"Dodong, girlfriend ba iyon ng pamangkin mo?" Takang tanong ni Manang Pacita sa alaga. "Yaya, don't call me like that especially in front of her." Inis na saad ng binata sa kanyang Yaya Pacita. "Pasensiya na, hijo at nakakalimutan ko. Maiwan nakita dito at babalik na ako sa kusina." "T-Teka lang, Yaya Pacita. I need your help." "Sabihin mo na at may gagawin pa ako." "Samahan mo muna ako dito, din pagkatapos doon tayo sa silid ko." "Tarantadong bata ka. Matanda na ako kaya wala na akong asim." Napatampal ng noo si Rodney dahil sa sinabi ng matanda. " Yaya, yacky ka. Mali ang iniisip mo." Natawa na rin ang matanda. At naki-isyoso na rin tulad sa kanyang alaga. " You heard that? Ang landi niya talaga. " "Parinig?" Saad din ng matanda sabay dikit ng tainga sa pinto ng silid ni

