FRIDAY. "Julia!" Bahagyang nilakasan ni Manang Fe ang pagtawag sa bata dahil nasa kuwarto ito at kanina pa dapat natapos sa pagbihis. "Male-late ka, dapat alas sais impunto nandoon kana sa eskwela, 'di ba?" Parents' Day celebration na ng St. Joseph. Binilin ng homeroom teacher na agahan ang pagpasok sa araw na iyon dahil marami pang mga bagay na dapat ihanda bago ang program. Alas otso iyon magsisimula kaya sa loob ng dalawang oras ay dapat kompleto na ang mga kailangan. "Coming po," sagot ng dalaga habang sinusuklay ang buhok. "Si Ali po, Manang?" Nilapag ng babae ang backpack sa sofa at dumulog na sa lamesa. "Hmmn..." samyo nito sa kakaserve na pagkain. Naghanda ang matanda ng bacon, scrambled eggs at saka sopas, may lumalabas pang usok mula sa kanin. "Natutulog pa siguro 'yon, a-att

