigahan kasi akong tao sa kanya. Medyo nacurious kasi ako kaya gusto kong malaman ang lahat sa taong 'yon. Nang maubos ko ang laman ng huling bote ay ipinasya ko na ding tumayo. Malamig na din kaya mabuting pumasok na ako. Sakto inaantok na din naman ako. Sigurado makakatulog ako agad nito dahil medyo lasing ako. Pagkatapos isara ang sliding door ay agad na din akong nahiga sa kama ko. Ipinikit ko na agad ang mga mata ko na namimigat na ang talukap. Ilang sandali pa'y mahimbing na akong natutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD