bc

Alchemic Chaos: Fate

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
dark
kickass heroine
powerful
self-improved
drama
mystery
swordsman/swordswoman
sword-and-sorcery
another world
lords
like
intro-logo
Blurb

ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama.

Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan.

Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran.

At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan.

***

Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania.

Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan.

Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan.

"Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? "

-

chap-preview
Free preview
Prologo
Dadanak ang dugo at kaguluhan na yayanig sa buong sanlibutan. Ang mga kasamaan na namamayani sa bawat puso ay unti-unting mabubuhay at magiging isang nilalang na tatapos sa lahat. Dahil sa likas na maawain ang nasa kaitaasan ay gagawa ng paraan upang iligtas ang mga likha. Mula sa liwanag at sa kapangyarihang matatagpuan sa lupa. Mga bagong nilalang ay mabibigyang buhay—mga anghel na itatagurian. Misyo'y tapusin ang napipintong dilim. Ngunit kahit ang mabubuti ay may nakatatagong pangil ng kasamaan upang mabuhay... Ang uhaw sa kapangyarihan upang umangat at manatiling humihinga. "Hindi lahat ng anghel ay puro dahil hindi maaring ikaila na may kasamaan sa bawat nilalang...kahit iyong mga tinaguriang-banal." Ang mundo ay puno ng tentasyon na kahit ang mga banal ay sinusubok. "Upang magwagi... Mahika ay dapat isubok." Ngunit ano ang kabayaran? Ang mga anghel ay susubukin at hahamakin. Dilim at dugo ay yayanig sa lahat hanggang sa hindi magigising ang nakatagong lakas at katauhan—sila ay maaring makakapagtapos sa karimlan at magdadala ng liwanag. At ang tali ng buhay ay gagalaw muli... Ibinuklat ng babae ang libro na kaniyang binabasa sa ikalawang pahina. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng libro o sino ang tinutukoy nito. Kakauwi niya lamang itong libro mula sa minahan. Kanina pa niya tinitingnan ang lumang librong ito at simula noong binigay ito sa kaniya ay hindi na niya maalis ang titig sa lumang gamit na ito. Ang mga hiyas na dekorasyon ay parang mga mata na tinitingnan yata siya at hindi niya alam kung bakit gusto niyang buksan ang libro na para bang tinatawag siya. Alam niyang hindi imposible ang mahika sa lugar niya dahil pili sa mga nilalang ay nabiyayaan nito. "XXX "Ang kamatayan ay hindi katapusan ngunit bagong simula ng bagong buhay. Ang mga anghel ay martir at magbabayad sa lahat, mga elemento ay tatawagin at dilim ay susuungin. Kung sa pagkakataong ito ay ito ay iyong nababasa... Isa lang ang dapat mong malaman—" Nakakunot ang noo ng babae na nagbabasa at hindi niya alam kung bakit para bang tinatawag ng libro ang kaniyang kaluluwa. Hinihila papasok sa kahulugan ng bawat salita. Agad niyang binuklat ang libro sa naunang pahina dahil sa takot sa nabasang liham. Ramdam niya ang paglakas ng hangin na naging dahilan kung bakit napundi ang kandila sa munting kandelabra sa katabi niyang mesa at ang pagsayaw ng lilang kurtina sa bintana pati na rin ang kaniyang puting saya. Malamig ang hangin ngunit ramdam niya ang unti-uting pagtulo ng kaniyang pawis mula sa kaniyang noo. At hindi lamang iyon, isama na rin ang panginginig ng kaniyang laman at pagtaas ng kaniyang balahibo. Gusto niyang isara ang libro at umalis na lang ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga paa at kaniyang natagpuan ang traydor na mga kamay na binubuklat muli ang pahina papunta sa liham, sa pahina ng libro na alam niyang— Hindi siya patatakasin. Muli niyang binasa ang mga nakasaad sa libro at sa hindi malamang dahilan ay nagpakita ang huling salita na kulang sa buong liham—mga letrang kakulay ng dugo na bumubuo sa mga salita. Nilunok niya ang kaniyang laway at utal-utal na binigkas ang mga salitang mula sa liham. "Tanggapin ang kapalaran."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

His Obsession

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook