Hinatid lang ni Rodney si Angen sa apartment nito at siya ay nagmamadaling nakipagkita sa kaniyang private detective. "Find this person. He look familiar to me. Parang nakita ko na siya but I can't remember when or where." "Boss, lumang-luma na ito. Tapos ang ilong hindi malaman kung matangos o pango dahil burado na." Reklamo ng detective niya. "Trabaho mo iyan. Gusto ko with in this week may resulta na ang paghahanap mo." "T-Teka lang, sino ba ito?" "Ang trabaho mo ay hanapin ang taong iyan hindi makipagchismisan." Supladong saad ni Rodney sabay tayo. Gusto niyang puntahan ulit si Angen sa apartment ngunit mas gusto niyang malaman kung sino ang lalaking nasa larawan. Walang kaalam-alam si Rodney na may itinatagong lihim ang kanyang mga magulang. "Raymond, ano 'tong nabalitaa

