"JULIA, anong ginagawa mo dito bata ka, gumawa ka na ng assignments mo o mag-aral ka doon," rinig ni Ali mula sa garden na sabi ni Manang Fe. May metal garden table set sa labas ng bahay kung saan siya naglalagi minsan at hinaharap ang trabaho, kasama ang laptop. Gusto niya rin ang tunog ng mga dahon na sumasayaw sa tuwing umiihip ang preskong hangin, calming, mas nakakapag-isip siya nang mabuti. Nire-review niya ang exactuals ng education insurance na kinuha para kay Julia. Hinanda niya iyon para hindi na siya mag-iisip pa ng pinansiyal pagdating ng panahon. Kahit anong gustong kunin na kurso ng bata at kung saan nito gustong mag-aral ay wala nang magiging problema. Kasama ni Ali ang lagi niyang kaagapay na calculator, papel at ballpen. "Tapos na po ako sa assignment ko, mamaya na po

