Chapter 38 Arianna's POV Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay alam ko na kaagad na walang tao dahil nakapatay ang lahat ng ilaw at naka-lock ito. Buti na lang at may spare key ako. Hindi naman kasi madalas si Mama sa bahay, minsan ay umuuwi akong wala siya at wala akong idea kung saan siya nagpupunta. "Aren't you gonna invite me in, to at least offer me a coffee?" habol sa akin ni Jackson bago ako tuluyang makapasok sa bahay. Nilingon ko siya at sarkastikong ngumiti. Hindi pa rin siya umaalis, nakasandal siya sa kaniyang sasakyan at nakatingin sa akin. Bumalik ako sa may gate. Ngumiti siya at dumiretso ng tayo. Siguro iniisip niyang iimbitahan ko siya papasok. But sorry to disappoint him, but I'm not. Humakbang siya palapit ngunit natigilan nang i-lock ko ang kandado ng gate. "Umuwi ka

