THE ENCOUNTER

572 Words
Rain's POV Hi there insahae hodeulgap eopsi Sijakhaeyo seoron eopsi Seukinsibeun sayanghalgeyo back off-- Nakasimangot na kinuha ko ang phone ko at pinatay ang alarm ko na song ni IU na Bbibbi. Tinignan ko naman ang oras habang pupungas pungas pa. O_O 6:20 AM | Monday June 03 'Omo! Bakit mali alarm ko! Mal'late ako neto. Huhu 7 am pa naman flag raising.' Nagmamadaling nagtungo ako sa banyo at naligo, buti nalang at may pwedeng mainit ang shower ko kung hindi baka magkasakit ako sa lamig. Pagtapos maligo at magbihis ay agad naman akong bumaba sa dining area. "Morning Mom, Dad. Bakit 'di niyo ko ginising." Napanguso pa ako bago umupo sa chair katapat ni Mommy. "Sorry baby, busy rin kami ng Daddy mo magprepare for wor--" "Hindi ba't may alarm ka naman, Rain? Dapat matuto kana kumilos para sa sarili mo, at 'wag kana umasa sa pagpapagising sa Mommy mo," biglang putol ni Dad kay Mom. "S-Sorry Dad," nakatungong turan ko bago nagsimulang kumain. "It's okay Rain, basta 'wag mo na uulitin. Iprepare mo na agad mga gamit mo every night," pangangaral nito at ngumiti. Napangiti naman ako maging si Mommy dahil sa sinabi ni Dad. Mukha lang kasi 'tong istrikto pero mabait rin naman kasi ito. "Okay po Dad," nakangiting wika ko rito bago nagpatuloy na sa pagkain. Sampung minuto palang ay tinapos ko na ang pagkain ko, 6:45 na kasi eh! Agad naman akong pinahatid ni Daddy sa school dahil baka malate la daw ako lalo kapag inantay ko pa sila ni Mommy. "Bye Mom, Dad!" paalam ko sa mga ito bago sumakay sa kotse. "Kuya Toti, sa first gate po," sambit ko sa family driver namin. Hindi pa pala ako nagpapakilala 'noh? Ako nga pala si Rain Mortez, 18 yrs old. Nag-aaral sa Central High since Gr 7 pa, Gr 11 na ako ngayon at ABM ang strand ko. "Rain nandito na tayo." Nagpasalamat naman ako kay Kuya Toti bago lumabas. Nagmamadaling nagtungo naman ako sa oval habang tumatakbo. Napahinto naman muna ako at hinanap ang pila ng ABM. 'Ayun!' Tumakbo naman ako ulit patungo sa pila kung nasaan ang bestfriend kong si Kate. Pero sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay may nabangga ako. "A-Aww.. Sorry! Nagmamadali kasi ako," daing ko dahil lakas ng pagkabangga ko. Yumuko yuko naman ako habang humihingi ng tawad. "Ayos lang po," rinig kong sabi nito. 'Ang galang naman nito,' nakangiti tuloy na inangat ko ang tingin ko rito. 'Cute' 'yan ang unang madedescribe ko pagkakita ko sa nabangga ko. "Rain!" Napatingin naman ako sa bandang likuran ni Miss Cute at nakita ko si Kate na kumakaway kaway pa habang hawak ang camera ko na hiniram niya last week. 'Omo! Need ko pala magtake ng pictures!' Tumingin naman ako ulit kay Miss Cute na nakatulala? "Ah Miss, Una na ako ah. Sorry ulit!" agad na sabi ko rito at tumatakbong nagtungo kay Kate. "Thanks Kate, nalate kasi ako ng gising amp," nakapout pang sabi ko rito bago kinuha ang camera ko. "Yan kasi, puyat pa more," tumatawang sabi nito bago nagpunta sa line ng ABM. Bago magtungo malapit sa stage ay nilingon ko muna 'yung pwesto ni Miss Cute kanina, pero wala na ito. Sayang pipicturan ko sana, ang cute kasi niya eh pero gumaganda kapag tumatagal na tignan. 'Hay, ano kaya strand niya? W-What? Kailan pa ako nagkainteres sa mga cute at magaganda? Ngayon lang 'ata hahaha.' ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD