"Damn!" Napamura si Rodney nang marinig ang pinag-uusapan nila sa loob ng silid. "Ang tanga naman ni Angen bakit hindi pa siya lumayas at iwanan ang pamilya niya." Dagdag na bulong niya sa kanyang isipan. "Hindi katangahan ang tawag kundi pagmamahal." Saad ni Raymond na biglang sumulpot mula sa kanyang likuran. "Ikaw ba talaga ang pamangkin ko? Parang hindi ikaw!" Saad naman ni Rodney sa pamangkin habang binubusisi ang mukha. Hindi kasi ito makapaniwala na nahulaan ng pamangnkin ang kanyang iniisip. "Ano ba! Maiba ako, ano ba talaga ang plano mo kay Gen?" "I don't know. Ang alam ko lang akin siya at ayaw ko may kahati sa kanya." "Ang labo ng sagot mo. Kung ganun tama lang ang desisyon ko na ligawan siya." saad ni Raymond sabay talikod. "Kuya, tawag ka ni Mama." Nakangiting saad

