Chapter 39 Arianna's POV "He obviously confessing at you, and you just pour him a hot coffee?" natatawang reaksyon ni Claudia nang ikuwento ko ang nangyari kahapon sa bahay. Nandito ako ngayon sa kanilang bar. Galing lang ako sa trabaho at may pasok pa rin ako bukas, kaya naman wala akong planong uminom. Nandito lang ako para kunin ang donation ng kanilang bar para sa outreach na pupuntahan namin ni Colleen sa Biyernes. Every year ay nago-organise si Colleen ng outreach para sa foundation na sinusuportahan ng kaniyang negosyo. Every year din ay nagodo-donate rin at sumasama sina Claudia, kaso ngayong linggo ay hindi sila makakasama, kaya naman pinadaanan na lang sa akin ni Claudia ito. Every year ay ang donate nila ay mga goods, pero dahil masyado silang abala lately ay pera na lang mun

