Hindi inaasahan nina Trina at Angen na paglabas nila ng bahay ay makikita nila si Raymond na nakasandal sa sasakyan nito.
"Good morning ladies. Sabay na tayo pumunta sa opisina." Nakangiting saad ni Raymond sa dalawa.
"S-Sir Raymond, ibig sabihin siya lang ang isasama mo dahil magkaiba naman tayo ng opisina."
"Of course kasama ka. Ihahatid ka namin muna bago pumunta sa opisina ko."
"Ayon oh. Thank you Sir Raymond. Iwan ko ba kailan maayos ang sasakyan ko. Nahihirapan na ako mag-taxi lagi."
"T-Trina, hindi ba nakakahiya?" Pabulong naman na tanong ni Angen kay Trina.
"Ano ka ba, okay lang iyan. Malinis naman ang kosensiya natin at isa pa nakikisabay lang tayo. B-Bakit may gagawin ba kayo sa loob ng sasakyan."
"S-Siyempre wala. Gaga ka talaga Trina." Asik ni Angen sa kaibigan.
"May problema ba? Bakit kayo nagbubulungan?" Takang tanong ni Raymond sa kanilang dalawa.
"Wala Sir Raymond. Maraming salamat Sir. Muaahhh!" Natatawang saad ni Trina sa binata sabay hila kay Angen papasok sa loob ng sasakyan. .
Sa loob ng isang linggo na hindi niya kasama si Rodney ay naging masaya ang mga araw niya. Hindi niya maramdaman ang pangungulila sa pamilya.
Pagkatapos nilang ihatid si Trina ay dumiretso na sila sa opisina ng binata. Sabay silang pumasok. Ang kagandahan lang sa mga empleyado ni Raymond ay walang chismosa at mapanghusga.
"Paano ba yan, maiwan ko na kayo dito at papasok na ako sa loob." Saad ni Raymond sa mga empleyado niya kasama na doon ang dalaga.
Habang nakaupo si Raymond sa kanyang leather na upuan sa kanyang maluwag na opisina, binuksan niya ang malaking monitor na nakaharap sa kanya. Kitang kita niya ang lahat ng galaw ng mga empleyado niya lalo na si Angen. Nakangiti ang binata habang pinagmamasdan niya si Angen na galit na galit itong nagta-type sa kanyang computer habang nakakunot ang noo ng dalaga sa konsentrasyon.
"She's beautiful." Mahinang saad niya sa sarili. Sobrang nagandahan siya sa ayos ng dalaga. Nakasuot ito ng palda at isang bodyfit na blouse ngunit may blazer ito na sapaw. Mas lalong lumitaw ang kagandahan ng dalaga dahil sa ayos ng buhok nito.
Hindi maiwasan ni Raymond na humanga sa etika at dedikasyon nito sa trabaho. Sa kabila ng pinagdadaanan ng dalaga ay masigasig pa rin siyang tumugon sa mga email at inaayos ang kanyang schedule para sa susunod na araw. Hinangaan niya ang paraan ng paghawak nito sa sarili nang may kagandahang-loob at kahusayan, at alam niyang mapalad siya sa dalaga.
Habang patuloy niyang pinagmamasdan ang dalaga, nakaisip siya ng paraan kung paano kunin ang dalaga mula sa mapang-abuso na amo nito.
Wala siyang nagawang trabaho dahil halos nakatuon lang siya sa dalaga. Hindi mapawi ang ngiti niya sa labi. Napagdesisyonan ng binata na lumabas at tumungo sa dalaga ngunit isang tawag ang kanyang natanggap.
Nang matapos ang tawag, agad siyang lumabas at kunwaring walang alam sa nangyayari sa labas.
"Pagod na ba ang lahat?" Saad niya pagkalabas ng pinto.
"Sir kung bibilhan mo kami ng ice cream sigurado mawawala ang aming pagod." Hirit Troy habang inuunat ang kamay.
"Later, Troy. Angen, puwede ka bang madistorbo saglit?" Tanong ni Raymond na nakatitig ng seryoso sa dalaga.
"Of course, Sir Raymond. " sagot ni Angen at huminto sa ginagawa.
Huminto na din ang lahat at tumingin sa dalawa na may kilig sa mga mata.
"Gen, I just wanted to say thank you for all your hard work. I know I can be a bit demanding at times, but I truly appreciate everything you do for me and the company," seryosong saad ni Raymond sa dalaga.
Lumiwanag ang mukha ng dalaga at ngumiti ng malapad. "Salamat, Sir Raymond. Isang karangalan para sa akin ang makatrabaho kayo. Hindi ako mapapagod kung kasingbait at mapagbigay na tulad mo ang magiging boss ko. Talagang magsisipag ako sa aking trabaho." Nakangiting saad ni Angen sa binata.
"Guys, papayag ba kayo na bumalik sa kanyang trabaho dati o sa atin na siya?"
"Sir dito nalang si Miss Angen. Kunin niyo po siya kay Sir Rodney. Halimaw ang amo niya." Sabay-sabay na saad ng mga empleyado ni Raymond.
"Narinig mo ang sinabi nila?" Mayabang na saad ni Raymond.
"Sino ba ang may ayaw dito? Kung ako ang masusunod mas gusto ko dito." Masayang masaya na saad ni Angen. Parang nabunutan siya ng tinik ng marinig mula sa lahat na hindi na siya papabalikin sa poder ni Rodney.
"Gagawa ako ng paraan para dito na siya sa atin."
Masayang bumalik ang lahat sa trabaho ganun din si Raymond. Ngunit habang seryosong nagtitipa si Angen ay nakatanggap siya ng tawag mula sa hindi kilalang numero pero alam niya na galing ito sa Pilipinas dahil +63 ang unang numero nito.
Nag-aalangan siyang sagutin dahil sigurado siya na hindi siya pag-aaksayahan ng load ng mga kapatid para lang tawagan siya. Pinatay niya nalang ngunit tumawag ito ulit. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya parin sinagot ngunit hinayaan niya nalang tumunog ng tumunog ang kanyang cellphone.
Ngunit hindi talaga tumigil ang caller niya. " Gen, bakit hindi mo sinasagot ang tumatawag sayo?" Kunot noo na tanong ni binata.
"Hindi ko kilala kaya hayaan mo na. "
"Answer it. Hindi naman siguro gagastos iyan ng load kung hindi importante."
Nanginginig ang kamay ni Angen habang pinipindot ang cellphone. May ideya siyang puwede ang binata ang tumatawag sa kanya.
"H-Helooo?" Nauutal niyang saad.
"Mas magaling ba siya kay sa akin? Isang linggo lang akong nawala may ibang ka-s*x kana agad." Saad ni Rodney mula sa kabilang linya. Biglang namula ang pisngi niya sa galit. Napayukom siya ng husto.
"Asshole, hindi ako tulad mo kung kaninong butas ka pumapasok. Matino akong nagtatrabaho dito. At isa pa mag-reresign na ako sa trabaho ko sayo. Kung nandidiri ako sa sarili ko mas nandidiri ako sayo. Mapagsamantala ka." Galit na galit na saad ni Angen sabay bagsak ng cellphone niya sa mesa.
Napahinto naman ang lahat dahil nagulat sila sa reaksyon ng dalaga. " Si boss Rodney mo ba iyon?" Tanong ni Troy sa kanya.
"Hindi na ngayon. Gusto ko nang mag-quit ng trabaho sa kanya. Hindi na ako natatakot na ipakulong niya." Naluluhang saad ni Angen. Hindi niya mapigilan ang sarili kaya inilabas niya ang emosyon na pilit niyang itinatago. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba.