CHAP 18

1060 Words
"Guys, guys, balik na sa trabaho. Miss Angen sumunod ka sa akin." Seryosong saad ni Raymond sa dalaga. Bigla naman kinabahan si Angen nang makitang seryoso ang binata. Walang imik na sumunod si Angen sa binata. "Closed the door." "I-I'm sorry. Hindi ko dapat dinadala sa trabaho ang problema ko." Nahihiyang saad ni Angen. "Don't worry I understand." "Understand? How? Hindi mo ako kilala kaya wala kang alam." "Naiintindihan ko and I know Uncle Rodney. Tiyohin ko siya at pamangkin niya ako." Diretsahang saad ni Raymond na ikinagulat ni Angen. Nanlaki ang mata ni Angen at halos himatayin siya sa nalaman. "H-Hindi ako makapaniwala. Napakaliit ng mundo." Irap ng dalaga habang hawak ang noo. "Alam ko, nagulat kita. Ngunit hindi nito babagohin ang ating propesyonal na relasyon, hindi ba?" Pumikit ng mata si Angen sabay pusnga. "Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Pinagkakaisahan niyo ba ako? Inutusan ka ba niya para paglaruan ako?" "Wait, gusto ko lang linawin na hindi niya alam ang pagbabalik ko dito." "Huwag mo na akong lokohin dahil hindi na ako maniniwala sayo. Gusto ko ng mag-resign." Naluluhang saad ni Angen sabay talikod. Umakmang buksan ni Angen ang pinto ngunit hinarangan siya ng binata. "Mag-usap tayo. Pakinggan mo muna ako?" "Para ano pa? Gusto mo rin ba ang katawan ko?" Umiiyak na saad ni Angen habang hinuhubad ng damit. "Wear your clothes. Hindi ako ganyang lalaki. Nirerespito kita kahit ano ka pa. Nandito ako para tulungan ka." "Tulungan? Hindi ako naniniwala sayo. Pareho lang kayo ng Uncle mo," sabay talikod. "Sa maniwala ka o hindi handa akong tulungan ka. Matagal na kitang gusto noong nasa college palang tayo. Anim na taon ang agwat mo sa akin kaya nahihiya akong magtapat sayo baka pagtawanan mo lang ako. Kaya ang ginawa ko palihim kitang binigyan ng bulaklak at chocolate. P-Pero hindi iyan ang pinaka-rason bakit ako nandito, natatandaan mo nang ibenenta mo ang sarili mo para lang sa hospital ng bill ng papa mo? Ako dapat ang katagpo mo ng gabing iyon. Ngunit hindi ako nakasipot kaya humingi ako ng tulong kay Uncle Rodney pero hindi ko alam na lasing na siya nang oras na iyon." "I-Ibig mong sabihin si Rodney iyon?" "Oo. Ikaw ang dahilan bakit hindi natuloy ang kasal niya pero ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi mo siya nakilala." "H-Habang naghihintay ako sa lalaking bumili sa akin ay nagpakalasing ako para may lakas ako ng loob. Kinaumagahan, paggising ko ay tulog na tulog pa ang lalaking katalik ko. Ayaw ko ng malaman ang tungkol sa kanya kaya umalis ako agad." "Damn! I'm so sorry." Paulit ulit na na paghingi ng paumanhin ng binata kay Angen. "Gusto ko na umalis sa trabaho ko. Gusto ko na magpakalayo-layo, sobrang layo sa inyong dalawa." "Sa ngayon kailangan mo ako. Ngayon pa na alam niya ang tungkol sayo." "Unang araw mo pa lang sa piling niya ay pina-imbestigahan ka na niya. Nang malaman ko ang tungkol sayo ay agad ako lumipad dito sa Dubai para ayusin ang gulong dinulot ko sa buhay mo." "Hindi ganun kadali. Alam mo ba ang galit niya sa babaeng sumira sa kasal niya." Saad ni Angen. Minsan na rin niyang narinig si Rodney kung paano murahin ang babaeng nakasiping ng gabing iyon. "Hindi kita pababayaan. Kung kinakailangan talikuran ko siya gagawin ko." Napaupo si Angen at humagulhol. " Hindi ko deserve ang ganito. " "I'm sorry, this is all my fault." "Kahit isang daan ka pang mag-sorry hindi mo na maibabalik ang dating buhay ko. Alam mo ba dahil sa isang gabing pagtatalik na iyon ay nasira ang buhay ko. Nawalan ako ng trabaho kaya ako nag-abroad." Lumapit si Raymond at niyakap si Angen. "Babawi ako at aayusin natin ito. Sa ngayon kailangan natin planohin kung paano ka makaalis sa kanya." "Salamat." Matipid na saad ni Angen. "Umuwi kana muna. You need to take a rest." "Ayaw ko muna umuwi sa bahay ng Uncle mo." "Sige, tawagan ko si Trina na doon ka na muna umuwi sa bahay niya." Hinatid na ni Raymond si Angen sa bahay ni Trina. " Don't worry, kaya natin ito." Hindi na nagtagal pa si Raymond at bumalik na rin sa opisina niya. Simula nang mangyari ang gabing iyon ay hindi na sila nag-usap ng Uncle Rodney niya. Nagkaroon ng hidwaan sa pamamagitan nila. Si Raymond ang naiwan at namahala sa iniwan ni Rodney. Kaya nagalit nang husto si Rodney kay Raymond. Matagal din hinanap ni Raymond si Angen until natuklasan niya nakasama ito ng Uncle Rodney niya. Kahit nagalit ang ama ni Rodney sa pag-iwan niya ng kompanya sa Pilipinas ay pinili parin ni Raymond na puntahan ang dalaga para iligtas sa kamay ng walang awang tiyohin niya. "Ikaw lang ang babaeng minahal ko. Tanggap kung ano klaseng babae ka, ang importante ang kasalukuyan. Tutulungan kitang bagohin ang kapalaran mo." Bulong ni Raymond sa kanyang isipan habang nagmamaneho. Kinagabihan atat na umuwi si Trina ng malaman ang dahilan kung bakit umuwi ng maaga si Angen. " Gen, I'm home. Kuwentohan mo na ako. " Sigaw ni Trina nang makapasok sa loob." "Magbihis kana nga muna. Nagluto na ako kaya kumain kana muna." "Maya na ako maligo. Kakain nalang ako pero magkuwento kana rin." " Hay naku, may nalaman lang akong kabaliwan!" " Anong nangyari? Mukha kang nabigla ng sobra." Kunot noo na tanong ni Trina sa kaibigan. " Alam mo ba na mag-Uncle sina Rodney at Raymond. Ngayon ko lang nalaman na magkarelasyon pala ang amo natin." Inis na saad ni Angen. Yumuko si Trina dahil alam niya na ang tungkol dito. " May alam ka ba?" "Actually, matagal ko ng alam." Mahinang sagot ni Trina. " Trina naman, bakit hindi mo sinabi?" "H-Hindi ka naman nagtanong." "Kainis ka. Pero hindi lang iyan ang nalaman ko. Ako pala ang dahilan bakit hindi natuloy ang kasal ni Rodney at ang girlfriend niya. " Halos nabuga ni Trina ang lahat ng laman ng bibig nito. " What? Patay!" "May alam ka din ba?" "W-Wala pero minsan ko na rin siyang narinig na oras na makita niya ang babaeng sumira sa buhay niya ay sisirain niya din ang buhay nito." Biglang nakaramdam ng takot si Angen. "Mag-impake na kaya ako at tumakas?" "Gaga iyan ang huwag mong gawin. Ang mabuti pa ay sundin mo ang sasabihin ni Sir Raymond." Mas lalong ginutom si Trina dahil sa sunod-sunod na rebelasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD