Pagdating ni Rodney sa pool area, hindi muna siya lumapit sa dalawa bagkus tumayo lang siya sa gilid ng kanyang maluho at infinity pool habang pinagmamasdan ang magkahalong inggit at pagkadismaya. "Tsk. Hamak na mas maganda at macho naman ang katawan ko diyan. Magsaya lang kayo ngayon dahil sisiguradohin ko na pagbalik natin sa Dubai, magiging akin kang muli." Pabulong na saad nito sa sarili habang hinahayaan ang sarili na mainggit sa dalawa. "Oh, nandiyan ka pala? Gusto mo sumali sa amin?" "No, thanks!" Supladong sagot niya. "Okay, fine! Halikana Gen at tuturuan kitang lumangoy." Pagtalikod ng dalawa ay parang batang ginaya ni Rodney si Raymond. " Okay, fine! Tuturuan kita Gen lumangoy. Akala mo naman sila ang may-ari ng bahay na ito. Sarap ipatapon sa labas ang dalawa na ito."

