KINABUKASAN, maagang umalis ng bahay ang ginang upang puntahan sa apartment building si Angen. Pagkadating ng ginang sa harap ng building, nagpaiwan lang siya at pinaalis ang drayber. Kinakabahang umakyat sa 10th floor ang ginang, hindi sa takot siya sa dalaga kundi takot siya malaman ng anak ang plano niya. Bumuntonghininga muna ang ginang bago pinindot ang doorbell sa pinto, kumabog ang puso niya sa dibdib habang hinihintay ang sagot ni Angen. Nang tuluyang bumukas ang pinto, nagulat at bahagyang naguguluhan na tingin mula kay Angen ang sinalubong ng ginang. "Hello, Angen," ang sabi ng ginang na pilit na pinapakalma ang sarili. "May importante akong sasabihin sa iyo." Dagdag pa ng ginang. Niyaya ni Angen ang ginang sa loob at umupo sila sa sofa. Huminga ng malalim ang ginang bago na

