CHAP 15

1073 Words
Matinding sikat ng araw ang diretsahang sumisikat sa malalaking bintana ng marangyang kwarto. Ito ang tanging liwanag ang sumasakop sa buong silid ng binata. Habang unti-unting nagkakamalay si Angen, napagtanto niyang nag-iisa nalang siya sa loob ng silid. Matamlay at walang ganang inilibot niya ang paningin sa buong silid, ang kanyang puso ay kumakabog sa kanyang dibdib. Ang kanyang mga mata ay dumako sa bandang baba kung saan nakita niya ang kanyang panty na naiwan sa sahig. Biglang naalala niya ang nangyari kagabi sa pagitan nila ni Rodney. Marahas siyang inangkin ng binata kaya sobrang napagod siya ng husto. Bigla siyang nakaramdam ng hiya para sa sarili. Ito ang kauna-unahang nilibogan siya ng husto. "Bahala siya masakit ang katawan ko." Humiga ulit ang dalaga sa kama ng binata. Habang nakatitig sa kesame , bigla siyang nakaramdam ng takot at pag-alala. Natatakot siya sa posibbleng mangyayari. Nangangamba siyang mahulog ang loob niya sa binata at baka hanap-hanapin niya ang kaligayahan na dulot ni Rodney. "No. Hindi puwede." Sigaw niya habang tinakpan ang kanyang tainga. "Angen, iligo mo lang iyan at mawawala din ang kahibangan mo." Saad. niya sa kanyang sarili. Nag-ipon siyang muli ng lakas upang bumangon. Dinampot niya ang kanyang panty at patakbong lumabas ng silid patungo sa kanyang silid. Naguguluhan siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Secretary siya ni Rodney pero hindi man lang siya ginising. " A-Ano ang gagawin ko? Tatawagan ko ba si Trina?" Mga nabuong tanong niya sa sarili ngunit hindi niya tinawagan si Trina dahil ayaw niyang magalit ang binata. Hindi mo na siya naligo. Bago bumaba dumaan siya ulit sa silid ng binata. Pinalitan niya ang bedsheet at kinuha niya narin ang mga damit na labahan ni Rodney. Habang nakasalang ang mga damit sa washing machine, inumpisahan niya na rin ang paglilinis ng buong bahay. Halos gabi na siya natapos sa paglilinis ngunit wala man lang ni isang tawag o mensahe si Rodney sa kanya. "S-Siguro marami 'tong meetings kaya hindi pa umuuwi." Saad niya sa sarili. Wala siyang alam sa buhay ng binata. Nakaramdam siya ng takot habang nakaupo sa sala. Ang laki ng bahay ngunit mag-isa lang siya. Sobrang nakakamatay ang katahimikan ng bahay. Wala siyang gana na kumain dahil nasanay siyang sabay sila. Bago umakyat sa silid niya ay sinigurado niyang naka-lock ang buong pinto kahit ang mga bintana. "Siguro naman may extrang susi siya sa kanyang bahay." Pagdating niya sa kanyang silid, kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan. Unang nakita niya ang kanyang notification na may isang friend request. Pinindot niya ito at bumulaga sa kanya ang itsura ni Rodney. Hindi niya muna in-accept ang friend request ng binata. In-stalk niya muna ang profile nito. Napakunot ang noo ni Angen nang makita ang post ng binata, 8hrs ago. Nakaupo ito sa magarbong sofa habang may babaeng nakasandal sa balikat nito. Hindi klaro ang mukha ng babae ngunit alam niya sa sarili na maganda ito. Hindi niya tiningnan ang mga comment at pinatay na ang cellphone. "Naghintay ako ng buong araw nasa kandungan lang pala siya ng iba. Ano kaba Angen, hindi niya naman sinabi na hintayin mo siya. Alipin ka niya at taga-aliw kung malungkot siya." Inis na pangaral niya sarili. Nakasimangot na natulog si Angen dahil sa masamang balita. Kinaumagahan, nagising siya na masama ang pakiramdam ngunit pinilit niya parin bumangon. Mabilis lang ang pagligo niya at nagbihis pantrabaho. Gusto niya pumunta ng opisina dahil baka tumalon siya sa rooftop dahil sa sobrang stress. Bago bumaba sinilip niya muna ang silid ng binata ngunit wala parin ito. Maayos parin ang kama. Bumaba nalang siya at uminom ng gatas. Nag-taxi lang siya papunta ng opisina. Pagdating niya sa opisina, diretso lang siya sa taas. Nakayuko lang siya dahil ayaw niya makita ang reaksyon ng mga kapwa Pilipino. Hindi siya nangangamba sa ibang lahi dahil wala itong pakialam. " A-Angen, mabuti nalang at nandito ka." Hapong-hapo na saad ni Trina. " A-Ano bang meron bakit parang pagod na pagod ka?" Nagtatakang tanong ni Angen. Habang tinatanong niya si Trina ay palihim naman siyang sumisilip sa mga sulok at baka lumabas si Rodney. "Ay naku, ang boss talaga natin kaiinis. Biruin mo umuwi siya ng Pilipinas na walang man lang pasabi. Tapos may mga importateng gawain pa tayo sa factory. Kaya thanks God na nandito ka. Puwede mo ba ako tulungan?" Hindi man lang agad nakasagot si Angen sa tinatanong ni Trina dahil pilit niyang pinoproseso ang sibabi nitong nasa Pilipinas si Rodney. "M-May problema ba?" Takang tanong ni Trina kay Angen. "W-Wala. Ano ba ang gagawin ko para matulungan kita?" "Puwede bang ikaw nalang ang pumunta sa factory dahil may importanteng meetings ako." "S-Sure. P-Pero ano ang gagawin ko? A-At isa pa hindi ko alam ang papunta doon." "Don't worry may tutulong doon sayo. At isa pa may guwapong macho doon na magtuturo sayo." Nakangising saad ni Trina kay Angen. "Ikaw talaga puro guwapo. Masasaktan lang tayo kung guwapo lang ang basihan. Sige ipahatid mo na ako." Pilit na ngumiti si Angen at pilit na pinapakita na okay siya. Habang nakasakay sa company car, muli niyang tiningnan ang profile ni Rodney. Maraming mga bagong larawan ang naka-tag sa account ng binata. "Ma'm nandito ba tayo. " Saad ng driver nila. Pinoy din ito kaya wala siyang problema. "Salamat. Sabihin mo kay Trina na diretso uwi na ako mamaya." Huling bilin niya sa driver. Busy siya sa pag-aasikaso ng mga file nang biglang may pumarada na kotse malapit sa kanyang posisyon.. Agad siya tumayo nang makita niya ang magarang sasakyan. Inaasahan niya na ang binata ang lalabas sa kotse ngunit ibang guwapong lalaki ang lumabas. "Hello guys! Kamusta ang lahat?" Nakangiting tanong ng guwapong lalaki. Tahimik lang siya at walang imik hanggang sa napansin siya ng guwapong lalaki. "Oh, may bago pala tayong kasama. Hello beautiful lady. Hindi puwede ang mahiyain dito." Walang naramdamang takot si Angen sa binata kaya ngumiti na rin siya bago bumalik sa trabaho. "Teka lang, hindi puwede na hindi ka magpakilala." Inilahad ng guwapong lalaki ang kanyang kamay at nagpakilala. "Ako pala si Raymond, isa sa mga namahala dito. Kinulang kasi ako ng tao kaya nag-request ako kay Trina ng puwedeng tumulong sa amin. Salamat dahil magandang babae ang pinadala sa amin. "Ikaw naman masyadong bolero. Tawagin mo nalang akong Gen, short cut for Angen." Pakilala din ng dalaga. Kahit minuto palang na magkasama ang dalawa ay magaan na ang loob nila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD