Rain's POV
Nandito na kami ngayon sa classroom, dahil first day nga puro introduce yourself lang ang nangyare sa first 3 subjects namin.
"I'm Sic Yulo, 17. Matigas ang ulo pero may laman naman ito kahit papano," nakangiting pagpapakilala ng nasa likod naming classmate, alphabetical kasi.
"Okay, tomorrow nalang tayo magstart ng discussion," sabi ng teacher namin sa Oral Com na si Sir Ramos bago ito lumabas.
"Rain, tara na magbreak," aya ni Kate na nasa harapan ko na pala. Nasa likuran naman nito sina Liam, Denise, Ella at Renz. Tumayo naman ako sa upuan ko kinuha nag wallet at camera ko sa bag.
"Wala namang tayo, Kate. Bakit tayo magb'break?" nakangising sabi ko kay Kate na ikinatawa naman ng mga kasama ko.
"Baliw amp. Halika na nga." Umirap pa ito bago ako hinila pasunod sa mga kasama namin.
Pagkapasok namin sa canteen ay nakita ko nanaman 'yung nabangga ko kanina sa oval, si Miss Cute. May kasama itong maliit na babae na medyo familliar. Umupo ako agad sa upuan kung saan nakaharap sa pwesto ni Miss Cute.
"Nagmamadali Bes? Gutom na gutom?" nagtatakang sabi ni Kate, pa'no inunahan ko siya sa pwesto na 'to haha.
"Tss, tulungan mo na si Renz doon oh," sabi ko rito at tinuro si Renz na nasa counter.
Nang umalis ito ay napatingin, ay mali! napatitig pala. Naramdaman siguro nitong may nakatitig sa kaniya dahil biglang tumingin tingin ito sa paligid niya, kaya bago pa ako mahuli ay umiwas na lamang ako ng tingin rito at nakipagkwentuhan kuno sa mga kasama ko.
"Oh 'eto na mga pagkain niyo mga prinsesa at prinsipe," parang nang-aasar na sabi ni Kate bago ilapag mga pagkain namin sa mesa.
"Thanks Yaya."
"Thank you Manang."
Natawa na lamang ako sa mga pinagsasabi ng mga kasama ko kay Kate, habang si Kate naman ay parang uusok na ilong sa inis haha, pikon talaga.
Nagk'kwentuhan lang kaming grupo habang kumakain. Minsan sumusulyap ako kay Miss Cute kapag 'di ito nakatingin sa gawi namin. Napapansin ko pa nga na tumitingin rin 'yung kasama niya na si Princess pala. Kilala ko si Princess kasi minsan naisasama siya sa top nung junior high pa kami.
Napatingin naman ako muli kay Miss Cute habang umiinom ito. 'Bakit parang sexy niya uminom?'
Bumaba ang tingin ko sa leeg nito at sa bawat paglunok nito, nang umangat ang tingin ko sa mukha nito ay nakatingin na pala ito sa'kin. Agad kong iniwas ang tingin ko at nakipagkwentuhan kuno ulit sa mga kasama ko. 'Omo, nakakahiya. Nahuli niya kaya akong nakatingin sa leeg niya? 'Wag naman sana.'
'Di parin mawala sa isip ko 'yung sexy niyang pag-inom. Sexy nga ba or ako lang nag iisip na sexy? Omo, nagiging manyak na 'ata ako.
"Oo nga pala noh. Here babe," napalingon naman ako malapit sa entrance nang marinig ko ang boses ni Princess at ang sinabi nito. 'Babe? Eh si Miss Cute lang naman kasama niya? Si Miss Cute ba 'yung babe niya? Sila ba?'
'Di ko na narinig ang sinabi ni Miss Cute dahil busy ako kakatanong sa isip ko. Nakita ko na lamang na tumatawang umakbay bigla si Miss Cute kay Princess kaya napaiwas na lamang ako ng tingin.
"Uy Rain, kawawa 'yang bottle oh." Napatingin naman ako sa hawak kong bottled water, nayupi na pala ito sa higpit ng hawak ko. "Ayos kalang?" tanong pa ni Kate na may pag-aalala sa mukha.
"Y-Yea. Don't mind me. Sumakit lang mata ko, pero ayos na," pilit ngiting sabi ko dito at nagpatuloy na sa pagkain.
Napatingin pa muli ako sa labas ng canteen at nakita ko pa rito si Miss cute at Princess. Nakaakbay si Miss cute habang nasa waist niya naman braso ni Princess.
'Bakit parang nasasaktan ako sa nakikita ko? Aish! Ano bang ginawa mo sa akin Miss Cute.'
'Straight pa naman ako sa pagkakatanda ko? '
----