bc

[Cartagena Series #2] The Abandoned Wife

book_age18+
258
FOLLOW
3.1K
READ
HE
heir/heiress
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

10 years ago, sa kagustuhan niyang makapag-aral at makatapos ng kolehiyo ay pumayag siya sa alok ng amo nila sa Hacienda na si Senyor Arthuro. Pag-aaralain siya nito pero kailangan niyang magpakasal sa anak nitong si Nicho.

-

Lingid sa kaalaman ng lahat, matagal na siyang may gusto kay Nicho. Bata pa lang siya'y itinatangi na niya ito. Pero dahil alam niyang hindi siya nito kailanman magugustuhan ay pinili na lang niyang itago ang nararamdaman para sa binata. Ngunit ng malaman niyang ipinagkasundo siya sa kanya ay halos isumpa siya nito.

-

Pero ang pinakamasakit na nangyari sa kanya ay ng abandonahin siya ng binata pagkatapos ng kasal nila at sumama sa babaeng mahal niya. Mula noon ay hindi na niya nakita pa ito.

Pagkaraan ng mahabang panahon, maayos na ang takbo ng buhay ni Arra. Pero wala siyang kamalay-malay na ang tahimik niyang buhay ay muling magugulo nang muling magkrus ang landas nila ni Nicho. Nang pumayag siyang makipaghiwalay rito'y akala niya'y doon na matatapos ang lahat sa kanila. Ngunit tila isang birong pauulit-ulit pa rin silang pinagtatagpo.

-

Magawa pa kayang mabuhay ng tahimik ni Arra kung wala namang alam gawin si Nicho kundi guluhin ang buhay niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Plagiarism is a crime [grammatical and typographical errors ahead] R18+ SERIES *DEADLY SECRETS (Cartagena Series#1) Completed *THE ABANDONED WIFE (Cartagena Serie#2) Ongoing *PAINTED MEMORIES (Cartagena Series#3) Soon ARRA NATUON lahat ng atensyon ng mga taong nasa loob ng kuwartong 'yon sa pintong pabalibag na bumukas. Iniluwa niyon si Nicho na agad pumasok. Di alintana kung nakagawa ng eksena. "Am I late?" papilosopo pa nitong tanong. Nakita kong sinita siya ni Senyor Arthuro. Malapit lang sila sa kinaroroonan ko kaya naririnig ko ang usapan nila. "Are you drunk?" Tanong ng Senyor. "No. Nakainom lang." Ngumiti ito nang nakakaloko. "Pasensiya na kayo, nauna na akong nag-celebrate sa inyo." "Puwede ba kahit ngayon lang umayos ka, Nicho," maawtoridad na utos ni Senyor. "Maayos naman ako, Pa. Ano bang problema?" nakatawa nitong sabi pero halatang nakikipagplastikan lang ito sa ama. Humila ito ng upuan at naupo roon. "You should be thankful. Hindi ako tumakbo kundi kayo ang mapapahiya," may halong sarkasmong sabi nito saka luminga-linga sa paligid. Nang masulyapan niya ako'y nagsalubong ang mga mata namin. Pakiramdam ko'y saglit na tumigil ang mundo ng mga sandaling 'yon. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-ismid nito at ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. Punong-puno ng galit at pagkamuhi ang mukha nito habang tinitingnan ako. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Para akong tinutupok ng niyon. Yumuko na lang ako at sinikap kalmahin ang sarili. Nang mga oras na 'yon nagsimula na naman akong matakot sa kanya. Mahirap lang kami at katulong lang dito sa Hacienda Cartagena ang Mama ko. Dito na ako namulat at nagkaisip. Wala akong kinagisnang ama kaya't si Mama ang mag-isang nagtaguyod sa akin. Ayon sa kanya, matagal ng patay ang Papa ko kaya huwag ko na daw tangkaing hanapin o itanong sa kanya. Katatapos ko lang ngayon ng high school. Wala ng kakayahan ang aking ina na mapagtuloy pa niya ako sa pag-aaral ng kolehiyo dala ng kahirapan sa buhay. Pero sa kagustuhan kong makapagkolehiyo at makapagtapos, tinanggap ko ang alok ni Senyor Arthuro na pakasalan ang pangalawang anak nitong si Senyorito Nicho. Kapalit niyon ay pag-aaralin niya ako hanggang makatapos ako. Pumayag ako kasi sabi niya ay hindi naman daw seryoso 'yon at pagdating ng araw ay maghihiwalay din kami. Nang malaman ni Senyorito Nicho na ipinagkasundo ako sa kanya, doon na nagsimula ang kalbaryo ko sa buhay. Halos araw-araw niya akong pinapahiya at nilalait kahit may mga tao sa paligid. Nandoong sabihan niya akong mukhang pera, ambisyosa at kung ano-ano pang masasakit na salita. Dumating pa sa puntong pinagbabantaan na niya ako. Na gagawin daw niyang impiyerno ang buhay ko kapag nagpakasal ako sa kanya. Dahil doon muli kong kinausap si Senyor Arthuro para umurong na sa kasunduan namin. Pero sa kasamaang palad, ayaw ng pumayag ng Senyor. Kahit ang Mama kong nakiusap sa kanya ay wala ding nagawa. Magpapakasal daw ako kay Senyorito kahit anong mangyari. Kaya naman wala akong nagawa kundi tiisin na lang ang mga panlalait at pananakot sa akin ni Senyorito Nicho. At ngayong araw nga'y kasal namin. Noong nakaraang buwan ay ikinasal naman ang isa kong kaibigan na si Lira kay Senyorito Noah. Simula noon ay hindi na namin siya nakita ni Ellie dahil dinala siya sa siyudad. Ni wala na kaming balita pa sa kanya. Kinakabahan tuloy kami kakaisip kung ano nang naging kapalaran niya doon lalo't ayaw din sa kanya ni Senyorito Noah. Tatlo kaming magkakaibigan at parehong nagkagusto sa mga anak ng mga amo namin. Si Ellie ay nagkagusto kay Senyorito Hugo. Si Lira naman ay itinuturing na Prince Charming niya si Senyorito Noah. At ako nama'y hindi ko rin napigilan ang sarili kong hindi ma-inlove kay Senyorito Nicho. Bata pa lang ako may gusto na ako sa kanya. Ang simpleng nararamdaman ko lang dati'y lumalim ng lumalim hanggang tuluyan na nga akong mahulog sa kanya. Pero dahil malabo niyang magustuhan ang kagaya ko, pinili ko na lang itago ang nararamdaman ko. Hindi na ako umaasang mapapansin niya. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang katulong di ba? Kaya nakontento na lang akong pinagmamasdan siya ng palihim at tinitingnan sa malayo. Doon pa lang masaya na ako. Pero sinong mag-aakalang ang lalaking pinangarap ko lang noon ay magiging asawa ko na ngayon. Limang taon ang tanda niya sa akin. Kakadise-otso ko lang samantalang siya'y bente tres naman. Napabalik ako sa katinuan ng muling marinig ang bangayan ni Senyor Arthuro at Senyorito Nicho. Lalo lang tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko'y ako ang naiipit ngayon sa tensyong namamagitan sa kanilang mag-ama. Sinubukan ko na lang huwag magpaapekto. Pero kahit anong gawin ko'y hindi pa rin ako mapakali. Hindi talaga mawala-wala ang takot at kaba sa dibdib ko. Nang hindi ko na kinaya ay saglit akong nagpaalam kay Mama na katabi ko lang sa upuan. Wala pa naman ang judge na magkakasal sa amin kaya sasaglit muna ako sa CR. Pribado ang kasal namin ni Senyorito Nicho. Kaya ang mga dumalo lang ngayon ay ang pamilya ng bawat panig at ilang Ninong at Ninang. Bukod doon ay wala na. Gusto nga rin sanang pumunta ni Ellie kaso hindi pinayagan ng mga amo namin. Gusto ng mga Cartagena na isang sikreto lang ang magaganap na kasal. Kaya imbes na sa simbahan 'yon ganapin ay piniling dito na lang sa huwes para walang ibang makasaksi. Makapangyarihan silang pamilya kaya natural lang na alagaan din nila ang reputasyon nila. Sigurado kasing pag-uusapan sila ng mga tao kapag nalamang ang anak nila'y sa isang katulong lang ikakasal. Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng mapagmasdan ang hitsura ko sa salamin. Namumutla ang mga pisngi ko. Ang labi ko'y tila nawalan na ng kulay. Gusto ko sanang maghilamos pero wala kasi akong pamunas. Naiwan ko ang panyo ko sa maliit na bag ko na nasa kinauupuan ko. Wala ding tissue dito sa loob ng CR. Inayos ko na lang ang ilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa mukha ko. Polbos lang ang inilagay ko sa mukha ko kanina dahil hindi naman ako mahilig maglagay ng mga kolorete. Isa pa'y wala din naman akong pambili sa mga ganoon. Itong suot ko ngang bestida ay damit pa ni Mama nung dalaga pa ito. Nakatago lang ito sa lumang baul at inilabas niya lang nung isang araw para labhan. Wala daw kasi akong matinong damit na isusuot kaya naisipan niyang ito na lang at medyo okay pa naman. Ewan ko ba pero parang gusto kong maiyak sa sitwasyon ko. Hindi dapat ako nagpadalos-dalos sa naging desisyon ko. At sa totoo lang ngayon pa lang natatakot na ako sa puwedeng mangyari sa akin pagkatapos ng kasal namin ni Senyorito Nicho. Alam ko hindi magiging madali ang lahat para sa akin. Pero bahala na. May awa naman ang Diyos. Huminga muna ako ng malalim bago ipinasyang lumabas. Kahit papaano nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Bahagya pa akong nagulat ng paglabas ko’y nakita ko si Senyorito Nicho na nakaabang sa labas. Halatang hinihintay niya ako. Makailang beses akong napalunok. Hindi ko tuloy alam kung babalik ba ako sa loob ng CR or lagpasan ko na lang siya. Rumehistro ang galit sa mukha nito ng makita ako. Lumapit agad ito sa akin at mahigpit akong hinawakan sa braso. "Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no?" nakataas ang isang sulok ng labing sabi nito. "Binalaan na kita pero matigas talaga ang bungo mo!" "P-pasensiya na po...Wala na po talaga akong magawa." Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya habang mariin siyang nakatitig sa akin. Napangiwi ako ng maramdamang bumabaon ang mga daliri niya sa braso ko. Agad akong nakaramdam ng takot sa kanya lalo na ng matitigan ko ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit. "Oh common! Huwag na tayong maglokohan. Alam ko namang una pa lang gusto mo ng makasal sa akin," singhal nito. "Iniisip mo sigurong makakaahon ka na sa hirap kapag nangyari 'yon? Tama ba ako?" "H-hindi po ako ganoong tao, Senyorito..." Sinubukan kong hilain ang braso kong hawak niya pero lalo lamang humigpit ang hawak niya doon. Tumawa ito ng pagak bago muling nagsalita. "Ang mga mukhang perang kagaya mo, kilatis na kilatis ko na. Kaya huwag ka ng maglinis, puwede ba? Nakakabuwiset, eh." Heto na naman siya. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan pa rin ako kahit halos araw-araw na akong nakakarinig ng mga panlalait niya. Dapat sana nasanay na ako kaso hindi. Malambot lang talaga ang damdamin ko at madali lang kasi akong masaktan. Mariing tinitigan lang niya ako saka muling nagsalita. "Kung pera lang pala ang habol mo, dapat nagsabi ka na lang. Hindi 'yong umambisyon ka pa talagang magpakasal sa akin. Tingin mo ba magugustuhan kita?" nang-uuyam nitong sabi saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Look at you! Hindi ka ba nagsasalamin? Kahit siguro bihisan ka pa ng magandang damit at ayusan, magmumukha ka pa ring basahan." Hindi ko na napigilan ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko. Ayaw ko sanang umiyak sa harapan niya pero hindi ko na kasi kinaya ang mga pinagsasabi niya. Kahit katulong lang ako at amo ko siya, wala pa rin siyang karapatang lait-laitin ang pagkatao ko. Imbes na maawa sa akin ay nakita kong mas lalo pa itong nairita. Naramdaman kong humigpit pa lalo ang hawak niya sa braso ko. "N-nasasaktan po ako Senyorito..." mangiyak-ngiyak kong sabi ng maramdamang halos pilipitin na niya ang braso ko. Pilit kong hinihila sa kanya ang braso ko pero parang wala itong balak bitawan 'yon. Nanunuya ang matang titnitigan niya ako. "Hindi lang 'yan ang mararanasan mo! Just wait! Gagawin kong miserable ang buhay mo!" bulyaw nito sa akin bago marahas na binitiwan ang kamay ko at naglakad na palayo. Naiwan akong tulala at umiiyak. Nang tingnan ko ang braso ko'y namumula 'yon. Pero walang-wala ang sakit niyon kompara sa mga panlalait niya sa akin. Marahan kong pinahid ang luhang naglandas sa pisngi ko. Ilang minuto muna akong nanatili roon habang kinakalma ang sarili ko. Ayaw kong bumalik na ganito ang hitsura ko. Nang masigurong medyo okay na ako ay saka ko ipinasyang bumalik sa loob. Habang naglalakad ay ramdam kong nangangatog ang mga tuhod ko. Sa mga oras na ito parang gusto ko na lang umuwi. Pero alam kong mananagot naman ako kay Senyor kapag ginawa ko 'yon. Baka mapalayas pa kami. Isang bagay na ayaw kong mangyari lalo't wala kaming ibang mapupuntahan ni Mama. Saktong pagpasok ko ay kararating lang din ng judge na magkakasal sa amin. Tinawag na agad kami at ng akmang magsasalita sana ito pero sumingit si Nicho. "Huwag ng patagalin pa. Magpirmahan na agad," walang emosyong sabi nito saka masamang tingin ang ipinukol sa akin. Dati hinahangaan ko ang guwapo niyang mukha. Pero kapag matitigan ko 'yon ngayon, wala akong ibang maramdamang iba kundi takot. Natameme ang judge sa sinabi niya. Wala na itong nagawa kundi sumunod na lang. Pagkatapos maisuot ang mga wedding rings namin ay saka nagpirmahan. Abot-abot ang kaba ko ng mga oras na 'yon. Isabay pa ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa takot na nararamdaman kay Senyorito Nicho. "It's done. Siguro naman puwede ng umalis?" mayamaya'y sabi ni Nicho Nang magsalita ito'y doon para akong natauhan. So kasal na kami? Parang ayaw pa ding rumehistro ang bagay na 'yon sa utak ko. "Oo puwede na," alanganing sagot ng judge. "Okay. Mauna na kami," anito saka biglang hinawakan ang braso ko na ikinagulat ko. Hindi na nito hinintay na magsalita pa si Senyor Arthuro. Hinila na niya ako papalabas sa kuwarto. Sumunod na lang din ako sa kanya sa kawalan ng magagawa. Nang wala ng nakakakita sa amin ay halos kaladkarin na niya ako. Kahit magkandatapilok-tapilok na ako ay wala itong pakialam. "Bilisan mo!" matigas nitong sabi ng makitang hirap na hirap akong maglakad. "O-opo..." nangingilid ang luhang sagot ko. Binilisan ko na din ang paglalakad sa takot na baka kung ano pang gawin niya sa akin. Nang makarating kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito ay halos pahagis niya akong ipinasok sa passenger's seat. Siya nama'y agad na pumunta sa driver's seat at pinaandar ang kotse nito. Pinasibad niya agad 'yon. Kung hindi lang ako nakakapit agad ay malamang naisubsob na ako. Nagsusumiksik na lang ako sa kinauupuan ko. Kahit pilit kong pakalmahin ang sarili ko'y walang nangyari. Lalo lang nadagdagan ang takot ko ng mapansing tila nakikipagkarera ito sa bilis ng pagpapatakbo nito. "S-saan po tayo pupunta, Senyorito?" kinakabang tanong ko ng mapansing hindi ang daan pabalik sa Hacienda ang tinatahak namin. "We're going to hell!" malakas nitong sabi saka lalo pang binilisan ang pagpapatakbo. Naalarma ako sa sinabi niya. Gusto na ba niyang magpakamatay at isasama niya ako? Sa isiping 'yon ay mas lalo akong natakot. Halos mapasigaw ako ng muntikan akong maisubsob sa kinauupuan ko. "I-ihinto niyo, Senyorito. Bababa po ako..." natataranta kong pakiusap sa kanya. Nilingon niya ako saglit saka tinapunan ng masamang tingin. "Shut up! Huwag mo akong utusan! Katulong ka lang!" halos pasigaw nitong sabi. Nagsimula akong maiyak sa sobrang takot. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ni wala akong ideya kung saan kami pupunta o kung anong balak niyang gawin sa akin. Mayamaya'y napansin kong palabas na kami ng Santo Paulo. "S-senyorito ihinto niyo po. Parang awa niyo na po. Gusto ko na pong bumaba..." mulinkong pakiusap. Pero tila bingi ito at walang naririnig. Lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa kinauupuan ko. Mahigit isang oras na kaming nagbibiyahe ng bigla niyang ihinto ang sasakyan na ikinagulat ko. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita kong walang kabahay-bahay sa lugar na 'yon. Tanging puno lang ang makikita sa paligid. Bigla tuloy akong nataranta. Anong gagawin namin dito? Nakita ko siyang bumaba. Umikot ito at binuksan ang passenger's seat. "Baba!" mariin niyang utos. Imbes na sundin ito ay nagsumiksik ako sa kinauupuan ko. Nang makita niya 'yon ay galit na sinaklit niya ang isang braso ko at marahas akong hinila palabas saka bigla ring binitawan. Nabigla ako sa ginawa niya kung kaya't nawalan ako ng balanse. Natumba ako sa maalikabok na daan at kung hindi ko maagap na naihawak ang kamay ko sa lupa ay baka sumubsob ako roon. Napangiwi ako ng maramdamang tila nagasgas ang isang tuhod ko. Pero sinikap ko pa ring makatayo. At imbes na tulungan ako'y pinanood lang niya ako. Mayamaya'y nakita kong may inilabas ito sa bulsa. "Kunin mo ito! At huwag ka ng magpakita sa akin kahit kailan!" bulyaw nito sa akin saka iniabot ang isang papel. Nang ayaw kong kunin ay kinuha niya ang kamay ko at isiniksik 'yon roon. "Malaking halaga 'yan. Mabubuhay ka na diyan. Kayo ng Nanay mo!" Nagtaka ako kaya tiningnan ko 'yon. Cheque 'yon at may nakasulat na 10 million roon. "P-para saan po ito, Senyorito?" "Bayad ko sayo!" nakaismid nitong sabi. "Alam kong hindi mo matatanggihan 'yan. Mukha kang pera, e. Sayo na 'yan basta layuan mo na ako!" Sinalubong ko ang matatalim niyang tingin. "Hindi ko po kailangan ito..." mahinang sabi ko. Kahit nangingilid ang mga luha ko ay hindi ko hinayaang muling bumagsak 'yon. Ayaw kong mas lalong magmukhang kawawa sa harap niya. Mapait akong ngumiti. Kung gusto niyang layuan ko siya, gagawin ko. Hindi niya ako kailangang bayaran at pagmukhaing mukhang pera. Mahirap lang kami pero hindi naman ako ganoong klase ng tao. Nagpakasal lang naman ako sa kanya dahil gusto kong makapag-aral. 'Yon lang 'yon. Pero pinagsisihan ko na ang naging desisyon kong 'yon. Tumawa ito ng nakakainsulto. Ewan ko ba pero lalo lamang akong nasaktan. "Huwag ka ng magkunwari. Alam ko namang hindi matatanggihan 'yan lalo't ngayon ka lang nakakita ng ganyan kalaking halaga," sabi nito sabay ismid. Pinili ko na lang manahimik. Paulit-ulit ko mang ipagtanggol ang sarili ko ay wala pa ring mangyayari. Hindi pa rin niyon mababago ang mababang tingin niya sa akin. 'Ang hirap talagang maging mahirap' sa isip-isip ko. Ngayon ko narealize na napaka-unfair talaga ng mundo. Mayamaya pa'y nagulat ako ng talikuran na niya ako. "Mula ngayon ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo!" malakas nitong sabi bago sumakay sa kotse niya at pinaharurot 'yon. Naiiyak na pinagmasdan ko na lang ang sasakyan niyang unti-unting nawala sa paningin ko. Nanlulumong napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Nang mapansin ko ang cheque sa kamay ko ay parang gusto ko 'yong punitin 'yon. Pero nagbago ang isip ko. Kahit anong mangyari isusuli ko ito sa kanya. At kahit pa gumapang ako sa hirap hinding-hindi ko gagamitin ang perang ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko alam kung saang lugar ako ngayon. Sa totoo lang ngayon lang ako nakalabas ng Santo Paulo. Bigla tuloy akong natakot. Ikaw ba naman ang iwan sa gitna ng daan tapos wala ka man lang makitang bahay or sasakyan man lang na dumaan. Naikuyom ko ang mga palad ko sa sobrang sama ng loob. Hindi ko akalaing ang lalaking lihim kong minahal ng napakahabang panahon ay mas masahol pa pala sa demonyo ang ugali. Ang tanga ko para main-love lang sa walng kuwentang kagaya niya. Napasinghot ako habang nagpupunas ng luha. Napakalaking pagkakamali talaga na pumayag akong magpakasal sa kanya. Pero ngayon pakiramdam ko napalitan na ng galit ang pagmamahal ko sa kanya. Kung ayaw niya akong makita, hindi 'yon problema. Hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya. Hindi ko isisiksik ang sarili ko sa taong kailanman hindi ako magugustuhan. Bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon sa kagaya niya? Pipilitin ko talagang makatapos ng pag-aaral kahit na anong mangyari. Babaguhin ko ang buhay ko para hindi na niya ako maliitin kung sakaling magkikita pa kami. Tinanggal ko ang wedding ring ko at ibinulsa 'yon sa suot kong lumang bestida. Mula ngayon ipinapangako kong kakalimutan ko na din siya. Tama na ang pagpapakatanga ko sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Napasinghot ako saka marahang pinunas ang mga luhang panay pa rin sa pag-agos sa pisngi ko. Ituturing ko na lang na isang masamang panaginip ang yugtong ito sa buhay ko...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YAYA SEÑORITA

read
13.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
31.9K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
84.0K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
8.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.7K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
10.5K
bc

Dr. Dave Dela Torre's Legal Wife

read
20.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook