Nataranta lahat ng tao sa bahay ni Rodney nang magsisigaw ito sa loob ng exercise room. Nagtaka ang Ina dahil simula paggising ni Rodney ay mainit ang ulo nito.
"Manang Pacita, puntahan mo nga ang baby Dodong ko." Utos ng Ina ni Rodney sa mayordoma niya. Tubong probensiya ang pamilya ni Rodney. Kilala at mayaman ang angkan niya. Malambing at mapagmahal naman ang Ina ng binata ngunit pagdating sa mga babaeng magugustuhan ng anak ay masyado itong matapobre.
"Y-Yes, ma'am. " Mabilis na sagot ng matanda. Kinatok niya ang exercise room.
"Dong, may problema ba? Hinihintay kana ng mommy mo." Saad ni Manang Pacita mula sa labas ng pinto.
Halos matumba si Manang Pacita nang biglang bumukas ang pinto. " Damn, Yaya, bakit ka naka dikit sa pinto?"
"Dong, pinapatawag ka ng mommy mo. Nag-alala kasi siya sayo."
"Ack! Puwede ba yaya huwag mo ako tawagin Dong. Malaki na ako at saka ang badoy kaya." Napasabunot si Rodney ng buhok dahil sa inis niya kau Angen.
"Dong, huwag kang ganyan kay Manang Pacita. Ano ba ang dahilan bakit mainit ang ulo ng baby ko."
"Mommy, please lang. Don't call me baby ." Padabog na saad nito sa Ina.
"Dong minsan ka nalang umuwi dito ang sungit mo pa. Nakatampo ka." Malungkot na saad ng Ina.
"I'm sorry, mommy. P-Pero gusto ko ng adobo."
"Manang Pacita, narinig mo ang sinabi ng alaga mo. Tawagin lahat ng katulong upang magluto ng adobo. Sarapan niyo ang pagluto."
"Mommy, hindi sila ang magluluto. Gusto ko ako magluluto habang nag-live sa social media." Saad nito na may seryosong tono ang boses.
Napa-krus ang Ina at isang kamay ay sinapo ang dibdib dahil para siyang aatakihin sa nag-iisang anak. " Sus ginoo, Dong. Ano ba ang nangyayari sayo. Trenta kana mahigit, saka mo lang naisipan magluto? Manang Pacita ano ba pinakain mo sa anak ko at nagkakaganito. Pedro, tawagin mo si Ivyang at ipatawas natin ang baby Dodong ko." Hindi makapaniwalang saad ng Ina.
"Mommy, seryoso ako." Giit niya sa Ina.
"Oh, siya ikaw ang bahala. Iiwan nakita kay yaya Pacita mo. Maglalaro nalang ako ng mahdjong sa mga amega ko at mukhang aatakihin ako sa puso."
"Thank you, mommy." Saad niya sa Ina sabay halik sa pisngi.
"Pacita, huwag niyo iwanan ang baby ko at baka masunog ang bahay."
"Akala ko naman concern kay Sir Rodney iyon pala sa bahay lang." Pabulong na saad ng mga ibang kasambahay ngunit narinig parin ng Una ni Rodney.
"Narinig ko ang sinabi niyo, okay lang naman hindi niyo bantayan para pagnasunog ang bahay kasama kayo. Ako, walang problema dahil can I afford to buy another house." Mataray na saad nito.
Hindi nakaimik ang mga katulong at dumiretso nalang ang mga ito sa kusina upang tulungan ang amo nila.
"Dong, para saan ba ito? Gusto mo na rin ba maging blojer, blejer, basta ganun."
"Yaya, vlogger. Kayo halikayo dito. Hiwain niyo ang lahat ng ito."
"S-Sir, mag-live ka diba? Dapat po kayo ang gumawa para marami kang views."
"Damn, paano niya makikita ang live ko? Ahhhh, kainis talaga oh. " Agad niya binuksan cellphone para tingnan ang account ng dalaga ngunit hindi niya na makita.
"Sino ba Dong?" Takang tanong na saad ni Manang Pacita.
"W-Wala. Garry, come here!" Pasigaw na saad niya sa nakakabatang pinsan.
"Good morning hubby." Masayang saad ni Jean.
" Kanina maganda ang araw ko ngayon hindi na."
"Kausapin mo naman ako."
"Okay, sa isang kondisyon pahiram ng account mo. Magkaibigan kayo ni Raymond right?"
"Yes, why?"
"Give me your phone." Kahit walang ideya si Jean, binigay nita parin ang cellphone.
"Mag-live ako pero ayaw ko na kasama ka sa video. Hintayin mo ako sa sala."
"Sa room mo nalang kita hihintayin."
"No. Your not allow to enter my room." Supladong saad niya sa dating nobya.
Sumunod naman ang dalaga habang si Rodney ay nagsimula na sa pagluluto. Natataranta na ang lahat dahil puro sigaw ang binata.
Makalipas ang halos 25 minutes tanging si Manang Pacita lang ang nanonood sa kanya. " Walang nanonood? Bullshit. Yaya ipasa mo ang video na ito kay Raymond.
Makalipas ang 10 segundo ay may nag-react ng maraming like. " Like lang? She's crazy. I hate her." Sigaw ni Rodney sabay hagis ng cellphone.
"Kainin niyo lahat ito."
"Thank you, sir. Sana bukas ulit." Tuwang tuwa na saad ng mga katulong. Nilingon sila ng binata at inirapan.
Badtrip na tinungo ni Rodney ang sala kung sàan naghihintay ang dating nobya.
"Done?" Masiglang tanong ni Jean ngunit
walang emosyon si Rodney.
" Why are you here?"
"I miss you. Siguro puwede pa natin ayusin ang relasyon natin."
"Enough. Yes, I admit kasalanan ko ang lahat pero bakit hindi mo ako pinakinggan tapos nandito ka at sasabihin mo na hinintay mo ako?"
"I'm sorry. Ngunit hindi lang iyan ang pinunta ko dito, I heard natagpuan mo na ang babaeng dahilan bakit hindi ang kasal natin."
"Problema ko na ito kaya huwag ka ng mangi-alam."
"Problema mo? Siya ang dahilan bakit ako napahiya at nagtago! Kaya sa ayaw at gusto mo, makikilala ko din siya." Galit na galit na saad ng dating nobya.
"Ano ang gagawin mo?" Biglang lumambot ang facial expression ng mukha ni Rodney.
"Ipaparanas ko sa kanya ang kahihiyan na inabot ko. Sisirain ko din ang buhay niya tulad sa pagsira niya sa atin."
Agad na nilapitan ni Rodney ang dating nobya at mahigpit na hinawakan sa kamay. " Iyan ang huwag mong gagawin. Oras na ginalaw mo siya ako ang makaklaban mo." Tiim bagang saad ni Rodney.
"Aray, nasasaktan ako. Kilala mo ba siya?"
"N-No. Umuwi kana at may gagawin ako."
"Siguradohin mo lang. Sa ngayon hahayaan kita, pero tandaan mo na matutuloy ang kasal natin ."
"Never. Tapos na tayo at ayaw ko nang balikan ka." Asik na saad ni Rodney sa dating nobya sabay talikod.
"Asshole! Hindi mo ako puwede takasan. Alam ko kilala mo siya mo kaya pakisabi maghanda siya dahil sisingilin ko siya."
"Ma'am umuwi na lang kayo dahil ayaw naman kayo kausap ni Sir Rodney."
"I know, don't touch me. Alam ko lumabas." Maarteng saad ni Jean.