HER NAME

960 Words
Cleigh's POV Naglalakad na kami ni Cess papunta classroom namin nang makita ko nanaman si ABM sa malayo, siguro pupunta narin sa room nila. 'Saan kaya ang room ni ABM?' Naramdaman ko na lamang na may humila sa akin papaakyat sa isang building kaya napatingin ako rito, si Cess lang pala. "Alam mo Cleigh, kanina kapa ah. Anlayo ng tingin mo, ano ba tinitignan mo diyan?" tanong nito at tinitignan ang gawi kung nasaan sila ABM. "W-Wala, halika na nga. Baka andon na adviser natin." Hinila ko na ito paakyat, nasa second floor kasi ang room ng TVL. Sa first floor naman 'yung room kung saan kami magp'practical o magluluto. Pagkarating namin sa second floor, madami ang tumitingin sa amin or should I say, sa akin? Yea, sa akin nga. 'Di naman kasi mapagkakailang cute ako at may maipagmamalaki rin sa katawan dahil sa pagiging fit nito. Halatang-halata ang curve ko dahil medyo hapit ang shirt na naisuot ko. Hindi ko na lamang pinansin ang mga tumitingin at yumuko na lamang ako habang naglalakad. Pagkapasok namin sa classroom, feeling ko antagal nang magkakasama ng mga classmates ko. Sobrang gulo ba naman kasi, may naghahabulan agad sa bandang likuran. Meron pang nanonood 'ata ng porn, meron namang nagk'kwentuhan about sa bakasyon at meron din gaya ko na tahimik lang, nakakatamad kasi magsalita. Napatingin ako sa pinto nang may biglang pumasok na teacher, 'eto na siguro adviser namin. Dahil sa kaingayan ng mga classmates ko, isa na don si Cess, hindi nila napansin ang teacher na pumasok. Bigla nitong binagsak ang librong hawak niya sa mesa na nakapag patahimik sa magugulo kong classmates. "ALL OF YOU! Arrange your chairs and sit properly! Within 10 seconds dapat nakaayos na kayo at dapat wala akong makikitang kalat sa sahig," mahabang lintaya nito at inayos ang table niya. Nagsipagsunuran naman ang mga classmates ko sa sinabi ni Ma'am. "Okay class, ako nga pala si Mrs. Solidad Atilano. Ako ang magiging adviser niyo at ako rin ang magiging teacher niyo sa Cookery 1." Habang nagsasalita si Ma'am Sol feeling ko naman ay mabait ito, naingayan lang siguro talaga kanina. Lumipas ang oras na puro introduce yourself lang ang nangyare, nakilala narin namin ang mga teacher namin sa PR1 at Genmath. "Tara na, Cleigh. Habang wala pa masiyado estudyante sa canteen." Sumunod naman ako kay Cess na hindi manlang ako inantay na sumagot. Napatingin ako sa baba kung nasaan ang canteen, tama nga siya wala pa masiyadong mga estudyante dahil 'di pa naman talaga breaktime kasi maaga kami nidismiss sa GenMath. Pagkarating namin sa canteen ay napatingin ako palibot sa loob ng canteen, maluwag ito. Merong pwesto para sa mga grupo, pangdalawahan at meron dim naman 'yung hirela lang. Umupo naman kami ni Cess sa pangdalawahang mesa. "Anong gusto mo, Cleigh? Ako na bibili para mabilis, kilala na kasi ako ng nagtitinda dito hehe." "Bottled water nalang at Piattos," nakangiting sabi ko rito at binigay ang 50 pesos. Umalis naman ito agad at nagtungo sa counter. Nakatingin lang ako kay Cess na bumibili nang maramdaman kong may nakatingin sa akin kaya nilibot ko ang paningin ko. Natigil sa paglibot ang mga mata ko nang makita ko si ABM kasama ang isang grupo sa tapat ng table namin. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga classmates niya siguro. 'Di ko maiwasang mapangiti kapag tumatawa ito, mukha kasi seryoso 'to kung titignan pero tumatawa rin naman pala. "Oh, tulala ka nanaman diyan," biglang sulpot ni Cess sa harap ko at umupo na pagkalapag ng binili niya para sakin. "Thank you, Cess," nakangiting sabi ko rito bago tumingin saglit kay ABM sa likod niya. Sumusulyap-sulyap lang ako ng pasimple kay ABM habang kumakain at nagk'kwentuhan kami ni Cess. "Cess, kilala mo ba 'yang grupo na 'yan? Dito ba sila nag-aral ng junior high?" tanong ko kay Cess at nginuso ang grupo nila ABM na nasa likod niya. Nilingon niya naman ito, tinignan niya pa 'ata isa-isa bago tumingin ulit sa'kin. "Parang squad goals 'yang mga 'yan, galing sila sa SPA class. Mga dancers 'yan eh. Ngayon magkakasama sila halos sa ABM, 'yung iba lang nahiwalay." "Kilala mo sila?" tumango naman ito bago nagsalita ulit. "Yung naka glasses na lalaki si Liam, 'yung maliit na katabi niya si Denise, 'yung naka pony si Ella 'yung katabi naman niya si Renz, si Kate naman 'yung isang katabi ni Liam at 'yung may camera si Rain." Tinignan ko isa-isa lahat ng sinabi niya, napatigil ang tingin ko sa Rain na sinasabi niya, sino pa ba? Edi si ABM hoho. "Bakit Cleigh? may crush kaba sa mga 'yan? Siguro crush mo si Liam ano?" agad naman akong napatingin kay Cess habang nakakunot noo. O_o "Hindi ko 'yun crush noh, tsk. Mas gwapo pa si Papa ko diyan," sagot ko rito bago uminom ng tubig. Habang umiinom napatingin ako kay ABM na nakatingin narin pala sa akin. Umiwas ito agad ng tingin at nakipag-usap ulit sa mga kasama niya. "Tara na Cleigh, libot tayo." tumayo na si Cess at maglalakad na sana paalis nang hawakan ko ang isang kamay nito. "Sukli ko," sambit ko rito habang nakalahad pa kamay ko. Tila nagulat naman ito, nakalimutan niya siguro pft. "Oo nga pala noh. Here babe," malanding sabi pa nito bago binigay ang sukli ko. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa way ng pagsabi nito. "Hindi tayo talo Cess," natatawang sambit ko rito at inakbayan ito paalis. Natatawang sumabay namin ito sa akin sa paglakad at niyakap sa waist ko isang braso niya. Ganito na kami kaclose ni Cess, magaan loob ko sa kaniya eh. Kaya nilalabas ko pagiging clingy ko sa kaniya. Sumulyap muna ako saglit kay ABM bago kami lumabas ng canteen ni Cess. 'Hayyy.. Ang ganda talaga niya.' -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD