Chapter 1
Plagiarism is a crime
[grammatical and typographical errors ahead]
R18+
ELLIE’S POV
UNTI-UNTI kong iminulat ang aking mga mata. Pakurap-kurap kong iginala ang paningin ko sa paligid. Akala ko ba kuwarto ko ito? Pero bakit parang hindi pamilyar sa akin ang loob. Puting kurtina, silyang kahoy, may maliit na mesa sa aking paanan...
Napabalikwas ako nang bangon ng mapagtantong hindi ko ito kuwarto. Bigla akong nilukuban ng hindi maipaliwanag na takot ng maalala ang nangyari sa akin kanina.
Ang huling naalala ko'y nasa parking lot ako nang El's Clothing at papasok na ako nang kotse ko nang may lalaking sumulpot sa likuran ko at tinakpan ang bibig ko nang panyong may gamot na pampatulog. Sinubukan kong manlaban pero malayong mas malakas ito sa akin. Ilang sandali lang nararamdaman kong nahihilo na ako. Habang unti-unting nagdilim ang paningin ko, nakita ko pa ang ibang mga kasama nitong papalapit at pinagtulungang buhatin ako at isinakay sa itim na van. Kung ano man ang nangyari pagkatapos nun, hindi ko na alam.
Patakbo kong tinungo ang nakasarang pinto at sinubukang buksan yon. Pero kahit anong pihit ko sa door knob ay ayaw nung bumukas. Inilock nila yon sa labas.
Nagpapanic na ako nang mga oras na yon. Ang tanging malinaw ngayon ay may dumukot sa akin. Kung sino man ang mga yon at kung saan nila ako dinala. Wala akong ideya.
"Buksan niyo 'to!" sigaw ko habang sunod-sunod na kinalampag ang pintuan. Ewan ko kung may nakakarinig ba sa akin.
"Pakawalan niyo ako,"halos maluha-luha kong sigaw. Pinagsisipa ko nang pinagsisipa ang pintuan pero napagod na ako't lahat-lahat wala man lang nangahas magbukas.
Nanlulumong napasalampak ako sa sahig. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito. At kung anong balak sa akin ng mga dumukot sa akin.
Ano kayang motibo nila at sa dinami-dami nang tao ako pa ang dinukot nila? Aba? Hindi naman ako mayamang tao.
Pinunas ko ang luhang naglandas sa pisngi ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko saka tumayo at lumapit sa bintana.
Itinaas ko ang kurtina at sinubukang buksan ang bintana pero kahit anong pilit ko'y ayaw nung mabuksan. Ewan kung bakit?
Nasa ganoon akong ayos ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang chinitong lalaki na nakasuot ng dark suit. May dala itong paper bag na ewan kung anong laman.
Natuon agad sa akin ang tingin nito.
"Buti naman gising ka na," kaswal nitong sabi.
Napahigpit ang kapit ko sa bintana. Nang mga oras na yon lalo akong natakot.
"S-sino ka? Anong kailangan niyo sa akin? Bakit niyo ako dinukot?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas ng loob.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko. Lumapit ito sa kamang kinahihigaan ko kanina at inilapag doon ang hawak na paper bag.
"Isuot mo ang laman nito," utos nito sabay turo sa paper bag.
"No! Ayaw ko!" matigas kong sabi. "Sagutin mo muna ang tanong ko."
Umiling ito.
"Kung ako sayo sumunod ka na lang. Huwag mong hintaying magalit pa ako,"may pagbabanta sa boses na sabi nito saka madilim na tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko kilala taong ito. Pero unang tingin ko pa lang, alam ko na agad na mapanganib ito.
"Magbihis ka na. Babalikan kita mamaya," anitong bahagya akong sinulyapan bago lumabas at isinara ang pintuan.
Mabilis akong tumayo at lumapit sa kakasara lamang na pinto. Sinubukan kong buksan yon pero nadismaya lang ako. Nakalock yon sa labas.
Nanlulumong naupo ako sa kama.
Hinila ko ang paper bag at dinukot ang nasa loob. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang itim na panty at bra na siyang laman nun.
Bakit naman ako pagsusuotin ng ganito? Kakarampot pa naman ang tela nang mga yon. Kaya hindi na ako magtataka kung luluwa ang mga malulusog kong dibdib sa bra at sumilip ang pisngi nang pinakakatago-tago ko sa baba sa liit ng lace na panty.
Sanay naman akong magsuot ng mga ganito dahil sa uri nang trabaho ko. Isa akong international model at madalas cover ng mga men's magazine kaya walang problema kung magbilad ako nang katawan. Pero ngayon parang hindi ko maatim isuot ang mga kakarampot na telang ito. Iba kasi ang pakiramdam. Nakakapagduda yong pagsusuotin ka bigla nang ganito. Para saan?
Pero kahit nag-aalangan, wala akong nagawa kundi isuot pa din yon. Baka kasi mamaya biglang bumalik yong chinitong lalaki tapos kung anong gawin sa akin kapag hindi ako sumunod sa iniuutos niya.
Marahas akong napabuntong hininga.
Halos ayaw kong tingnan ang hitsura ko sa maliit na salamin na nakapatong sa mesa. Daig ko pa ang stripper sa suot ko ngayon.
Sa mga oras na ito pinipilit ko na lang talagang magtapang-tapangan. Kahit ang totoo nanginginig na ako sa takot.
Sana naman hindi nila ako patayin. Kawawa ang kapatid kong si Nathan kapag nagkataon. Maiiwan na siyang mag-isa. Pero hangga't maari ayaw kong isipin ang bagay na yon. Dahil ako mismo ay ayaw ko pang mamatay. Bata pa ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay.
Muling bumalik ang chinitong lalaki sa kuwarto pagkalipas ng ilang minuto. Naupo ito sa silyang kahoy na naroon
Mayamaya'y napadako ang tingin niya sa akin.
Nagsumiksik ako sa kamang kinauupuan ko. Pilit kong tinatakpan ng dalawang braso ko ang halos hubad ko nang katawan dahil sa maliliit na telang suot ko.
"Para saan ito? Bakit kailangang pagsuotin ako nang ganito?" lakas loob kong tanong sa kanya.
"Makikita mo mamaya. Huwag kang tanong ng tanong," medyo iritableng sabi nito.
Pinili ko na lang manahimik. Sa totoo lang parang tinatambol na sa kaba ang dibdib ko. Iniisip ko ngayon kung makakauwi pa ba ako o hindi na? Bakit ba kasi sa akin pa nangyari ang ganito?
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang muli itong magsalita.
"Alam mo, sayang ka," naiiling na sabi nito habang pinapasadahan ako nang tingin. "Baliw din talaga yong boyfriend mo. Ikaw pa talaga ang pinambayad niya sa utang niya."
Napaawang ang labi ko sa narinig.
"A-anong sabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.
Totoo ba yong narinig ko?
"I'm sure hindi mo alam,"napapatangong sabi nito. "Nalulong ang boyfriend mo sa sugal. Malaki ang naging utang niya sa casino na pagmamay-ari nang boss ko. Kaya ikaw ang ginawa niyang pambayad."
Parang biglang nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya.
Mapakla akong tumawa.
"Y-you're kidding, right?" halos mautal-utal kong tanong sa kanya.
Alam ko namang nagsusugal si Bernard. Minsan kasi isinasama din niya ako sa mga casinong pinupuntahan nito. At kung totoo ngang ginawa niya akong pambayad sa utang niya, hayop siya!
Ngumisi ito." Mukha ba akong nagbibiro?"
Halos maluha-luha ako sa sobrang sama nang loob ng loob. So kaya ba ako narito ngayon dahil ako ang ginawang pambayad ng utang ng hayop kong boyfriend?
Pasalamat na lang talaga ako dahil nakaupo ako. Kung nakatayo ako baka kanina na pa ako natumba. Pakiramdam ko kasi hinang-hina ang buong katawan ko at nanginginig pa.
Tuluyan na akong napaiyak. Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko. Nakakawindang sa utak ang mga yon. Parang gusto ko tuloy magwala.
Halos maikuyom ko ang mga palad ko sa sobrang galit ng mga sandaling yon. Napakahayop talaga nang Bernard na yon. Nagawa pa talaga niya akong idamay sa mga kalokohan niya!
'f**k him!'