CHAP 16

1129 Words
Kinaumagahan maagang pumasok si Angen sa opisina na pinamamahalaan ni Raymond. Marami sila sa loob ng opisina hindi ito kagaya ng opisina ni Rodney na magarbo ang dating. "Miss Angen ang aga mong pumasok ngayon. Hindi naman magagalit si Sir Raymond kung hindi natin matapos ngayon ang trabaho." Saad ng isang kasamahan niya. Parang nabawasan ang tinik sa lalamunan niya nang malaman ang isang katangian ng kasalukuyang amo. " Mabuti kong ganun. Pag-igihan natin ng mabuti malay mo may bonus tayo " Pabirong saad ni Angen sa mga kasamahan. Bitbit niya ang kanyang coffee at inilapag sa kanyang mesa. Napuno ng ingay ng mga nagri-ring na mga telepono at ang mga clacking ng mga keyboard habang ang mga empleyado ay masigasig na nagtatrabaho upang matugunan ang kanilang mga deadline. Kabilang sa kanila ang isang dedikadong sekretarya na si Angen. Ilang linggo palang siyang nagtatrabaho sa kompanya ni Rodney kaya kailangan niya magsipag. Ngunit mas gusto niya ang aura ng opisina ni Raymond dahil sobrang gaan sa pakiramdam. Medyo tanghali na ngunit hindi man lang nakaramdam ng gutom si Angen. Simula nang umuwi si Rodney sa Pilipinas ay naging magaan ang pakiramdam niya. "Angen, hindi ka ba nagugutom? Baka gusto mo kumain." Saad ni Troy na hawak-hawak ang tiyan. "Anong oras na ba?" "Minus 5 minutes bago mag-alas dose ng tanghali. Siguro naman may balak kayong kumain." Dagdag pa ni Troy sa mga kasamahan. Niligpit na ni Angen ang mga kalat sa mesa niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad at kahanga-hangang pigura. "Guys, tumayo na kayo diyan at sagot ko ang pananghalian ngayon." Guwapong saad ni Raymond. Simple lang ang suot nito, ito ay nakasuot lang ng punit-punit na jeans at kupas na t-shirt. "Iyan ang gusto namin sayo Sir Raymond, hindi tulad ni Sir Rodney ang sungit at walang pakialam sa amin." "Kayo naman, iba si Sir Raymond." Sabat naman ni Troy. "Sipsip" Mahinang saad ni Angen kay Troy. "Gen, sumama ka sa amin. Hindi ka puwede umayaw." "H-Huwag na, nakakahiya." Pagtatanggi niya. Ayaw niya mapalapit sa binata dahil ayaw niyang malaman kung anong klaseng babae siya. "Hindi matutuloy ang lakad namin kung hindi ka kasama." Ngiting aso na sagot naman ni Raymond. "Oi, Miss Angen sumama kana. Sayang oh. Baka nextmonth bumalik na si Sir Raymond sa Pilipinas. Walang nagawa si Angen kundi ang sumama dahil nahihiya sa mga kasamahan niya. Masaya ang naging ganap sa kanilang pananghalian. Medyo late pa nga sila nang bumalik sa trabaho pero okay lang daw kasi kasama si Raymond. Nag-group picture pa sila nang matapos ang panabghalian. Hinatid lang sila ni Raymond sa opisina at umalis din. Hapon na ito nang bumalik sa opisina. Nagulat silang lahat nang makita ang dalang bouquet of flowers at isang box ng chocolates. At may kasunod pang cake. "Trina, ano ang ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Angen nang makita ang kaibigan na kasama ni Raymond. Ngumiti lang ito at halatang kinikilig. " Namiss kita, frenny." Tanging sabat nito. Samantala hindi nakaligtas kay Troy ang mga galawan ng boss nila. " Sir Raymond, love at first sight ba ito? Isang araw palang may bulaklak agad samantala kami taon na tayong nagkakilala puro biryani lang ang pasalubong mo." Hirit pa ni Troy sa binata. Napakamot ito ng ulo sabay bigay kay Angen ang bitbit nitong bulaklak. "Guys, kayo naman. Today is Angen's birthday." Nahihiyang saad ni Troy. Napatingin silang lahat kay Angen, pati ang dalaga ay nagulat din dahil hindi niya talaga naalala. Gusto niya lang maging busy at kalimutan si Rodney. "Happy birhtday, Gen. Dumaan ako kanina kay Trina kaya nalaman ko." Sabay abot ng chocolate na may card na nakasabit. Halos maiyak si Angen nang makita ang mga mga stolen shot nila kanina habang kumakain ng pananghalian. "T-Thank you. Sa dami ng iniisip ko ay nakalimutan ko ang aking birthday ko. Salamat Trina dahil sa maiksing panahon ay pinahalagahan mo ang kaarawan ko. Akala ko hindi ko deserve na maging masaya dahil madumi akong babae." Walang ng pakialam si Angen kung ano ang maging reaksyon ng mga kasamahan dahil gusto niya lang ilabas ang bigat sa puso niya. "Ano ka ba, okay lang iyan. Hindi lahat ng nag-aabroad ay successful. Lahat tayo ay may kanya-kanyang problema kaya kalimutan mo muna ngayon ang problema mo at mag-enjoy nalang tayo." Saad ni Trina. "She's right, Gen. Let's enjoy at bawal ang sad ngayon." Napailing si Angen sa inasal ni Raymond. Parang hindi ito boss kung kumilos. Dapat magalit ito dahil ang trabaho nila ay nahihinto dahil sa kanilang ka-dramahan. Naging masaya ang kanilang over time dahil masigasig ang lahat. Hindi nila ininda ang pagod na nararamdaman. " Trina, ihahatid na muna kita bago si Angen. " "H-Huwag na." Pagtatanggi ni Angen. Dinilatan niya si Trina dahil ayaw niya magpahatid sa bahay ni Rodney. "A-Ah Sir Raymond, sa bahay matutulog si Angen kaya sabay mo nalang kami ihatid. " Nakangiting saad ni Trina samantala si Angen ay natampal nito ang kanyang noo. "Good! Let's go." Sila nalang tatlo ang naiwan sa opisina. Lahat ng empleyado ni Raymond umuwi na sa kinuha niyang apartment. Puro kalokohan lang ang naging kuwentohan nila hanggang sa makarating sa bahay ni Trina. " S-Salamat Sir Raymond. Ingat sa pag-uwi." Nakangiting paalam ni Angen sa binata. "Sure. Ingat ka din. Kung gusto mo mamasyal dito sa Dubai, tawagan mo lang ako dahil lilipad ako papunta sayo. On this spot ah," saad ni Raymond sabay kindat sa dalaga. Medyo namula ang pisngi ni Angen ngunit hindi ito halata dahil malabo ang ilaw sa labas. "Hindi ko alam superhero ka pala Sir Raymond." Nakangiting saad ni Angen. "Sayo lang. Mag-ingat ka bukas." Tanging saad ni Raymond bago sinarado ang bintana ng sasakyan. "I'm sorry kung hindi kita noon sinagip. Naging duwag ako pero ngayon tutulungan kita at babawi ako." Dagdag pa ni Raymond sa sarili habang pinagmamasdan si Angen. Nang makapasok na sa loob sina Angen at Trina, agad naman siyang umalis. "Wow, ang lakas ng tama sayo ni Sir Raymond, frenny. Kung ako papipiliin kay Sir Raymond ako. Ang tagal ko na siyang kilala at wala pa akong narinig na may naging girlfriend siya. May kuwento-kuwento kasi noon na may mahal na mahal siyang babae kaso hindi niya ito napaglaban noon. Chismis lang ito ah at hindi pa confirm." "Trina, wala naman akong tinatanong. At isa pa ang mga lalaki pare-pareho lang." "Ay naku frenny, ibahin mo siya dahil hindi siya kagaya ni Uncle Rodney mo. Dapat kay Sir Rodney samapalin ng puke." Inis na saad nito kay Angen. "Huwag mo nga siyang banggitin. Maganda na ang araw ko dahil wala ang gago na iyon." "Oo nga noh. Sorry. Sabagay mabuti na ring wala siya para dito ka sa bahay umuwi." Sumang-ayon naman si Angen sa huling sinabi ni Trina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD