Cleigh's POV
Nagpunta kami ni Cess sa isang building na may tatlong palapag, it'tour niya daw ako dahil first time ko dito. Siya kasi mula Gr 7 andito na, mabuti pala at nakilala ko 'tong gaga na 'to, kung hindi baka mukhang tanga akong naglalakad mag-isa haha. Sabi niya dito raw ang ibang strands, TVL lang daw talaga nakahiwalay dahil kasama nito ang rooms para sa practical.
"Dito sa first floor ang STEM nababasa mo naman diba?" turan ni Cess habang tinuturo pa bawat nakapaskil sa taas ng mga pinto.
Wala pa halos mga estudyante dahil breaktime nga, kakaumpisa lang ng breaktime kaya may 20 mins pa kami maglibot ni Cess dahil kanina pa nga kami nagbreaktime diba?
"Dito sa second floor ang ABM," mahinang sabi niya pag-akyat namin sa 2nd floor.
Tinitignan ko lang bawat loob ng classroom, may ilan-ilan na estudyante ang nasa loob. Napatigil kami sa paglalakad ni Cess nang may papasok palang mga estudyante sa pinto malapit sa amin. Napatingin ako sa grupo ng estudyante na papasok, sila ABM. Napatingin din sila sa amin bago sila patuloy na pumasok sa classroom pala nila. Feeling ko namula ako nung tumingin sa gawi namin si ABM or should I say Rain hehe. Napatingin pa ako dito nang nakatalikod na papasok sa room nila. Halatang halata ang balingkinitan nitong bewang dahil sa fitted shirt niya, pati 'yung pwet niyang uhm.. matambok. 'Di ako manyak ah, sadyang kapansin pansin lang talaga 'yung pwet niya!'
"Uy, namumula ka Cleigh HAHAHA, ikaw ah, dumaan lang sila Liam eh. May crush ka 'ata talaga kay Liam eh," nang-aasar na sabi ni Cess habang sinusundot pa tagiliran ko.
"Tumahimik ka nga diyan, t-tara na," nahihiyang sabi ko rito at inakbayan na ito palayo roon. Baka kasi marinig kami nila ABM sa lakas ng boses neto, nakakahiya 'yon pag nagkataon!
Inaasar parin ako ni Cess habang nililibot niya ako sa mga building. 'Eto naman ako binabatukan o kinukurot siya minsan, bwisit kasi 'di magtigil kaka asar.
"HAHAHA ganiyan ka pala Cleigh, pati tenga mo namumula eh. Liam pala ah."
"Hindi ko nga crush 'yon! Mas gwapo pa ko do'n pag naging lalaki ako duh," naiinis nang turan ko rito at nauna ng umakyat sa building namin.
"Oy Cleigh! hahah 'di ko naman sasabihin sa kaniya don't worry babe! HAHAHA," rinig ko pang tawag nito habang tumatawa bago ako makapasok sa classroom namin.
Umupo na ako chair ko sa unahan katabi ng pintuan, malamig kasi dito dahil malapit sa pintuan hehe. Nakikita rin agad kung may paparating, tsaka malay mo, dumaan si crush diba?
Napairap na lamang ako nang matanaw ko si Cess na ngingiti-ngiti papunta sa room namin na tila nang-aasar. Tss.
"Hi babe, bakit mo ko iniwan? 'Di naman kita ipagkakalulo sa crush mo eh," nangingiti pang sabi nito pagkaupo sa tabi ko.
"Hindi ko na crush 'yon! Tsaka tigilan mo ko sa babe babe na 'yan ah. 'Di ako baboy!" naiinis na turan ko dito tsaka ito tinalikuran.
"Edi friend nalang, nasanay kasi ako na babe tawag ko sa mga friends ko dati eh," rinig kong sabi nito, sakto namang may pumasok ng teacher. 'Eto siguro teacher namin Oral Com. as usual, puro introduce yourself parin. Ganon din nangyare sa Per Dev namin.
"Hayyy nako.. Kilalang kilala ko na mga classmates natin dahil buong umaga puro pagpapakilala," inaantok na sabi ni Cess habang nag-uunat pa.
"Huy Cess, masarap ba pagkain sa canteen?" tanong ko rito, sanay kasi akong 'di umuuwi tuwing tanghali.
"Hay nako Cleigh 'wag tayo do'n! 'Di masarap ulam doon, parang 'di luto tsk tsk. Halika sama ka sakin, pero medyo mahal doon ah?"
"Ayos lang, ano akala mo sakin walang pera?" sagot ko rito habang naglalakad kami pababa ng building namin.
Naglakad kami palabas sa second gate at nagtungo sa parang isang bahay pero kainan pala 'yung kanang bahagi nito. Marami narin nakaupo sa ibang lamesa, naupo kami ni Cess sa pangdalawahan katabi ng pader.
"Iwan mo nalang bag mo diyan." Nilagay naman namin mga bag namin sa gilid ng mesa at tumayo na kami papuntang counter.
"Nay, magkano po 'yang sisig with rice?" tanong ko sa may katandaan ng nagsasandok ng ulam at kanin.
"Trenta Iha, kung magpapadagdag ka naman ng kanin kwarenta na," turan naman nito.
"Sige po Nay, 40 pesos na po hehe." kinuha ko naman pagkain ko at sabay na kaming nagtungo ni Cess sa table namin.
Pagkaupo ko ay biglang luminaw nanaman paningin ko dahil nakita kong naglalakad si ABM papadaan sa table namin, siguro bibili ng pagkain. 'So, dito rin pala sila kumakain ng lunch. Hihi.'
Iniwas ko ang paningin ko rito nang malapit na siya dumaan sa table namin at nagkunwaring inihahanda ang kutsara't tinidor ko. Naamoy ko naman ang mabangong amoy nito na strawberry pagkadaan niya sa gawi namin. Sarap niya tuloy kainin, char. Hahaha, bad ka Cleigh.
"Ba't ka nangingiti diyan? Dumaan lang sila Liam eh," nakangiting asar ni Cess, napasimangot tuloy ako.
"Kumain kana lang diyan, masaya lang ako kasi kakain na tayo," nakasimangot na sabi ko rito bago lumamon ng masarap na sisig!
-----