Katatapos lamang ng isang mahabang araw sa opisina at inaasahan ni Angen na makapagpahinga na siya sa bahay. Sobrang napagod siya sa araw na ito dahil tinapos nila ang kanilang gawain sa opisina. Ilang linggo din kasi silang puro kadramahan.
Bago umakyat sa pangalawang palapag, ay tinawagan niya muna si Trina upang ipaalam na nakauwi na siya. "Finally, I'm home, Trin. Huwag kanang bumili ng pagkain dahil nakabili na ako. Initin nalang natin ito pag-uwi mo." Pagkatapos makausap ang kaibigan ay umakyat na rin siya at tinungo ang silid na pansamantalang tinutuluyan niya. Nag-half bath lang siya at nagbihis ng pambahay.
Nakaupo na siya sa kanyang kama nang maisipang dumungaw sa bintana. Ngunit nagtaka siya nang makitang may tao sa labas ng gate. Agad siya bumaba at sinilip ang maliit na butas sa pinto. Hindi siya nag-alinlangan na buksan ang pinto. Nang buksan niya ang pinto, nagulat siya sa sumalubong sa kanya.
Nakatayo sa pintuan ang kanyang boss, na may hawak na isang magandang palumpon ng mga bulaklak sa kanyang kamay. Bumilis ang t***k ng puso ni Angen habang pilit na pinoproseso ang hindi inaasahang pagbisita ng kanyang boss.
"S-Sir Raymond, anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ni Angen na puno ng pagtataka at pagkalito ang boses.
Isang matamis na ngiti naman ang isinagot sa kanya ng kanyang boss at sinabing, "Gusto kong personal na magpasalamat sa lahat ng iyong pagsusumikap at dedikasyon. Napakaganda ng trabaho mo, at gusto kong ipakita ang aking pagpapahalaga."
Nawalan ng masabi si Angen nang iabot sa kanya ni Raymond ang bouquet. Amoy na amoy ni Angen ang matamis na bango ng mga bulaklak.
"Salamat, Sir Raymond," sa wakas ay nagawang magsalita ni Angen. " Pero nahahalata ko yata Sir Raymond na ilang araw ka ng nagpapasalamat sa akin." Dagdag pa ng dalaga. Nagawa pangmagbiro ni Angen sa kabila ng kaba na nararamdaman.
Tumango si Raymond at ngumiti ng malawak. "You deserve it, Gen. Keep up the great work."
"Thank you, Sir Raymond. Gusto ko na sumuko pero ito ka dumating sa buhay ko at binigyan mo ako ng pag-asa para lumaban."
"Oo naman. Basta ikaw, laging handa ako. By the way, good night and goodmorning para bukas." Nahihiyang saad nito. Biglang tinalaban si Raymond ng hiya.
"Ay grabe siya. Pumasok ka na muna. Dito kana kumain, sumabay kana sa amin ni Trina. Magluluto ako ng adobong baboy, tamang-tama lang at pauwi na si Trina."
"Talaga? Wow, baka maubos ko ang bigas niyo pag iyan ang niluto mo."
" Walang problema Sir Raymond basta palitan mo bukas." Pabirong saad ni Angen at pumasok na sa loob.
"G-Gen, puwede bang Mond nalang ang itawag mo sa akin kung tayong dalawa lang?" Saad nito sa dalaga.
Lumingon si Angen at ngumiti kay Raymond. " Sure my boss este Mond." Kung hindi lang nakadikit ang kepyas ni Angen, naku, siguradong tumatumbling na ito sa kilig.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay, inilapag ni Angen sa mesa ang bulaklak at kanyang cellphone. " M-Mond, dito ka lang at magluluto lang ako sa kusina."
"Can I help?" Medyo alangan na tanong ni Raymond.
"Are you sure?" Kunot noo na tanong ni Angen sa binata.
"Sure. Teach me how to cook. Gusto ko kasi matuto para sa near future wife ko. Gusto ko siya pagsilbihan mula ulo hanggang paa."
"Naku, tumayo ka na nga diyan at baka mamaya wala tayong mauulam."
Tatalikod na sana si Angen nang biglang umilaw ang kanyang cellphone. Nakita niya ang labing pitong tawag mula kay Rodney. Napangisi ang dalaga nang makaisip ng paraan paano gantihan ang walang pusong boss na si Rodney.
Binuksan niya ang kanyang social media at in-accept ang friend request ni Rodney. " Tara, doon na tayo sa kusina."
"Ako ba ang dahilan ng ngiti na iyan?" Mapang-akit na tanong ni Raymond sa dalaga.
"Ikaw talaga. Balatan mo nalang ang sibuyas."
"Damn, umiiyak ang mata ko niyan?"
"Akala ko ba tutulong ka?" Kunwaring nakasimangot na saad ni Angen.
"Ito naman hindi mabiro. Okay lang tumulo ang luha ko basta dahil sa 'yo este sa sibuyas mo."
"Marunong kana, ah. Mond, okay lang ba sayo mag-live ako?"
"Walang problema." Tuwang -tuwa si Angen nang pumayag si Raymond.
Masaya silang dalawa habang nagbabalat ng sibuyas at bawang. Nang matapos sila sa pag-prepare ng mga sangkap, agad hinugasan ni Angen ang kawali at iginisa ang sangkap para sa adobo.
Sobrang abala si Angen sa paghahalo ng baboy at mga sangkap kaya naisipan ni Raymond na silipin ang views. Hindi makapaniwala ang binata nang makita ang mahigit isang libong views ngunit nagulat ang binata nang biglang may nagpaulan ng angry reaksyon. Bahagyang sumaya ang puso ni Raymond nang mapagtanto kung sino ang nag-react. Isang fake account ngunit alam niya kung sino ito dahil minsan narin niya itong hiniram sa Uncle niya.
"Baby, ang bango ng niluluto mo. Can I taste?" Sabay lapit sa likuran ni Angen na parang yakap nito ang dalaga.
"M-Mond, naka-live tayo." Mahinang saad ng dalaga.
"I know but he is watching us. Sakyan mo nalang ang mga trip ko. " Pabulong na saad ng binata.
Mabilis naman na gets ni Angen kung sino ang tinutukoy ni Raymond. Humarap siya sa binata at malapad na ngumiti sa boss. " Sure, baby ko." Todo ngiti na saad niya.
Pagkatapos lumapit si Angen sa cellphone niya upang tingnan ulit ang views ngunit naagaw ng atensiyon niya ang limang daang reaksyon at puro angry birds ito. Magsasalita pa sana si Angen nang biglang namatay ang live niya. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng isang notification mula sa namamahala ng social media. Nakasaad sa mensahe na may nag-report ng kanyang account.
"Isip bata talaga ang tiyohin mo." Inis na saad ni Angen. Alam niya naman na si Rodney lang ang may motibo na i-report ang account niya.
"Hello, guys. Akala ko ba bumili ka ng pagkain pero mukhang may naamoy akong masarap." Sabat ni Trina na kakarating lang.
" Nagluto si Gen ng adobo for us."
"Really? For us or for you only?" Mataray na saad ni Trina.
"Ay naku, umupo kana dito at kumain at baka ubusin ito ni Mond."
Biglang napaubo si Trina nang marinig niya ang sinabi ni Angen. "Ang bilis, Mond agad. Ay, Jelly ako." Maarteng saad ni Trina.
" Puwede mo rin siyang tawagin, Mond." Namumulang saad naman ni Angen.
"I-Ikaw nalang ang tumawag sa kanya ng Mond, sapat na sa akin ang tawagin siyang darling. Subuan nakita darling."
Napailing nalang si Raymond sa kalokohan ni Trina. Habang si Rodney ay umuusok ang ilong sa galit.