Isang malaking event ang gaganapin sa kompanya ni Rodney kaya kahit ayaw niya umuwi ng Pilipinas ay napilitan niyang iwanan si Angen. Pagdating niya ng Pilipinas hindi siya dumiretso sa bahay niya bagkus palihim siyang pumunta sa lugar ni Angen. Hinatid niya ng personal ang mga pinamili niya para sa mga magulang ng dalaga at mga kapatid. Hindi niya alam kung bakit ginawa niya iyon pero gusto niya personal na makilala ang magulang ng dalaga. Dalawang araw na siya sa Pilipinas bago umuwi sa bahay nila. Palihim niyang hinanap si Raymond ngunit nalaman niya nalang bumalik ito sa Dubai at nag-request pa ito na doon muna mamamalagi. Kinaumagahan, excited na gumising si Rodney dahil pumayag ang daddy niya na after ng event ay babalik siya sa Dubai. Masaya siya habang iniisip ang katawan n

