Pagod at inaantok si Rodney nang umuwi galing sa isa nilang ari-arian na bagong bili. Napapikit ang binata bago binuksan ang pinto. " Dodong, b-bakit ang dungis mo at pawisan?" Kunot-noo na tanong ng Ina. "Mom, I'm tired. Good night, mom." Saad ni Rodney sa Ina. "Wait Dodong. Yaya Pacita dalhan mo ng towel ang baby ko." "Mom!" Nakasimamgot na saad ng binata. "Fix yourself, Son. Pupunta dito ngayon sina Miss Angen and Raymond. Inimbitahan namin sila para sabayan tayo mag-dinner." Saad ng ama. "W-What? Dad, Mom, hindi ako makapaniwala na inimbitahan mo ang aking sekretarya at si Raymond." Gulat na reklamo niya. " Naku Dodong, hindi big deal kung inimbitahan namin sila para sumabay sa atin. Nais lang naming makilala ang mga taong nakikisalamuha mo. Malayo ka sa amin kaya dapat

