Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo buwan at taon. Para kay Andrew at Julz ay hindi nila gaanong napansin ang takbo ng bawat araw. Hindi nila napansin ang mga lumilipas na segundo, minuto at oras. Lalo at pareho silang naging busy sa kanya-kanyang trabaho. Nakikibalita at tumutulong pa rin naman sila sa paghahanap kay Anna. Meron lang talaga na pagkakataon na sobrang busy nila sa kanya-kanyang trabaho. Mas napalawig at napalawak pa ni Andrew ang kanyang kompanya. Habang si Julz naman ay nakapagpatayo ng isa pang clinic na si Dra. Cruz na ang attendant doctor. Kaya pag sarado man ang clinic na siya ang doktor, may napupuntahan pa din ang mga pasyente niya. Nasa living room si Andrew at Julz ng condo niya ng makatanggap si Andrew ng tawag. Nagtaka pa siya lalo na at international call i

