Naalimpongatan si Rodney sa sofa. Naalala niyang nagpaiwan pala siya sa sala. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. "Damn, 1:00 am na pala." Mahinang sambit ni Rodney nangmakita ang oras. Agad siyang tumayo at pumunta sa banyo. Naghilamos at momog ang binata. Pabalik na siya sa sala ng maalala muli ang dalaga. Bumuntonghininga ang binata sa kadahilanang hindi niya alam kung ano nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga. Knock... knock... Mahinang katok niya sa pintuan ng dalaga ngunit tila hindi siya naririnig nito. "I know you're still awake. Open this damn door. Kausapin mo ako." Mariin na saad ng binata. Nakaramdam siya ng sobrang kabog mg dibdib nang marinig ang boses ng dalaga. Alam niya sa kanyang sarili na umiiyak ito. "Leave me alone. Umuwi kana!" Garalgal na bo

