bc

RAVEN (Trickster Series)

book_age18+
164
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
kicking
mystery
superpower
like
intro-logo
Blurb

10 years ago, Tarah's family was killed by an unknown man. Tanging siya lang ang nabuhay at nakaligtas nung gabing yon. Kung paano yon nangyari, hindi niya alam.

Kasabay ng paghahanap niya nang kasagutan, may misteryosong lalaking bigla na lang nagpakita sa kanya isang araw. Ayon dito isa itong Trickster-isang nilalang na kayang tuparin ang kahit anong hilingin ng isang tao pero may kapalit. Siya daw ang nagligtas sa kanya 10 years ago. At ngayon nga’y nandito ito para maningil. He wanted to take her soul pero dahil ayaw pa niyang mamatay, napilitan siyang makipag-deal na lang dito para maging alipin na lang nito.

Akala niya ganun lang kadali ang pinasok niya pero hindi pala. Hindi ito madaling pakisamahan lalo't ayaw nito sa mga taong kagaya niya. Ilang beses na niyang tinangkang takasan ito pero hindi siya nagtagumpay. Hanggang sa napagod na lang siya at sumuko.

Gusto na niyang makalaya kay Raven. Pero paano niya yon gagawin kung ang guwapong Tricskter na ang may kontrol sa buhay niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
RAVEN'S POV NABABAGOT na pinagmasdan ko ang paligid. Nasa tuktok ako nang isang mataas na building ng mga oras na yon. Nakaupo habang umiinom ng wine at nakikinig sa magulo at maingay na mundo. Paroo’t paritong mga sasakyan. May nagtatawanan, may umiiyak, may nag-uusap at kung ano-ano pang klase ng ingay na nakakarindi sa tenga. Nakakainis! Ang laki na din talaga nang ipinagbago nang mundo. Dati kagubatan lang itong kinatatayuan kong ito. Puro puno at wala ka man lang makitang bahay. Pero ngayon matataas na gusali na ang pumalit dito. Ang dami na talagang nagbago mula noon. NI hindi ko alam kung ilang libong taon na akong nabubuhay dito sa mundo. Sa tinagl-tagal ko dito, hindi ko na matandaan. Yeah hindi ako tao. Hindi rin ordinaryong nilalang. Hindi ko alam kung ano ako. But people call me Trickster. Isang nilalang na kawangis ng tao at pinagkalooban ng kapangyarihan. Sabi nila I was born from people’s desire. I don’t know if that was true. Wala naman akong pakialam sa bagay na yon. Ang mahalaga sa akin nag-e-enjoy ako dito sa mundong ito. Some people believe isa lang alamat lang ang mga Trickster. Isang fictional character sa mga librong nababasa nila. Pero hindi nila alam we’ve been here on earth before them. Nakakahalubilo nila halos araw-araw pero wala silang kamalay-malay. Nasa paligid lang kami, observing them at pinagtatawanan sa mga pinagagawa nila sa buhay. There are five Tricksters on Earth. Archer rules the North. He’s one of the 13th mythical kitsune (fox) that lives there. Sa western part naman nakatira si Luca, one of the noble beasts ( white tiger). Si Gabe naman ang namumuno sa East, isang majestic deer at guardian spirit sa parteng yon.. Sa south naman ay si Khai, isang tanuki (raccoon dog). And lastly ako. I’m Raven and I’m the one ruling at the center. Wala akong animal form. Hindi tulad ng naunang apat na kayang magshape shift sa kanilang human at animal form. Kakaiba ako sa kanila. Ako lang kasi ang Trickster na nakikipagdeal at bukod tanging nagbibigay katuparan sa mga wish ng mga tao. Dahil deal of course may kapalit yon. At naka depende yon sa klase nang wish. Kung mabigat yong wish mo, I’m taking your soul. Pero I’ll let you live ng mga ilang taon pa naman. Mga 10-20 years kung natuwa ako sayo. But if not, wala pang 10 years naniningil na ako nang maaga. Kung magaan lang naman yong wish mo, you’ll just lose one of your fingers, ears ganyan. Or depende kung anong gusto ko. Yes, I collect souls pero part yon nang trabaho ko as a trickster at may basbas yon sa taas. Pero hindi talaga kami puwedeng pumatay ng tao. Isa yon sa golden rule na sinusunod nang mga kagaya naming pinagkalooban ng kapangyarihan. Kahit may kakayahan kami at kapangyarihan para gawin yon, mahigpit yon na ipinagbabawal. Tanging ang nasa Taas lamang ang may karapatang gawin yon. Sa sinumang lumabag, may kaukulang parusa para doon. At sa pagkaka-alam ko mabigat yon. Yong main reason siguro kayo ako nilikha ay para guluhin ang balanse nang mundo. Dahil sa pakikipagdeal ko sa mga tao, maraming kapalaran ang nagbabago. Some suffered because of their choices. Tapos isisisi nila yon sa akin. . Samantalang pinamili ko lang naman sila. It’s them who still decides. At kung ano mang consequences nun, wala na ako doon. I just want to show them, na sila pa rin gumagawa nang kapalaran nila. Not me. Not my deal with them. At wala akong pakialam kung ano mang mangyari sa kanila. I hate humans anyway. Wala Nagsalin ako nang wine sa basong hawak ko. Kinuha ko kanina ito sa isang wine store na nadaanan ko. Sakto lang yong lasa. Hindi ganun kasarap pero pwede nang pagtiisan. Halatang cheap. Napailing ako habang nakatitig sa kawalan. Sa totoo lang nagsisimula na akong mabagot. Isang buwan na yata mula nung may nakipagdeal sa akin at hindi na ako natutuwa. Well, mahirap din kasi akong i-summon. Kung tinawag mo ako tapos narinig ko yon, I’ll show up right away. Ibig sabihin kasi nun naniniwala ka sa akin at gusto mo talagang magwish. Those unheard calls, walang kuwenta ang mga yon. Hindi nila ako basta-basta matatawag kung wala naman silang paniniwala sa akin. Inubos ko muna lahat ang laman ng bote nang alak bago ipinasyang umalis doon. Mula sa tuktok ng building ay tumalon ako pababa. Parang lang akong naglalakad. Nakalutang ang mga paa ako habang unti-unting bumababa sa lupa. Ang dami pa ring tao sa paligid. Tahimik lang akong nakihalubilo sa kanila na parang isang normal na tao. Halos lahat napapatingin sa akin habang naglalakad ako. Uhm can’t blame them. Lalaki ako pero alam kong mas maganda pa ako sa babae. Hindi sa pagmamayabang pero kung physical traits lang naman, I’m almost perfect. Kaya walang magagawa ang mga taong ito kundi hangaan na lang ako at mainggit na lang talaga sa akin. Bahagya kong sinulyapan ang mamahalin kong relo. Napailing ako. Ah, maaga pa pala. Maya-maya na lang ako babalik sa mansion ko. Maglalakad-lakad muna ako at magpapahangin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naglalakad. Masyado yata akong nag-enjoy kaya hindi ko na namalayan ang oras. Naramdaman ko na lang kusang tumigil ang mga paa ako sa tapat ng isang malaking bahay. Pinagmasdan ko yong maigi at hindi maiwasang hindi humanga. Maganda kasi ang architectural styles ng bahay. Mix of Colonial and Mediterranean. Halatang may kaya ang may-ari nang bahay na ito. Wala sa loob na pumasok ako doon. Tila nacurious ba. Just wanted to know who lives here. Nagtaka pa ako nang makita kong bukas ang gate. Nakalimutan bang isara? Nagpalinga-linga ako. Tapos walang guard sa ganitong oras ng gabi? Uhm okay? Hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin yon. Diretso na akong pumasok. Pagpasok ko pa lang may kakaiba na agad akong naramdaman. Para akong nahihilo sa hindi ko malamang dahilan. Suddenly, I sense an evil aura. Ano yon? Napailing ako. I smell fresh blood. There’s something going on in this house. Natigil ako sa paglalakad ng may mapansin ako sa halamanan. Nang lapitan ko yon halos mapamura ako. Bangkay pala yon. Kaya pala walang guard dahil andito pala at patay na. Bali ang leeg nito. ‘What the hell!’ Ayaw kong makisawsaw sa mga ganitong bagay kaya mas mabuting umalis na lang ako. Palabas na dapat ako nang gate nang may mapansin akong lalaking papalabas din ng loob ng bahay. Ginawa kong invisible yong sarili ko para hindi niya ako makita saka pinagmamasdan habang papalapit sa kinaroroonan ko. He’s wearing a weird mask and his whole body was covered with blood. So is it him? Siya ba ng may gawa nito? Ewan ko ba pero parang ang bigat nang pakiramdam ko nang mga oras na yon. What was that? Nakita ba niya ako? Para kasing tumingin siya sa akin nung malagpasan niya ako. Bahagya pa nitong inangat ang suot nitong mask. And he was smiling! Gumalaw ang bibig nito na tila may sinabi. I don’t know what it is. Parang hangin lang naman ang nakarinig kung ano man yon. Strange. ‘What the f**k!’ Napamura ako. Bigla tuloy akong nandiri sa hitsura niya. Parang naliligo na siya sa dugo. Damn!This is the first time I’ve witness something like this. I could see dead bodies inside. At may pakiramdam akong siya ang may gawa nun. This man is pure evil! Hindi ko akalaing may ganito palang klase nang tao na nabubuhay dito sa mundo. Sa tinagal-tagal ko na dito, ngayon lang ako naka-encounter nang kagaya niya. Iba din pala ang evil side nang isang tao. Mas malala pala sila. I didn’t see his face. Hindi naman kasi nito ipinakita ang mukha niya. Inangat niya lang hanggang sa ilong ang suot nitong mask. Nilingon ko siya. He was walking like nothing happened. Parang proud na proud pa ito sa ginawa niya. Ipinunas nito ang brasong duguan sa suot nitong damit. May mahabang peklat sa braso niya. May kakaiba akong naramdaman pagkakita ko doon. I felt like I’ve seen that scar before. Hindi ko lang matandaan kung saan. Mayamaya’y biglang sumakit ang ulo ko. Kasabay nun ay may mga nakita akong blurred images sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang mga yon. Tila mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Parang gusto ko tuloy sumigaw. Nang makarecover ako ay hinabol ko ang lalaki. Pero pagkalabas ko ay wala na ito. Ang bilis naman niyang nawala! Ilang beses akong nagpaling-linga pero ni anino nito ay di ko na nakita. ‘Who the hell is that?’ Papasok sana uli ako sa loob pero napatigil ako. I feel like someone is watching me. At hindi nga ako nagkamali. Nakatayo yong lalaki sa kabilang kalsada. Wala na itong suot na mask pero dahil madilim sa parteng yon, hindi ko makita nang maayos ang mukha niya. ‘I knew it! This bastard can see me!’ Pero paano nangyari yon? I made sure na hindi naman niya ako makikita Kumaway pa ito sa akin. At kahit madilim sa kinatatayuan niya, I coud see him smiling. Tila tinatawanan ako. Kumulo tuloy bigla ang dugo ko. A mere human mocking me? For real? Did he even know who I am? Napakagat ako sa labi ko. Gusto niya yatang mapaaga ang punta niya sa impiyerno. Wala akong pakialam kung makapatay ako nang tao ngayon. This kind of person needs a lesson. Isa pa mukha pa ba siyang tao sa ginawa niya? But before I could catch him, he just vanished. Parang hangin na lang itong nawala sa kinatatayuan niya. Ang tanging naiwan ay ang nakakapangilabot nitong tawa na umaalingawngaw sa paligid. Nawala lang yon ng ipinitik ko ang aking daliri. He’s not an ordinary human. Hindi ko alam kung ano siya. Ngayon lang din kasi ako nakatagpo nang kagaya niya. At bakit ganun? Parang may pakiramdam akong nakita ko na siya dati. Hindi ko lang maremember. I’m sure never ko din siya nakadeal. Ipinasya kong pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman ako makikialam. I’ll just check what happened inside. Kung anong ginawa nang hayop na yon. Sa sala pa lang may dalawang bangkay na agad na nakahandusay sa sahig. Parehong naliligo sa sarili nilang mga dugo. May mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan nila. Halos humiwalay na ang leeg nila sa ulo nila. The killer made sure na hindi talaga sila mabubuhay. I’m think they’re maids since nakasuot sila ng uniform. Sa tabi nila ay isang duguang kutsilyo na siyang marahil ginamit sa kanila para patayin sila. Medyo nakaangat ang mga damit nila at sa tiyan nila may mga numerong nakasulat. Hindi ko lam kung para saan ang mga yon kaya hindi ko na lang masyadong pinansin. Pagpunta ko sa kitchen may isa uling bangkay doon. Another maid I guess. Halos hindi na makilala ang mukha nito. Pinaghahampas ng frying pan. And since may dugo sa wall, I assumed inuntog ng makailang ulit ang ulo niya doon and then saka pinagsasaksak hanggang tuluyag malagutan ng hininga. May numero ding nakamarka sa tiyan nito. Umakyat ako sa taas saka sumilip sa kuwartong nakabukas. Sa pintuan pa lang may dugo nang umaagos. Sa kama nandoon ang bangkay ng babae at lalaki. Mag-asawa siguro at marahil sila ang may-ari nang bahay. Palaisipan tuloy sa akin yong mga numero na nakamarka sa kanila. Ano kayang trip ng killer na yon at nag-iiwan ng mga numero sa katawan ng mga pinatay niya. Masyadong twisted yong pag-iisip ng hayop na yon. Aalis na sana ako nang makarinig ng ingay sa kabilang kuwarto. Tila may nahulog sa sahig. Pumunta ako doon at sinilip kung ano yon. Bangkay ng isang teenager na babae ang bumungad sa akin sa pinto. At sa tabi niya, isang batang babaeng umiiyak at nag-aagaw buhay na din. May mga saksak din sa iba’t-ibang parte nang katawan niya. Siya marahil yong nahulog galing sa kama. Pilit nitong inaabot ang teenager na wala nang buhay habang tahimik na umiiyak. Magkapatid siguro. May mga numero uli sa tiyan nila. Nakasulat gamit ang dugo. Yong mas matanda 2019 ang nakalagay. 2020 naman sa mas bata. Now I get it. Pattern yon. Yon yong bilang ng mga pinatay niya. If he killed that many, tao pa ba ang itatawag mo sa kanya? Napailing ako. Well hindi rin naman ako mabuti. Kumuha ako nang soul’s ng tao kapalit ng mga wishes nila. Pero hindi naman ako pumapatay. Hindi ako naaawa sa mga taong ito pero sobra din yong ginawa sa kanila. Sayang yong buhay nila. Marami pa sana silang puwedeng gawin sa mundo pero minalas dahil pinatay lang sila nang walang dahilan. Yeah, that guy just kill for fun. At halatang matagal na niyang ginagawa yon. Patalikod na ako nang marinig ko siyang magsalita. Kaya napatigil ako at inobserbahan siya. “S-somebody h-help us please…”mahinang sabi nito. Kasabay nun ay lumabas ang maraming dugo sa bunganga nito. She won’t last. Sa tingin ko eight or nine years old lang ito. Haays! Masyado pang bata para mamatay. Poor little girl. She’s dying. Lumapit ako sa kanya saka bumulong sa tenga niya. “Do you want to live?” tanong ko sa kanya. Wala namang mawawala sa akin if I save this little girl. Pero siyempre depende pa din sa kanya yon. If she has the will to live, I wouldn’t mind granting her wish. Naghintay ako nang sagot niya habang pinagmamasdan siyang hirap na hirap at pinipilit magsalita. Kaya ko din namang mag-grant ng wish kahit walang deal na nangyari. Magiging debt lang nung tao yon sa akin. “Y-yes…”halos di na marinig ang boses nito. Marami na din kasing nawalang dugo sa kanya. Sobrang nanghihina na ito. “As you wish.” Ngumiti ako saka hinawakan ang noo niya. Saka na ako maniningil. Wala naman itong mai-o-offer sa akin ngayon. Utang niya ito at hindi ako papayag na hindi niya ito bayaran. Trickster ako at lahat ng ginagawa ko hindi puwedeng walang kapalit. “We’ll meet again when the right time comes. Saka ako maniningil sayo,”bulong ko sa tenga niya saka tumayo at iniwan na ito. Ligtas na siya. Bago ako umalis ay tumawag muna ako sa 911. Nireport ang nangyari. Well hindi naman ako naaawa sa kanila. Wala akong ganoong emosyon. I just don’t want to leave na walang ginawa. Respect na din sa kanila. Saka hindi naman ako ganun kasama. Ano lang naman yong idadial ko saglit yong telepono di ba? Hindi naman ako mapapagod dun. I guess nagulo na naman ang balanse nang mundo dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang magiging epekto nito. Anyway wala naman akong pakialam. Yon naman talaga ako, e. I’m not afraid to cross boundaries, disrupt orders or even breaking the rules. Ang mahalaga nag-e-enjoy ako. Naging palaisipan pa din sa akin yong mga blurred images na nakita ko kanina. Ano kaya yong mga yon? Bakit bigla na lang nag-apear ang mga yon sa utak ko kanina. Naguguluhan tuloy ako. And that guy! He’s dangerous! Hindi pa naman siya ordinaryong tao. Ano kayang gagawin ng mga nasa Taas kapag nalaman nila ang tungkol sa kanya? Kung papabayaan lang nila yon, magiging problema lang nila ang taong yon balang araw… Mark my word.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.9K
bc

Wife For A Year

read
70.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.2K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook