KINABUKASAN ay sinadya ni Ali na huwag mag-overtime nang sa gayon ay makarating nang maaga sa bahay at makausap nang maayos si Julia. "Si Julia po?" "Nasa garden, silipin mo." Matapos niyang ilapag ang gamit sa sofa ay dumiretso na si Ali sa gilid ng bahay. Naabutan niya ang dalaga sa garden, nakatalikod ito sa french door kung saan siya nakatayo. Hawak nito ang mahabang hose at pinapatamaan ng tubig ang mga dwarf bamboo sa gilid ng pader. "Iyan ang sinasabi ko sa iyo, ilang araw na niyang gustong gumalaw dito sa bahay. Kahapon, nagpupumilit na bigyan ko raw siya ng trabaho. Hindi ko mapigilan, Ali, kaya hinayaan ko nalang na gawin niya iyan." "Ako na po'ng bahala." Pagkasabi noon ay umalis na ang matanda sa harap niya. "Julia," sambit niya sa pangalan nito, bahagyang nilakasan para

