HOLA! Please follow my account and stories!
Book Series
-[Cartagena Series #1]
Deadly Secrets (Hugo&Ellie)-COMPLETED
-[Cartagena Series #2]
The Abandoned Wife (Nicholo&Arra)-ONGOING
-[Cartagena Series #3]
Painted Memories (Noah&Lira)-SOON
FB: Yrrah Domingo
10 years ago, Tarah's family was killed by an unknown man. Tanging siya lang ang nabuhay at nakaligtas nung gabing yon. Kung paano yon nangyari, hindi niya alam.
Kasabay ng paghahanap niya nang kasagutan, may misteryosong lalaking bigla na lang nagpakita sa kanya isang araw. Ayon dito isa itong Trickster-isang nilalang na kayang tuparin ang kahit anong hilingin ng isang tao pero may kapalit. Siya daw ang nagligtas sa kanya 10 years ago. At ngayon nga’y nandito ito para maningil. He wanted to take her soul pero dahil ayaw pa niyang mamatay, napilitan siyang makipag-deal na lang dito para maging alipin na lang nito.
Akala niya ganun lang kadali ang pinasok niya pero hindi pala. Hindi ito madaling pakisamahan lalo't ayaw nito sa mga taong kagaya niya. Ilang beses na niyang tinangkang takasan ito pero hindi siya nagtagumpay. Hanggang sa napagod na lang siya at sumuko.
Gusto na niyang makalaya kay Raven. Pero paano niya yon gagawin kung ang guwapong Tricskter na ang may kontrol sa buhay niya?
10 years ago, sa kagustuhan niyang makapag-aral at makatapos ng kolehiyo ay pumayag siya sa alok ng amo nila sa Hacienda na si Senyor Arthuro. Pag-aaralain siya nito pero kailangan niyang magpakasal sa anak nitong si Nicho.
-
Lingid sa kaalaman ng lahat, matagal na siyang may gusto kay Nicho. Bata pa lang siya'y itinatangi na niya ito. Pero dahil alam niyang hindi siya nito kailanman magugustuhan ay pinili na lang niyang itago ang nararamdaman para sa binata. Ngunit ng malaman niyang ipinagkasundo siya sa kanya ay halos isumpa siya nito.
-
Pero ang pinakamasakit na nangyari sa kanya ay ng abandonahin siya ng binata pagkatapos ng kasal nila at sumama sa babaeng mahal niya. Mula noon ay hindi na niya nakita pa ito.
Pagkaraan ng mahabang panahon, maayos na ang takbo ng buhay ni Arra. Pero wala siyang kamalay-malay na ang tahimik niyang buhay ay muling magugulo nang muling magkrus ang landas nila ni Nicho. Nang pumayag siyang makipaghiwalay rito'y akala niya'y doon na matatapos ang lahat sa kanila. Ngunit tila isang birong pauulit-ulit pa rin silang pinagtatagpo.
-
Magawa pa kayang mabuhay ng tahimik ni Arra kung wala namang alam gawin si Nicho kundi guluhin ang buhay niya?
Baboy, balyena, butete- ilan lamang ito sa mga panlalait na dati naririnig ni Ellie. Sobrang taba kasi niya dati at punong-puno pa nang tagihawat ang mukha. Kaya naman naging tampulan siya lagi nang tukso nang mga kaklse niya at maging ng ibang mga tao sa paligid niya. Pero hindi yon naging hadlang para umibig siya sa istrikto, suplado at guwapong amo na si Hugo Cartagena. Unang kita pa lang niya sa binata'y palihim na siyang nagkagusto dito.
-
Ngunit ang pagmahal na dati niyang naramdaman kay Hugo ay napalitan ng matinding galit at pagkamuhi nang ipakulong nito ang kanyang ina sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Lalo lamang yong tumindi nang mamatay ang ina sa kulungan ng hindi man lang nakakalaya. Mula noon halos isumpa na niya ang buong angkan ng Cartagena lalong-lalo na si Hugo.
-
Nang malulong ang boyfriend niyang si Bernard sa sugal, wala siyang kamalay-malay na siya ang ginawa nitong pambayad utang. Dinukot siya nang mga hindi kilalang lalaki at ibenenta siya sa isang Underground Auction. Ngunit hindi niya inaasahang si Hugo ang nakabili sa kanya na isa na palang kinatatakutang Mafia Don nang mga panahong yon.
-
Paano pa kaya siya makakabayad sa binata kung iba ang hinihiling nitong kabayaran sa malaking utang niya?
Hindi alam ni Clementine kung paano siya napunta nang Westeria. Ang tanging naalala niya'y nahulog siya sa isang malalim na butas at paggising nga niya'y naroon na siya sa estrangherong lugar na yon. Lalo lamang naging komplikado ang lahat nang mapagkamalan siyang si Queen Aurhea. Dahil kamukhang-kamukha niya ang nawawalang Queen,wala siyang nagawa kundi magpanggap na lang bilang siya para mabuhay lang sa lugar na yon.
Wala naman siyang naging problema maliban kay King Hector, ang malupit at aroganteng King nang Westeria. Walang kasingsama ang ugali nito at palaging siya na lang ang pinag-iinitan. Kung bakit ganun ito sa kanya, hindi niya alam.
Nang madiskubre ni King Hector ang sekreto niya, lalo lang naging miserable ang buhay niya. Makakabalik pa kaya siya sa mundong pinanggalingan niya kung kailangan niyang pagbayaran ang panlolokong ginawa niya?
Bata pa lang si Allycia ay may lihim na siyang pagtingin kay Drew. Pero dahil bestfriend niya ito, isinantabi niya ang nararamdaman para rito. Kontento na siyang pinagmamasdan ng palihim ang kababata. Ang mahalaga para sa kanya ay nakakasama niya ito at nakakausap. Kahit nung maging gf ni Drew ang pinsang niyang si Celine ay tiniis na lang niya kahit sobrang sakit nun para sa kanya.
When Celine died into a car accident, gumuho bigla ang mundo ni Drew. Bigla'y napabayaan nito ang sarili. Si Allycia ang nasa tabi nito nung mga panahong 'yon at siyang umalalay sa kanya. With her help, unti-unti bumalik sa dati ang buhay ng binata.
Nagbago ang lahat sa buhay ni Allycia nang malaman ni Drew ang damdamin niya para rito. Galit na galit ito sa kanya at halos isumpa siya nito. Dahil doon nasira ang pagkakaibigan nila.
Para tuluyang makalimot sa lahat ng masasakit na nangyari, nagdesisyong umalis ng bansa si Allycia. Umaasang sa pag-alis niya'y tuluyan niyang makalimutan si Drew-her best friend, her first love and her first heartbreak.