Cleigh's POV
Habang kumakain kami ni Cess, pasulyap sulyap naman ako kay ABM na nasa bandang likuran ni Cess.
"Ano kaya itsura ng uniform natin friend? Gusto ko na mag-uniform, baka maubos white shirts ko, kahirap pa maglaba." Napatingin naman ako kay Cess nang magsalita ito.
"Diba sabi ni Ma'am Atilano mamaya pag-uusapan sa oras ng klase niya." Tumango tango naman ito dahil sa sinabi ko.
"Oo nga pala. Nga pala, gusto mo sabaw? Masarap isabaw 'yun sa kanin." Hindi pa ako nakakasagot ay tumayo na ito at nagpunta sa kuhanan ng sabaw. 'Nagtanong pa ang gaga kung 'di naman ako inantay sumagot tsk tsk'
"Oh ingat, mainit 'yan," turan ni Cess bago nilapag sa mesa ang sabaw na kinuha niya, bago umupo muli.
Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa para sana 'di mainit pag hinawakan ang baso, nang 'di sinasadyang mabitawan ko ang panyo ko.
"Ayt," pupulutin ko na sana nang may kamay ng naunang humawak rito kaya ang ending, naglanding ang kamay ko sa ibabaw ng kamay 'yon. Tila nakaramdam ako ng kuryente nang mahawakan ko ang malambot na kamay na 'yon. Inangat ko ang tingin ko at nasilayan ko nanamang muli ang nagpapalinaw ng paningin ko, si ABM.
"Uhm, 'y-yung kamay ko," namumulang sabi nito na nagpabalik sa'kin sa ulirat.
"A-Ah, s-sorry." Binitawan ko naman ang kamay nito. "T-Thanks," muling sabi ko nang ibigay nito ang panyo ko.
"W-Welcome," sambit nito at tumakbo paalis dala ang bag niya. 'Anyare do'n?, nakakatakot ba muka ko para takbuhan niya?'
"Woi Cleigh! Yuhoo~" napaayos naman ako ng upo nang kumaway pa sa harap ng mukha ko si Cess.
"Tulala ka friend ah, hindi si Liam ang crush mo 'noh? Si Rain ba?" nakangiting tanong nito, 'yung ngiting nanunukso!
Pakiramdam ko namula ako sa tanong nito, dahil totoo 'yon. Kaya naman napayuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. 'Bakit ang galing mag observe nitong gaga na 'toh?'
"Silence means yes. Pft. Tibo ka pala, Cleigh?"
"W-Woi! N-Ngayon lang ako nagkacrush s-sa girl noh, tsaka crush lang tibo agad?" papahinang sabi ko dito bago tumungo ulit.
"Sabagay, 'di naman maiiwasan 'yon friend. Madami talaga nagkakacrush diyan kay Rain, maganda kasi at mukha ring mabait. Kaya 'wag ka mahiya friend, 'di ka nag-iisa," mahabang sabi nito at nagpatuloy narin sa pagkain.
Mga sampung minuto natapos narin kaming kumain, antagal diba? Pa'no ba naman kasi andaldal nitong si Cess, palaging may kwento tungkol kay ABM. Kesyo andami na raw nitong binasted, ni isa daw wala pa itong naging boyfriend! Buti nga mahina lang magkwento 'tong si Cess, baka may makarinig isumbong pa kami kay ABM. Naku, nakakahiya 'yon pag nagkataon.
"Alam mo ba magaling sumayaw 'yang si Rain, kapag napanood mo lang! Baka mainlove kana hahaha." Tuloy tuloy parin ito sa pagk'kwento habang naglalakad kami papunta sa building namin.
"Tss, tama na nga 'yan. First day palang naman Cess, pwede kapa magkwento sa mga susunod na araw," sabi ko sa maingay kong kasama at iniwan na ito.
Lumipas ang mga oras, last subj na namin. Kaya nandito parin kami sa room habang inaantay si Ma'am Atilano para sa subj niyang cookery. 2 hrs kasi cookery namin, isa sa umaga isa sa hapon 'eto kasi pinakamajor namin sa TVL.
"Good afternoon class. Okay una, mag election muna tayo ng officers natin dito sa room."
Naging maayos naman ang pageelect ng mga officers, syempre 'di mawawala 'yung mga loko loko. Lalo na 'yung mga boys. Muntik pa nga akong gawing Muse! Buti pwede mag-object hehe. Hindi naman sa hindi ako maganda or cute, ayoko lang talaga magkaroon ng posisyon sa mga ganiyan dahil marami rin sila ginagawa at binabayaran.
"Okay class, sa friday darating 'yung magsusukat ng uniforms kaya 'wag kayong aabsent. Next week naman ibibigay ang ID's niyo. Wala ng may tanong?" Wala naman nagsalita sa aming lahat, ibig sabihin wala na may tanong haha.
"Okay, goodbye class. Ang maglilinis ay ang nasa first row," sabi ni Ma'am Atilano bago lumabas sa room. Nagsialisan naman agad mga kaklase namin at naiwan kaming mga nasa first row. Buti matitino mga kasama namin sa first row. Kung hindi, nako baka 'di kami matapos maglinis.
"Una na ako friend, andiyan na sundo ko eh," paalam ni Cess kaya nginitian ko naman ito at kumaway sa kaniya bago ito pumasok sa isang trycicle.
Nagpunta naman ako sakayan ng trycicle, habang naghahanap ng trycicle na papunta sa bahay namin ay nahagip nanaman ng paningin ko si ABM. Papasakay ito sa isang kotse, 'richkid pala si Crush.' Ako kasi masasabi kong may kaya lang pero may kotse rin kami, gamit ni Papa. Pagka alis ng sasakyan nito ay nakahanap narin ako ng masasakyan ko pauwi.
"Ma! Ano ulam?" niyakap ko sa likod si Mama habang naghahanda ito ng iluluto para sa dinner.
"Ginisang ampalaya nak," nakangiting sabi nito habang naghihiwa ng mga sangkap. "Magbihis kana don nang matulungan mo ko dito."
Ngumiti naman ako at hinalikan muna ito sa pisngi bago umakyat sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay.
"Ma, alam mo ba may new friend na ko, hihi."
"Talaga? Akala ko magiging loner ka eh. Kamusta pala first day mo?" tanong nito habang nagluluto na at ako naman ay nakaupo lang habang nanonood.
"Grabe ka naman Ma, friendly kaya ako. Puro introduce yourself lang nangyari. Tsaka nga pala Ma, magbabayad ako para sa uniform. Limang uniform 'yun kasama na pang PE namin."
"Sige anak, bukas na bukas din ay bibigyan na kita ng pambayad," nakangiting sabi nito sabay lapag ng ulam namin sa mesa.
Habang naghahain kami ni Mama ay siya namang dating ni Papa galing work. Inaya agad ito ni Mama kumain kaya sabay-sabay na kaming naghapunan. Kung chef si Papa sa work niya, si Mama ang chef sa bahay. Kaya gusto ko rin maging chef, dahil hilig ko narin ang pagluluto gaya nila.
"Ma, Pa, akyat na po ako. Goodnight po," paalam ko sa mga ito bago nagtungo sa kwarto ko. Inayos ko muna mga gamit ko sa school para sa kinabukasan, pinlantsa ko narin gagamitin kong damit.
Naglinis muna ako ng katawan bago nahiga sa kama. Alas otso palang ay natulog na ako, maaga kasi ako gigising para makapag jogging pa ako bago pumasok.
Syempre bago matulog mukha ni Crush ang iniimagine ko, malay niyo mapaginipan ko siya hoho.
'Goodnight Miss ABM.'
-------